Chapter 5

453 27 0
                                    

Nagising ako nang makarinig ako nang ingay, napapikit nalang ako at pagkatapos ay agad na  bumangon.

Pagmulat ng mga mata ko ay  bumungad sakin ang tatlong kama na wala man lang isang taong nakahiga don kaya agad kong inilibot ang paningin ko nang makitang wala don ang kaninang nurse na kausap ko lang kanina.

Nasa clinic ako ngayon, dito na ako dumeretso kanina matapos mangyare yong eksena kaninang umaga. Hindi na ako pumasok dahil late narin naman na ako at wala ako sa mood para pumasok kaya nag dahilan nalang ako na masakit ang ulo ko para payagan akong matulog dito.

Napatigil lang ako nang marinig na tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa bag ko na nasa gilid ko lang din. Pagbukas ko ay agad na bumungad ang tumatawag na si Pixie, nagulat pa ako ng makitang alas dose na pala.

Ilang oras din akong natulog ah? Great Bry, hindi kana nakapasok sa buong umagang klase mo.

Napailing nalang ako at agad na sinagot ang tawag.

"At last Bry! Bruha ka! Nasaan ka?! At bakit hindi mo man lang sinasagot ang mga tawag o text ko sayo!? Jusko! Laganap ang chismis sayo dito bruha ka! Lunes na lunes Bry! Ano buhay ka pa ba o patay na sa kakahiyan!!!" Oa na sabi niya

LETSE! Hindi pa man ako nakakapagsalita, ang loka akala mo kung may baril sa bunganga kung maratrat. Dinaig pa nanay ko e, napaka OA

"Kagigising ko lang at sobrang wala ako sa mood at mas nawalan pa ako ng mood nang marinig ko yang boses mo!" inis na sagot ko

"Ay kaloka ka talaga my friend! Wala akong pakialam kung wala ka sa mood dahil wala din ako sa mood ngayon dahil sa mga naririnig ko ngayon!"

Napabuntong-hininga nalang ako.

Ang bilis naman ng chismis sabagay hindi na ako magtataka kung alam na nang isang to' ang  nangyare kaninang umaga. Sa lapit ng building namin sa building nila ay hindi na ako magtataka lalo na at ngayon ko lang narealize na sa lahat ng taong nakapaligid saamin nang mangyare yon ay puro  mga Grade 12 student kaya pala pakiramdam ko para akong aping-api kanina dahil lahat pala nang tao kanina ay kakilala nang dalawang mag-jowa.

Ano ngayon? Atleast naging akin ang huling halakhak

Wala akong pakialam kung anong maiisip nila o kung anong tingin nila sakin dahil sa nangyare because I'm not born to please them or to anyone. It's my life, I don't care what they think about me. Their opinions about me doesn't define who I am.

"Pumunta kana lang dito sa clinic .." agad na sagot ko at binabaan na siya ng tawag

Natawa nalang ako dahil alam kung minumura na niya ako ngayon dahil agad ko siyang binabaan ng tawag.

Mabuti nalang pala at saktong tapos na ang klase nang magising ako kaya pala may narinig akong maingay dahil nagsisilabasan na ang ibang mga estudyante.

Nagdesisyon akong mag-aayos na muna kaya naman tumayo na ako at agad na pumasok sa Cr dito sa clinic habang hinihintay ko narin si Pixie.

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang boses nang loka kaya naman agad narin akong lumabas ng natapos na akong makapag-ayos.

Pagkalabas ko ay agad na bumungad ang napakagaling kong kaibigan na hindi man lang ako hinintay bago siya nagsimulang kumain. Basta pagkain talaga ang isang to' akala mo kung sinong patay-gutom.

"Talagang hindi mo pa ako hinintay makalabas bago ka nagsimulang kumain, ano?" sarcastic na sabi ko.

Umirap naman ito agad sakin bago siya sumagot.

"Tse! Buti nga binilhan pa kita e"

"Mukha kang patay gutom" pang-aasar na sagot ko

Agad ko rin namang nilapitan ang binili niyang pagkain at pagkatapos ay nagsimula narin kumain. Walang nagsasalita saamin dahil we have this motto na kain muna bago chismis. Haha

Gutom na gutom narin naman ako at isa pa hindi pa ako nakapagbreak man lang kanina dahil deretsong tulog yong ginawa ko.

Ilang sadali pa ay natapos narin kaming kumain at habang umiinom ako nang tubig ay bigla akong kinalabit ni Pixie, talagang hindi man lang ako hinintay matapos makainom ng tubig.

"Ano? " nakataas na kilay na tanong ko

"Anong ano ka diyan? Magkwento ka na kung ano bang nangyare kaninang umaga at bakit kaliwa't kanan ang chismis sayo" mataray na sagot niya

Hindi muna ako sumagot at inayos ko muna ang sarili ko at ang napaka-habang pasensiya ko dahil kapag ang isang to' ang kausap mo siguradong mauubusan ka ng pasensiya.

"Ano na? Ang tagal ha"

Inirapan ko naman ito.

"Eto na nga diba? " sagot ko

So, ayon hindi ko narin pinatagal at agad ko nang ikwenento ang buong nangyare kaninang umaga lang. Simula nang umalis ako sa bahay hanggang sa pumasok ako dito sa school at kung anong eksaktong nangyare matapos non. Walang kulang, detalyadong-detalyado.

Hanggang sa matapos kong sabihin lahat yon sakaniya.

Napagod ako don ah?

"Tama nga ako, kilala kita e hindi ka nanununtok ng basta-basta kaya nga hindi narin sana ako magugulat don pero hindi ko parin naiwasan magulat nang malaman na si Dos pala ang nasuntok mo at lalo na nang malaman kong nakasagutan mo pa si Eros Girl! Ikaw na brave!" Oa na sabi nito

"Dahil nainis narin naman ako kaya hindi ko narin napigilan kase sinong ba ang hindi? Iginigiit niya na sinandiya ko raw yon at kung ano-ano pang sinasabi niya" inis na sagot ko

"Hindi ko rin naman masisisi kung bakit ganon ang naiisip niya lalo na at hindi naman kayo magkakilala"

"And this is the second time that he judged me again .." mariin na sabi ko

At hindi ko alam kung may susunod pa dahil talagang intentionally na talaga ang gagawin kong pagsuntok at siya ang unang makakaranas non ...

Nababadtrip talaga ako, hindi ako makapaniwalang sa ikalawang pagkakataon ay nakaharap ko na naman ang bading na yon, akala mo kung sino.

"Pero natatawa ako Bry ha? Talagang bang sinabi mo yon?" natatawang tanong niya

"Anong sinabi?" takang sagot ko

"Yong sinabi mo sakaniyang hindi ka pumapatol sa bading? Napakabastos mo don sis"

Makabastos naman to' pero kung makatawa akala mo nanalo sa lotto ang bruha.

" Oo bakit? Tsaka pang iinis ko narin yon sakaniya, sinasabi ba kasing may gusto ako sakaniya kahit hindi direktang sinabi niya yon sakin halata namang ganon ang ibig niyang sabihin at hindi ako tanga para hindi makuha yon .."

Sorry but I'm not into Gays sis .. haha

That Pretty Boy (COMPLETED)Where stories live. Discover now