Chapter 32

281 22 0
                                    

Pagpasok na pagpasok ko palang sa loob nang bahay ay mabilis akong nakaramdam nang kaba sa hindi maipaliwanang na dahilan. Basta nalang naramdaman ko.

What the hell bry?

Mabilis akong natigilan nang makitang seryosong nakaupo sila Papa at Mama sa isa sa mga upuan na nasa sala. At kahit hindi na ako magtanong ay alam kong hinihintay nila ako. Kanina ay ang gaan na nang nararamdaman ko pero ngayon .. sa isang pitik bumalik agad yong bigat na nakadagan sakin.

"Pa ..Ma .." tawag ko

Pilit itininatago ang panginginig at kabang nararamdaman ko.

Mabilis na lumingon si Mama sakin at pilit na ngumiti, halatang pilit na pilit. At si Papa ay nakayuko lang sa tabi niya na parang ang lalim nang iniisip.

"Anak .. come here we would like to talk to you." tawag sakin ni Mama

"Okay po .."

Agad akong lumapit sa isa sa mga single couch na nasa harap mismo nila. Pagkatapos kong maupo ay tsaka lang tumingin sa banda ko si Papa. Hindi ko maintindihan ang emosyon na nababasa ko sa mga mata niya nang nagkatinginan kami.

Ang akala ko ay galit na naman ang siyang sasalubong sakin pero hindi ... masyadong emosyonal ang pagkakatingin niya sakin.

Hindi ko mapigilan maguluhan at magtanong nang makita ang reaksyon nang mga mukha nila. Anong bang nangyare? May nangyare bang hindi maganda?

" Pa .. Ma .." tawag ko

Nagtatanong.

"May problema po ba?" tanong ko nang hindi nakatiis dahil nakatingin lang sila sakin

Hindi ko maiwasan lalong kabahan lalo na nang makitang sa isang segundo ay agad nawala ang emosyon sa mga mata ni Papa. Ngayon ay malamig na siyang nakatitig sakin habang si Mama naman ay malungkot na nakatingin sakain.

Bakit ba hindi sila makapagsalita?!

Magsasalita sana ulit ako nang biglang may inilabas si Papa na isang brown envelope at padabog niya yon inilabas at mabilis inihagis sa mismong table na nasa pagitan namin. At dahil may kalakasan ang pagkakahagis niya ay agad na sumilip ang laman non.

Hindi ko na napigilan ang magulat nang makita kung ano yon. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kahit kalahati lang non ang nakasilip ay alam kong likod ko yon nasa picture! What the fck?

Unti-unti akong napatingin sa parents ko at hindi ko na napigilan ang pangingilid nang luha sa gilid ng mata ko.

Hindi pa man sila nagsasalita. Nakikita ko na ang disappointment sa mga reaksyon nila at hindi ko maiwasan masaktan nang hindi lang si Papa ang ganon ang tingin sakin dahil mula sa ilang metro na pagitan namin ni Mama ay kitang-kita ko ang lungkot at disappointment sa mukha niya.

"Ma .." hindi ko na napigilang tawag sakniya

Akala ko may mas masakit pa sa reaksyon nang mukha nila pero mas doble pa pala yong sakit nang mabilis iniwas ni Mama ang paningin niya sakin. Akala ko kakampi ko siya ... hindi pala. Hindi.

Hindi ko maintindihan kung anong dapat ang maramdaman ko. I know that I disappointment them. Ang kaisa-isang pinagbabawal sakin ay siya pang ginawa ko at pinili kong gawin. Gusto kong magsisi pero hindi .. hindi ko kaya at wala sa isip ko ang magsisi. I don't have any regrets even now .. pinili ko to' e .. pinili ko siya. I choose that happiness na alam kong hindi ko pagsisisihan.

Nasasaktan ako dahil nasaktan ko ang parents ko pero hindi ko ba deserve din maging masaya kahit sa ilang sandali lang?

I always choose them but why do they can do the same for me? Bakit ba kung saan pa tayo masaya don pa hindi tayo pinagbibigyan?

"Isang isa lang Bry, isa lang yong gusto namin na huwag na muna, ang boyfriend ka. Mahirap ba yon anak? " maariin na sabi ni Papa

Napayuko na lang ako, lalong sumasakit yong dibdib ko dahil sa riin at sakit sa boses ni Papa lalo na ang huling salitang sinabi niya. This is the first time he called me anak at hindi ko maiwasan masaktan at manghinayang dahil sa ganitong sitwasyon lang pala niya ako matatawag na ganon .. ulit.

