Chapter 29

323 21 1
                                    

Lumipas ang dalawang araw na hindi nagparamdam si Eros at naiintindihan ko naman yon pero ang hindi ko lang talaga maintindihan ay talagang papalipasin niya nang dalawang araw. Really?

Hindi namin inaasahan na mangyayare yon, hanggang ngayon ay gusto kong batukan ang sarili ko kapag minsan sumasagi yon sa utak ko! Hindi ko rin naman sinasadiya na gawin yon at hindi ko yon ginustong mangyare! Walang babae ay may gustong gawin yon!

Bakit nga ba hindi ko man lang napansin ang mga naging kilos ko nong oras na yon?! Hindi ko rin naman namalayan na .. shit! Napatitig ako sa kamay ko at hindi ko maiwasan mainis!

"Hi Dos! Kamusta?"

"Hey, ayos lang kayo?"

"Wala, eto crush ka pa rin!"

"Haha loko!"

Napatigil lang ako sa pag-iisip nang mapansin ang grupo nang mga Senior High na pinagkakaguluhan si Dos sa harapan namin.

Ngayon ko lang yata ulit siya nakita, alam kong wala na sila ni Eros pero pakiramdam ko may part parin sakin ang naguguilty. Hindi ko alam pero yon talaga ang nararamdaman ko.

Naging mabait siya sakin sa ilang interaction namin at hindi na ako magtataka kung alam niyang nililigawan ako ni Eros.

Gusto ko siyang kausapin pero hindi ko alam kung para saan?

Mabilis kong naiiwas ang paningin ko nang bigla siyang bumaling sa banda ko. Hindi ko na sinubukan tumingin pa sa banda niya at napabuntong hininga nalang na pinagpatuloy ang pagrereview ko dahil may quiz kami mamaya.

Wala kami sa room ngayon at nandito kami sa Student Park na pinagigitnaan nang dalawang building ng Senior High. May free time kami nang dalawang oras kaya naman tumambay na muna kami habang nagrereview.

"Hoy te, ayos ka lang ba?" biglang bulong ni Pixie na nasa tabi ko

Kunot noo naman akong bumaling sakaniya.

"Ayos lang, bakit?"

"Wala lang, ang seryoso mo this past few days kase kaya natanong ko"

"Nireregla ako e kaya wala akong mood masyado "

"Ew pwede mo naman na huwag nang sabihin yan " nandidiring sagot niya

"Baka may ovary ka rin sis?" asar na sagot ko pero inirapan lang niya ako

"Tse! Akala mo - ay wait lang Bry! C.R lang ako!" biglang nagmamadaling sabi niya at bago pa ako makasagot ay mabilis na siyang tumayo at umalis.

Ilang pa C.R na nang babaeng yon ah?

Hindi ko na pinansin ang naiisip ko at pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa pero wala pa man isang minuto ay biglang may tumawag sakin at pagtingin ko ay agad na bumungad ang nakangiting mukha ni Dos sa harap ko.

"Brylee .."

"Dos .." pilit na ngiting sagot ko

"Can I talk to you?" nakangiting sagot niya

Kanina sinasabi kong gusto ko siyang makausap pero ngayon eto na siya, nasa harap ko na.

"Sure .."

Agad akong tumayo at iniwan ang mga gamit ko pero bago ako umalis ay nagpaalam muna ako sa ibang mga kasama ko.

Nang makalapit ako kay Dos ay kitang-kita agad ang magandang ngiti nito sakin pero hindi ko man lang yon masuklian. Hindi ko alam pero sa lungkot na nababasa ko sa mga mata niya kahit nakangiti naman siya ay parang alam ko na kung anong pag-uusapan namin.

Nandito kami sa likod nang building nila. At hindi na ako magtataka kung dito dahil wala ni isang estudyante man lang ang makita ko. Sobrang pribado naman yata nang pag-uusapan namin?

"Anong pag-uusapan natin Dos? Hindi rin ako pwedeng mag-tagal dahil may klase pa ako"

"I know "

Nakayuko ito sa harap ko at hindi man lang makatingin nang deretso sakin, hindi ko alam pero wala pa man siyang sinasabi ay nahuhulaan ko na ang sasabihin niya.

"So? Anong seryosong pag-uusapan natin? " nakangiting seryosong tanong ko

Hindi nakatakas sakin ang gulat sa reaksyon niya nang bumaling siya sakin kaya naman ngumiti nalang ako sakaniya dahilan para mabilis rin niyang naiiwas ang paningin niya sakin.

Napatitig ako sakaniya at napabuntong hininga nalang pagkatapos ay humarap sa mga punong nasa harap namin na siyang nasa likod nang building nila. Sa gilid nang mga mata ko ay nakita kong humarap rin siya, pareho nang nasa harap ang mga paningin namin. Rinig ko ang ilang malalalalim

niyang pag-hinga.

"I know that he's courting you .. "

Hindi ako nakapagsalita kahit may hula na akong alam niya hindi ko pa rin naiwasan magulat dahil siya mismo ang nagsasabi ngayon. Siya mismo ..

"When he ask me to break up with him, doon palang nasaktan na ako. Noong tinanong ko siya kung bakit, hindi siya sumagot .. ayaw niyang sabihin ang dahilan sakin pero nagpumilit ako. Hindi ko alam mas masasaktan at mas masakit pala dahil nagpumilit pa akong alamin ang dahilan niya "

Ramdam ko ang panginginig sa boses niya at hindi ko maiwasan masaktan para sakaniya dahil alam kong isa ako sa mga rason kung bakit siya nasasaktan at kahit sabihin pang wala naman akong alam o wala akong kasalanan pakiramdam ko may kasalanan pa rin ako.

"I'm sorry .." hindi ko na napigilang sambit nang hindi tumitingin sakaniya

"No .. don't be sorry Bry, alam kong wala kang kasalanan. Before he figure out his feelings for you ay mas nauna ko pa yatang napansin yon, nakakatawa nga na hindi ko alam dahil sa isang babae siya nagkagusto. Mas naging doble yong sakit." pilit na natatawang sabi niya

Hindi ko na napigilan ang tumingin sakaniya na sana ay hindi ko na ginawa. Kitang-kita ang sakit sa mga mata niya at ang unti-unting pangingiligid ng luha sa gilid nang mata niya . Napayuko nalang ako, hindi ko siya matagalan tignan.

"Can I have him back Bry? "

Mabilis akong napalingon sa kaniya at gulat na napatitig. Hindi ako makapaniwala.

Napatitig ako sa mga mata niya habang siya ay nakangiting nakatingin sakin. Why are you saying this Dos? Hindi ko alam kung anong isasagot ko sakaniya at mas lalong hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ito ang inaasahan kong sasabihin niya mismo sakin.

O ganito lang talaga siya kase mahal parin niya si Eros?

Hindi ko maiwasan makaramdam ng kirot sa dibdib ko, nasasaktan ako para sa kaniya pero at the same time para rin akong nasaktan dahil sa sinabi niya.

"Dos .. "

"I know this is selfish of me because I'm so desperate to have him back Bry! At pakiramdam ko mababaliw na ako kakaisip kung paano siya babalik sakin .. Please .. Bry can you give him up to me?" nasasaktang sambit niya

Paano ko siya ibabalik sayo kung gusto ko rin siya?

"Please ... Bry .." nagmamakaawa niyang sabi at agad na kinuha ang kamay ko at mahigpit na hinawakan yon

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo Dos pero kase gusto ko rin siya, gusto ko si Eros .. gustong-gusto and I want to keep him .. I'm sorry but I can't give him back to you ..."

I'm sorry but I can't let him go too ...

That Pretty Boy (COMPLETED)Where stories live. Discover now