Chapter 2

528 26 1
                                    

Sa isang araw ang daming nangyare, ang bilis magbago nang sitwasyon. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala kung paanong nangyare yon at sa mabilis na oras para bumaliktad ang ikot ng buhay ko sa araw-araw.

Parang kahapon lang. ..

"Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo girl! You're not qualified talaga!!" exaggerated na sabi ng isang to' at ang loko may pairap at paflip pa ng hair na akala mo siya ang pinakamaganda dito sa balat ng lupa.

Iritang bumaling naman ako sakaniya, anong pinagsasabi ng isang to?

"Anong hindi qualified? Pinagsasabi mo?"

"My goodness!! Of course I'm talking about being a chismosa!" sabay halakhak ng baliw

"Napakawalang kwenta mong kausap, alam mo yon?" iritang sagot ko

"I don't care girl!"

Hindi ko na siya pinansin dahil naiinis parin ako sa sarili ko ngayon, bakit ba nahuhuli ako sa chismis ngayon? O baka totoo kayang hindi ako qualified? Ay shet bat ko ba pinapaniwalaan tong pinagsasabi ng baliw na to?

At ang ang tanga talaga Bry! Bakit ba ngayon mo lang nalaman na may relasyon pala ang President at Vice President ng SSG! Pakiramdam ko ako na yata ang pinakatanga dahil kung hindi ko pa yata aksidenteng nakitang naghahalikan sila ay hindi ko pa malalaman.

At bakit ba big deal sakin to? Ano ngayon kung may relasyon sila?

Naiinis talaga ako ngayon parang bumalik yong inis ko ng makasagutan ko ang President na yon! Naalala ko sinabihan ba naman akong manyakis! Badtrip

Napatigil lang ako ng bigla akong kinalabit ni Pixie.

"Hoy ayos ka lang ba? Ano bang nangyare nong nakita mo sila? Halatang parang ang dami mo parin iniisip ah?"

Bumaling naman ako dito at inis na humarap sakaniya.

"Naiinis ako! "

"At bakit naman?" tanong niya

"Dahil bakit ngayon mo lang sinabi sakin yon!" inis na sagot ko

"So, kasalanan ko paba? Tsaka isa pa mapapansin mo naman mga galawan ng dalawang yon e halatang may something at isa pa alam naman ng lahat na bakla at bisexual ang dalwang yon"

Napabuntong hininga nalang ako at napa iwas ng tingin dahil sa mga sinabi niya ni isa yata sa mga yon wala akong napansin dahil ang alam ko lalaking-lalaki sila.

"Ano? Don't tell me ni isa sa mga yon wala kang napansin?" tanong niya nang mapansin ang reaksyon ko at ilang sandali lang ...

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Tangina...

"Sige, tawa pa" walang ganang sabi ko nang derederetso itong tumatawa

"Grabe girl! Ibang level ang pagkatanga mo! Ano ang manhid mo naman yata masyado? Kaya ka di nagkakajowa e! " natatawang sabi niya

"Mas maganda nang maging manhid kaysa naman paulit-ulit ipagpalit " sarcastic na sagot ko na nakapagpatigil sakaniya

"Bwst" inis na sagot niya

Hindi ko na naiwasan matawa nang sa isang segundo ay biglang nawala ang tuwa sa mukha niya. Ano ka ngayon my friend? Haha

"Foul ka rin ano? " inis na sabi niya

"Pasensiyahan nalang tayo" natatawang sagot ko

Umirap nalang siya saken pero agad rin natawa

"Napakawalang kwenta mo talagang kaibigan"

"Same here" sagot ko

Nagkatingin kami at sabay rin natawa.

"Pero seryoso talaga Bry? " agad rin na tanong niya

"Anong seryoso?" takang sagot ko

"Na hindi mo alam na may relasyon sila?"

Agad ko rin naman nakuha ang ibig niyang sabihin kaya agad akong tumango.

"Sasabihin ko paba sana yon kung hindi?"

"Sabagay, ewan ko ba sa mata mo kung anong klaseng mata ang meron ka at hirap mong makita ang mga bagay na ganon sa ibang tao"

"Unique lang talaga tong' mata ko"

"Tse, pangit mo kabonding" pang aasar niya kaya inirapan ko nalang siya.

Ilang irap na bang ang ginawa ko sa mga oras na to?

"Nagulat rin naman ako nang nalaman ko ang about sakanila noon, at bakasyon natin non kumalat yon, kaya siguro hindi mo din alam dahil nasa probinsiya kayo lagi during summer"

Hindi ko maiwasan magulat dahil noong last summer pa pala yon, wala man lang dumating sakin na chismis.

Akala ko talaga kase lalaki silang pareho dahil sabi ko nga ang gwa-gwapo nila lalo na ang President, hindi rin halatang bakla at bisexual sila, o baka naman ako lang talaga ang hindi nakapansin non?

"At isa pa, hindi rin din naman kita masisisi kung akala mo lalaki talaga sila dahil sino nga ba naman ang mag-aakala na bakla at bisexual sila? Lalaking-lalaki sila kung pumorma at gumalaw kaya hirap din paniwalaan isama mo pa na sila palagi ang representative natin sa bawat Defense o kaya Quiz Bee na nagaganap laban sa ibang school, hindi lang sila matalino kundi ang gwa-gwapo rin" dagdag na sabi ni Pixie

"They are also our SSG's Prisedent and the Vice President.."

Napairap nalang ako

"Ang tatalino't gwapo nga ang pangit naman ng ugali!" inis na sagot ko na nagpagulat naman sa isang to'

"Gaga! Anong pangit ang pinagsasabi mo! Ang friendly nga nila e! Kaya nga ang daming babae o lalaki ang lumalapit sakanila diba?"

"Wala akong pakialam! Basta pangit lalo na ang President na yon! Malditang bakla!! " inis kong sagot

Friendly friendly! Friendly ba yong pagsabihan kang manyakis? At kung makainsulto akala mo naman kung sino! Pwe

Napatigil lang yata ako nang mapansin na parang gulat na gulat tong baliw na to' at parang naestatwa pa yata sa kinauupuuan niya.

"Hoy! Anong nangyare sayo? Gulat na gulat? Tsaka wala naman yatang nakakagulat sa malditang baklang sinabi ko sa President na yon! Dahil totoo rin naman" tuloy na tuloy na sabi ko at hindi na pinansin ang reaksyon niya.

Magsasalita ulit sana ako nang hindi man lang siya sumagot nang biglang may tumawag sa buong pangalan ko. Pakiramdam ko para akong binuhusan ng malamig na tubig na may ice nang marinig ang malamig ngunit pamilyar na boses.

"Brylee Aloisia Fern..."

That Pretty Boy (COMPLETED)Where stories live. Discover now