"Look at those pictures so you can see yourself .. kung paano mong nagawa ang mga yan kahit alam mong magagalit kami .."

At parang wala sa sariling agad na kumilos ang mga nanginginig kong mga kamay na kinuha ang laman nang envelope.

Gusto kong mangiti na ewan. There are five pictures of me with Eros. In every different angle, the first picture is when we are in the front of gate of the school. Nakatalikod ako sa picture at sa harap ko ay ang nakangiting Eros habang nakabukas ang dalawang braso niyang parang papalapit sakin. The second one was when he came to our building at masayang nag-uusap kami. At ang ikatlo ang nasa canteen kami, kumakain. Hindi ko maiwasan magulat nang makita ang sunod na picture na kuha saamin. This is recently, nong time na pumunta siya sa room namin at binigyan niya ako nang libro. Masyado kaming malapit sa isa't isa habang nakangiti sa isa't isa. At ang panghuli, nasa library kami nakaupo at nakasandal ako sakaniya habang si Eros ay nakahalik sa noo ko!

Hindi ako makapaniwalang nakikita ko to' lahat! Lahat nang kuha namin ay recently lang nangyare ang mga yon at ni hindi sumagi sa isip kong may kukuha saamin nang litrato. Hindi ko maiwasan makabahan nang maisip na sa mga time na yon ay may lihim palang tumitingin o hindi man ako sure ay sinusundan kami!

Hindi ko na napigilan at mabalis na napatingin sa mga magulang ko pero ang paningin ko ay deretsong napatingin kay Papa na walang emosyon ang mukha. Ayokong makatinginan kami ni Mama dahil alam kung masasaktan ko lang siya at ayokong makita ang sakit at disappointment sa mukha niya.

"Where did you get this pictures Pa..?" hindi ko na napigilang tanong

"It doesn't matter where did I get those pictures. Ang problema dito ay yan, ang mga hawak-hawak mo."

"Pa .. please .. let me explain .. hindi ko siya boyfriend and we are no---

Pero bago ko pa matapos ang dapat na sasabihin ko ay agad na sumingit si Mama na hindi ko inaasahan.

"Yes, he's not your boyfiend yet .. right? Nagpaligaw ka Brylee Aloisia .. of course saan ba pupunta yan? Hindi ba sa pag-sagot sa kaniya?" mariin na boses ni Mama

Wow ... just wow

Hindi ko maiwasan lalong masaktan. Hindi dahil sa sinasabi nila kundi sa riin at galit na boses nila. Alam ko naman na mali ang ginawa ko dahil sinuway ko sila pero hindi rin naman mali ang pagpili ko para maging masaya.

"And he's gay, really Bry? Hindi ka nga nagpaligaw sa mga lalaki pero nagpaligaw ka sa bakla? Huh? Sa tingin mo magandang tignan ang baklang yon kasama mo? Sa tingin mo nakakatuwa yon? Hindi dahil nakakah---

"Pa! Please stop it!" hindi ko na napigilang sagot

Kailan pa naging ganito ang Papa? Hindi ko maiwasan makaramdam nang galit dahil sa sinasabi nila tungkol kay Eros. Matatanggap ko pa kung sakin lang e' baka nga maiintindihan ko pa kung sakin lang.

Huwag si Eros Pa dahil gusto ko yon .. huwag sa taong gusto ko.

"Ano? Ipagtatanggol mo ang baklang yon? Kaya mong bastusin kami para sa baklang yon?" galit na sagot nang Ama ko

"Hindi ba nakakabastos rin ang sinasabi mo tungkol sakaniya Pa? Oo, bakla siya, bading, beki at kung ano-anong tawag pa nang iba sakanila pero hindi sila kasing-sama nang iniisip niyo sakanila and Yes! I like him! I like him so much na wala akong pinagsisihan sa lahat nang yon! Isa siya sa mga taong dumagdag nang kulay sa buhay ko Pa! "

Hindi ko na napigilan ang pagtulo nang mga luha ko habang sinasabi ang lahat yon sa harapan nila. Hindi ko na rin kaya, pagod na pagod na ako sa lahat.

"Did you ever ask me if I'm okay? If I'm happy? No, I'm not happy .. hindi ako masaya! Hanggang ngayon may bakas parin nang kahapon yong buhay ko ngayon! Hindi ko na kayang mabuhay pero pilit akong nagpatuloy kase meron pa kayo! May parents pa ako! I love her .... so much .. I love my sister .. na kayang-kaya kong mawala sa oras na to' para makasama siya! But I didn't because I promise to her that I'll live for her ..."

So, ask me again if I'm happy .. 

That Pretty Boy (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz