Chapter 23

406 24 1
                                    

"Hoy, hintayin kita sa labas nang building " bulong na sabi ko kay Pixie

"Sige, ang bilis ha"

"Nagreview e hindi kagaya mo " nakangising sagot ko

"Ulol, lumayas kana nga at lalong sumasakit tong, ulo ko!" naiinis niyang sagot

Hindi na ako sumagot at natatawang kinuha ang bag ko at pagkatapos ay agad na kinuha ang test paper ko at mabilis na ipinasa yon. Hindi ko na binalingan si Pixie dahil alam kong mas lalo lang siyang matataranta, hindi kasi nag review ang loka at kung ano-anong inuuna e' tsk

Pababa na ako nang marinig na may tumawag sakin kaya naman napabaling ako kung sinong tumawag sakin at nakitang si Drew yon.

"Hey .." bati niya sakin nang makalapit na siya

Nakangisi naman akong tumingin sakaniya.

"Bilis natin ah?"

"Inspired lang " nakangisi rin niyang sagot

"Baka expired yan .."

Mabilis siyang umiling at pagkatapos ay nahihiyang tumingin sakin, halatang nahihiya. Lakas nang tama natin boy ah?

"Wala ba talaga akong pag-asa sayo?" nahihiya niyang tanong

Pilit akong ngumiti sakaniya dahil alam ko sa sarili ko na wala akong balak mag-boyfriend muna talaga, malilintekan lang ako sigurado.

Matinong lalaki si Drew at hindi rin naman maipagkakaila na gwapo siya pero talagang wala akong balak magkajowa muna at kaibigan lang din ang tingin ko sakaniya at alam kung kahit hindi ko sabihin yon sakaniya ay nararamdaman niya yon.

Hanggang sa makalabas kami sa building ng Grade 11 ay wala nang nagsalita sa pagitan namin, ramdam ko rin na nahihiya siya sakin lalo na at hindi na ako sumagot sa huling sinabi niya.

Nagulat ako nang saktong nakalabas na kami ay bigla niyang hiniwakan ang kamay ko kaya naman mabilis akong napatingin sakaniya.

"Bakit?"

Nakayuko lang siya sa harap ko at nakatingin sa kamay kong hawak niya at matapos non ay unti-unti niyang iniangat ang paningin niya sakin at hindi ko maiwasan maguilty lalo nang makita ang panghihinayang at lungkot sa mga mata niya.

"You know I like you ever since when we are in Grade 10 at kahit ilang ulit mo na akong binasted, paulit-ulit ko parin sinusubukan dahil baka sakaling bibigyan mo na ako nang chance pero narealize ko na maybe ayaw mo muna talaga at naiinitindihan ko yon" sincere na sabi niya habang diretsong nakatingin sa mata ko

"I'm sorry Drew, marami pa naman diyan na pwede mong magustuhan at malay mo yong the best pa ang mapili mo " nakangiting sagot ko

"Yeah, I know .. Kung bakit naman kase hindi ako makontento sa kung anong kaya mong maibigay sakin " natawang sabi niya at pagkatapos ay binitawan na ang kamay ko.

"You're handsome and gentleman at alam kung may isang babaeng darating din para sayo, hindi nga lang ako yon " natatawang sabi ko

"Baka nga .. " natatawa rin sagot niya

Ilang sandali rin na nag-usap kami bago siya nag-paalam na umalis, hindi ko maiwasan panoorin siyang umalis, nakokonsensiya ako pero talagang wala e' ayoko rin naman pilitin ang sarili ko at magdesisyon na lang basta-basta.

Napatigil lang ako nang marinig na may nagsalita sa likod ko at hindi ko naiwasan mapabuntong hininga nang makita kung sino yon.

Ano na naman ang problema nito at ang sama na naman ng tingin sakin.

That Pretty Boy (COMPLETED)Where stories live. Discover now