Chapter 30

377 24 2
                                    

"Bry anak, wake up malalate kana sa klase mo "

"Ma ..." napapaos na boses na tawag ko

"Gumising kana diyan dahil malalate kana naman po .."

Mabilis kong tinakpan ang mga mata ko nang saktong tumama ang liwanang nang araw sa mukha ko pagkabukas nang bintanang nasa ulunan ko.

"Bumangon kana diyan dahil ihahatid ka nang Papa mo .."

"Opo .. bababa na .."

"Okay sweetheart.."

Hinalikan pa muna ko ni Mama sa noo bago ito tuluyang lumabas sa kwarto ko. Wala na rin akong choice kaya agad akong bumangon at pikit matang dumeretso sa banyo dito sa kwarto ko.

It's Friday at ikaapat na araw nang hindi pa kami nag-uusap ni Eros, ewan ko sa bading na yon. Hindi pa yata nakamove on ang bading sa nangyare noong lunes kaya hindi pa ako kinakausap. At hindi ko maiwasan mainis sakaniya.

Talaga bang ganon nalang siya ka Oa para paabutin niya pa nang ilang araw?

Ilang minuto pa ang nakalipas matapos akong makapag-ayos ay mabilis akong lumabas sa kwarto. Pagdating ko sa dining area ay naabutan ko na ang parents kong nakaupo roon.

"Halika kana at maupo kana dito Bry para makakain kana bago ka pumasok" nakangiting yaya ni Mama

Pilit nalang akong ngumiti at agad na lumapit sa tabi niya at agad na naupo. Ngayon ko lang yata ulit nakasabay ang Ama kong kumain ngayon mula nang huling pag-uusap namin na hindi naging maganda kaya hindi ko maiwasan magtaka lalo na at may plano pa siyang ihatid ako papasok.

Pilit kong iniwasan ang Ama ko dahil ayokong mas lalong tumindi ang hindi namin pagkakaunawaan. Ayoko kong maubos ang natitirang pasensiya ko sakaniya dahil sa galit at pagbabawal niyang nakakasakal at nakakagalit.

Napabuntong hininga nalang ako nang kahit papaano ay hindi siya nagsalita na makakapag-init nang ulo ko sa umaga. Nagsimula kaming kumain nang tahimik hanggang sa matapos kami.

Nang makarating ako sa sala ay agad kong kinuha ang mga gamit ko at bago umalis ay pumasok muna ako sa kusina para magpaalam.

"Ma .. pasok na ako at mag-iingat po ako." natatawang paalam ko

Agad lumapit si Mama sakin at natatawang hinalikan ako sa noo

"Ikaw talagang bata ka, aral nang mabuti, maliwanag ba?" nakangiting sabi niya

Nakangiting tumango naman ako at ilang sandali pa ay agad na akong lumabas nang bahay.

"Sumabay kana sakin at ihahatid kita papasok " rinig kong boses ni Papa sa likod

Hindi na ako sumagot at sumunod nalang sakaniya papalabas kung nasaan ang kotse niyang nakaparada na sa harap. Walang imik akong sumakay sa passenger seat at ganon din ang Ama ko.

Nasa gitna na kami nang byahe nang nagsalita siya na akala ko ay hindi na.

"Kamusta ang pag-aaral mo?" mahinahon niyang tanong

Mabuti naman at kalmado siya ngayon ..

"Ayos lang po ." sagot ko nang hindi bumabaling sakaniya

Ang akala ko ay hahaba pa ang pag-uusap namin na hanggang sa point na hindi na naman kami magkakaintindihan pero nagkamali ako dahil pagkatapos nang usapan na yon ay hindi na siya nagtanong. Gusto kong magtaka pero pilit ko nalang binaliwala.

Ilang sandali lang rin ay nakarating na kami sa harap nang school. Matapos maiparada ni Papa ang sasakyan sa gilid ay mabilis kong inalis ang seatbelt at kinuha ang mga gamit ko pero agad rin akong napatigil nang makita si Eros na nakatayo mismo sa harap nang gate. At halatang may hinihintay.

Hindi ko alam pero agad akong kinabahan na hindi ko alam. Kaya naman pilit kong pinakalma ang sarili bago ako bumaling kay Papa na hindi ko inaasahan ay nakatingin din pala sa harap mismo nang gate. HIndi na ako magtataka kung napansin niya si Eros at hindi ko alam kung anong gagawin ko o may dapat ba akong gawin.

"Pa .. pasok na po ako .." kalmadong boses na paalam ko at pagkatapos ay agad na lumapit sakaniya para humalik sa pisngi

Hindi ako tumingin sa mata niya dahil pakiramdam ko malalaman niya agad kung gaano ako kinakabahan ngayon na pilit ko lang itinatago.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis na binuksan ang pintuan pero bago pa ako makalabas ay narinig ko pa ang huling sinabi niya.

"Layuan mo ang baklang yon Brylee Aloisia .. huling pakiusap." kalmadong sambit niya

Gusto kong matawa na hindi ko alam dahil habang naririnig ko ang sinabi niya ay saktong nagkatinginan kami ni Eros na ngayon ay nakangiti sakin. Ang saya na makikita sa mata niya ay siyang kabaliktaran naman nang kung anong nararamdaman ko habang pinakikinggan ang sinabi ng Ama ko.

Tangina. Kailan pa nanging madrama ang takbo nang buhay ko?

Pilit akong ngumiti kay Eros at pagkatapos ay mabilis na bumaling kay Papa. Pagtingin ko sa kaniya ay makikita ang kalmado ngunit seryosong reaksyon nang mukha niya na mas lalong nagpakaba sakin.

"Take care, I'll see you later."

Tumango nalang ako at tuluyan lumabas nang kotse. Wala sa sariling tumayo at hinintay tuluyan makaalis ang kotse ni Papa.

What should I do?

Napatigil lang ako nang biglang may umakbay sakin at nang makita kung sino yon ay mas lalong naging mahirap para sakin ang makapag-isip kung anong gagawin ko.

Now that I already decided to keep you, ngayon naman darating ang ganitong klase nang sitwasyon na kailangan kitang layuan.

Gusto kong sabihin sakaniya ang lahat pero pakiramdam ko mas mahihirapan lang kaming pareho kapag nagkataon. I know my father. Alam kong may nalalaman na siya at mas natatakot ako kapag may gawin na siya.

Sapat na bang gusto ko siya para maipaglaban ko yong nararamdaman ko para sakaniya?

I want to choose but I'm afraid that choosing will be the reason I will let him go.

"Matunaw naman ako sa mga tingin mo girl" natatawang sabi niya na nakapagpabalik sakin sa realidad

"Edi sana kanina kapa natunaw" kunwaring masungit na sagot ko

"Tsk, sungit ngayon na nga lang tayo nag-usap ganiyan kapa sakin!" nakangusong sabi niya

Hindi ko na napigilan at agad siyang siniko sa tagiliran, mabuti nalang at pinaalala niya sakin! Ilang araw rin pala kaming hindi nagpapansinan, ay mali. Siya pala ang hindi namamansin!

"Ouch Bry! Napaka-sadista mo!" mabilis na reklamo niya

"Bwst ka! Baka ilang araw mo akong hindi pinansin? Tapos ngayon lalapit ka sakin na parang wala lang?" naiinis na sagot ko

"Eh~ sorry na! Kase naman nong last time na magkasama tayo hindi ako nakarecover agad don e! Tsk kasalanan mo rin naman yon kung sana hindi naging malikot iyang kamay mo!"

Gulat akong bumaling sakaniya, anong malikot ang pinagsasabi niya? What the hell!

Sa inis ko ay hindi ko na napigilan at mabilis ko siyang sinipa sa tuhod at mabilis na tinalikuran!

"Bwst ka! Malikot pala ha!" naiinis kong sabi

Bago pa ako makalayo ay narinig ko pa ang ilang reklamo niya at hindi na ako magtataka kung nakabusangot na ang mukha niya.

"Sadistang babae! Siya na nga 'tong namimiss e! "

Hindi ko napigilan ang mapangiti nang marinig ang huling sinabi niya. It's okay right, Bry? Tsaka ko na pag-iisipan ang lahat. Gusto ko siyang makasama at pakiramdam ko siya lang ang makakapagpakalma sa isipan ko.

Sorry Pa .. but it's not that easy to let him go ... hindi ngayon at hindi bukas. 

That Pretty Boy (COMPLETED)Where stories live. Discover now