Chapter 8

422 27 0
                                    

"So what are you saying? Na may mali sa mga desisyon ko?" naiiritang sabi niya

"No, I'm just saying na kung pwede ay tanungin mo muna sana kami kung anong desisyon namin bago ka magdesisyon para sa lahat" kalmadong sagot ko

"Huh? So you're expecting me to inform you before I decide? Kaya nga kami ang nandito dahil kami at kami lang magde-desisyon para sa lahat ng representative dahil kami ang pipili!" sigaw na sabi niya

"Eros .." tawag ni Dos

Napapikit nalang ako para pakalmahin ang sarili ko, ilang beses bang parating nangyayare to? Nababadtrip na ako.

Isang-isang nalang bading ka! Tatablan kana talaga sakin!

"Fine .." walang ganang sagot ko

Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang bading na to' dahil parati nalang itong inis na inis sakin. Wala naman akong naalala na may atraso ako dito.

Noong huling usap nga namin ay noong last week pa nang bigla itong nahimatay, mabuti na nga lang at walang nakakita noong nangyare dahil pakiramdam ko baka isisi pa sakin yon e wala naman akong pakialam.

Meron pala konte lang.

Hindi na ako nagtanong o nangamusta noong nakita ko siyang pumasok matapos mangyare yon. Ayoko rin naman magtanong dahil baka kung ano pang isipin nito at hindi naman kami close. Parang hangin lang kapag nadadaanan namin ang isa't isa o di kaya ay kung nagkakasalubong kami.

Kung ganon ang turingan namin sa isa't isa ay ganon naman ang pinagkaiba kay Dos, the Vice President and his boyfriend dahil kapag nakakasalubong ko siya palagi niya akong binabati o kaya ay ngumingiti sakin kahit na magkasama sila ni Eros minsan, naiisip ko nga baka kaya palaging ako ang pinag-iinitan niya dahil nagseselos yon pero pasensiya na hindi ko type ang boyfriend niya.

It's been a week na naging representative ako kaya naman minsan ay nasasali kami sa mga meeting ng mga SSG Officer at palagi din kasing may announcement about sa mga representative.

At hindi ko alam kung ilang beses na kaming nagkakasagutan ni Eros sa mga lumipas na meeting na kasama kami at naiinis ako dahil sobrang sarcastic niya at sungit sakin kapag may tanong ako o kaya may binibigay na opiniyon pero ang mas malala kase don ay sakin lang siya ganon kapag sa iba naman akala mo kung sinong kalmado palagi.

And the last argue with him I walk out!

"Everyone, we will having a team building this Friday, so I expect everyone will come .."

What.

"Mahirap ba talagang tanungin mo muna kami sa mga opinyon namin bago ka mag-desisyon?" sarcastic na sagot ko

At parang hangin, agad na nagbago ang ihip nito.

Hindi ko alam kung bakit hindi niya man lang magawa yon, anong mahirap sa magtanong muna siya samin? Alam kung the voting will be depend on them, all the SSG Officer are the one who will choose who will win. Hindi ang mga estudyante kundi sila mismo ang pipili.

At naiinis na naman ako ngayon dahil may pa-team building pa sila! Ang effort ha. Badtrip.

"At bakit rin ba hirap ka na indindihin na kami mag-desisisyon?" sarcastic na sagot rin niya

"Naiintindihan ko naman na sainyo ang desisyon pero sana naman lang mainform naman kami sa mga desisiyon na gagawin niyo"

"Anong tingin mo sa mga sinasabi ko ngayon? I'm telling you right now the information that you're asking!"

"Inform bang tawag yon kapag tapos nang nagdesisyon? Are you fcking kidding me" iritang sagot ko

Hindi ko na talaga napigilan dahil punong-puno na talaga ako sa isang to' at wala na akong pakialam kung anong maiisip niya sakin! Dahil wala naman akong pakialam sakaniya.

Tahimik lang ang mga kasama namin ngayon, walang naglakas-loob na sumabat o magsalita man dahil hindi lang din yata ako ang nakakaramdam ng matinding tensyon sa pagitan namin ng bading na to'

"Ha! Edi magback-out ka kung ayaw mo pala ang mga desisyong ginagawa mo! Then quit, we don't fcking care!" inis na sagot niya

Kung naiinis siya ngayon, mas naiinis ako!

"Ginawa ko na yan pero anong sabi mo?! Hindi pwede diba and now you're asking me to quit?! Pinagloloko mo ba ako?! "

"Edi ikaw na! Ikaw na ang magdesisyon at ikaw na rin maging President ng SSG kung gusto mo!?"

Pakiramdam ko sasabog na ako sa inis at naiiritang nararamdaman ko ngayon lalo na ang huling sinabi niya, ganito ba talaga to' kababaw?

Hindi ako sumagot agad dahil kahit anong inis ang nararamdaman ko ngayon hindi ko ipagkakaila na may epekto ang sinabi niya sakin, insulto yon para sakin.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko at napailing nalang.

Kailangan ba talaga niyang sabihin yon at ipahiya ako? Tangina.

Walang nagbago sa reaksyon nito at halatang katulad ko ay pilit niya ring pinapakalma ang sarili niya. Napailing nalang ako kaya nang matapos kong pakalmahin ang sarili ko ay tsaka ako bumaling sakaniya at agad siyang matamis na nginitian.

"Fuck you .. " mariin na sabi ko

Hindi ko na pinansin ang ilang pag-singhap ng mga nasa loob at dere-deretso nang lumabas. Wala na akong pakialam kung anong naging reaksyon ng bading na yon dahil agad ko siyang tinalikuran.

Hindi ako tanga para hindi mapansin ang galit nito sakin at hindi ko alam kung bakit. Wala akong matandaang ginawan ko siya nang masama at kung yong pagsuntok ko lang sakaniya noong nahimatay ito ay kasalanan din naman niya yon dahil kung hindi naman sa tiindi ng pagkakahawak niya sa braso ko noon ay hindi ko yon magagawa.

Wala na akong pakialam kung tuluyan na nga akong matangal sa list sa mga representative ng Grade 11 dahil sa una rin naman ay wala akong balak sumali.

Unang meeting palang noon sinabi kong gusto ko nang mag-quit dahil ayoko nga talaga sana at handa ko naman tanggapin ang punishment kung sakaling meron pero hindi, hindi pumayag ang Eros na yon at simula noon ay palagi nalang mainit ang ulo niya sakin.

Ano bang problema nang bading na yon sakin! Tangina. Nakakaubos nang pasensiya! Pasalamat siya at hindi ko siya nasapak kanina dahil sa inis ko.

Badtrip!  

That Pretty Boy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon