Chapter 36

273 23 3
                                    

"Akala ko ba tumigil na kayo sa kalokohan na yan Bry! " galit na sigaw ni Papa

"Nag-usap lang kami at aalis na rin naman siya"

Mabilis kong binalingan si Eros na nasa likod ko na gulat na gulat at halatang kinakabahan. Gusto ko man siyang kamustahin ay hindi ko na pwedeng gawin yon lalo na sa galit na reaksyon ni Papa.

"Kailangan mo nang umalis Eros, nakikiusap ako"

Agad siyang napatingin sakin nang nag-aalala pero hindi ko yon kailangan. Mas importanteng makaalis na siya bago pa lumapit ulit saamin si Papa.

"Pero Bry ... "

Alam kong naguguluhan siya at hindi ko alam kung paanong ipapaliwanag sakaniya ang lahat. Please makisama ka naman!

"Umalis kana Eros plea---

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko nang nagsalita si Papa at hindi ko alam kung pasasalamatan ko ba si Mama dahil nasa tabi siya ni Papa at pilit na hinihila ito nang huwag siyang makalapit.

Agad kong tinulak si Eros.

"Umalis kana please lang Eros!"

"But I want to kno----

"Wala akong pakialam sa sasabihin mo! Umalis kana! Hindi kita gusto at hindi kita mahal kaya umalis kana! Dahil hinding-hindi kita magugustuhan! Umalis kana at huwag ka nang lumapit sakin kahit kailan!" galit kong sigaw kasabay nang pagtulak ulit sakaniya.

Kahit gabi na ay malinaw kong nakita ang sakit sa mga mata niya. Hindi ko alam kung paanong na kaya kong sabihin yon sakaniya habang umiiyak sa harapan niya.

"Ano hindi pa ba aalis yan!" sigaw na sabi ni Papa

"Umalis kana! Wala kang aasahan sakin!" sigaw na sabi ko at kahit nanlalabo ang mga mata ko ay deretso ko parin yon sinabi habang nakatingin sakaniya.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis siyang tinalikuran. Mabilis na lumapit si Papa sa banda namin pero agad ko siyang pinigilan.

"Ano? Hindi mo titigilan ang anak ko! Umalis kana kung ayaw mong masaktan kita!" galit na sabi ni Papa habang pilit ko siyang pinipigilang lumapit.

Walang salita-salitang agad na umandar ang sasakyan niya kaya naman napapikit nalang ako nang mariin.

I'm sorry .. I'm so sorry Eros

Pagkaalis nang sasakyan niya ay agad na rin akong pumasok sa loob nang bahay. Hindi ko na pinansin ang tawag sakin ni Papa. Sa halo-halong nararamdaman ko hindi ko alam kung paanong haharapin at kakausapin sila!

Hindi ko maintindihan ang nangyayare! Naguguluhan ako lalo na ang nararamdaman ko. Ang gusto ko nalang ay magkulong sa kwarto ko at magdamag na mag-isip.

"Brylee! Huwag mo kaming talikuran! " galit na sigaw ni Papa

Agad akong akong napatigil at galit na bumaling sa kanila. I know that I don't have the rights to be mad at them but I can't help it lalo na sa sitwasyon na to'

Nasa sala kami nagkakaharap. Nakatingin lang ako sa kanila habang galit na galit ang reaksyon ni Papa at si Mama ay walang reaksyon nakatingin sakin.

Hindi ko maiwasan makaramdam nang kirot sa dibdib ko nang makita ang reaksyon ni Mama. Masyado yon malamig. Akala ko kakampihan niya ako sa oras na to' but she didn't.

"Anong ibig sabihin nang pagpunta nang lalaking yon dito? Hindi ba sinabi kong layuan mo na ang lalaking yon! Ganiyan na ba katigas ang ulo mo?"

That Pretty Boy (COMPLETED)Where stories live. Discover now