Chapter 10

399 22 0
                                    

"Brylee Aloisia Fern!" tawag sa pangalan ko

"Present Miss!"

"Okay, pasok na .."

Mabilis akong tumango at pagkatapos ay mabilis na pumasok sa bus na gagamitin namin papuntang Camp Tora kung saan gaganapin ang team building.

Yes, hindi rin ako nag back-out kahapon dahil hindi lang din si Dos ang naki-usap sakin pati ang adviser namin kaya naman nahiya rin ako kaya tumuloy nalang ako at kahit alam ko na ang dahilan ng bading na yon kung bakit ganon siya sakin hindi ko parin maiwasan mainis.

Kanina nga nang makarating ako ay nakasimangot na mukha niya agad ang nakita ko kaya nawalan na tuloy ako nang gana, nakakawalang gana ang mukha ng isang yon e

Mabuti nalang at nasa bandang likod ang naka-assign na uupuan ko at malapit lang sa bintana, ayos narin to' para mas komportable akong makakatulog.

Anong oras palang kase it's 5:30 am in the morning at dahil kagubatan ang pupuntahan namin mas maganda raw na maaga kami para mas marami kaming activities na magagawa.

Kagubatan talaga bry? Kaya nga camp diba? Aysht, nababaliw na yata ako.

Matapos kong maiayos ang mga gamit ko ay agad ko na rin inayos ang sarili ko, napatingin ako sa labas nang bintana at ni isang tao ay wala akong makita maliban sa guard na nasa gate. Nasa school palang kami ngayon dahil syempre school bus itong gagamit namin sasakyan. It's Friday, may klase pa kami but all of us are excuse pero sa araw lang na to' dahil sa linggo ay uuwi rin kami.

Hindi ko rin alam kung anong pwedeng mangyare sa dalawang araw basta ang gusto ko nalang talaga ay matapos na to'

Napatigil lang ako nang marinig na mahinang pumalakpak ni Miss Perez, ang adviser ng SSG na kasama namin sa team building na ito.

"Everyone! First of all thank you for coming to this team building and I hope everyone will have fun and by the way our secretary here have something to say .." nakangiting sabi niya

Matapos non ay ang secretary naman ng SSG ngayon ang tumayo at humarap saamin.

"So guys, first of all may I check the attendance again by strand? Before I tell you the annouuncement" nakangiting sabi niya na agad naman sinagot ng iba

"Okay .."

"Alright, let's start from the STEM.."

"Here!"

"HUMSS"

"Here po!"

"TVL"

"Yes"

"ABM"

"Here!"

"And GAS"

"I'm here!" agad na sagot ko

"So, you came huh? " sarcastic na sabi niya

Akala ko guni-guni ko lang na kanina pa ang sama ng tingin nila sakin lalo na ang mga babaeng Officer ng SSG, hindi pala. Badtrip.

Hindi ko na pinansin ang pasimpleng pag-irap ng iba sakin dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko ay baka matusok ko ang mga mata nila. Kung hindi lang din ako nakaramdam ng konteng guilt dahil sa nangyare sa pagitang namin Eros ay talagang kahit ang principal pa ang makiusap sakin ay hindi talaga ako sasama dito sa Team building na 'to.

Hindi ko na rin sinubukan makipag-usap sa ibang strand na representative din dahil halatang hindi rin naman nila ako gustong kausapin. Huwag silang mag-alala dahil ayoko rin naman makipag-plastikan sakanila.

Sana nga lang mabilis lumipas ang oras para matapos na to' at sisiguraduhin kong hindi na mauulit ito.

Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa huli wala rin akong magawa at ang magagawa ko nalang talaga ngayon ang hilingin na matapos na to' at makauwi na ako.

"So everyone, before we go, I would like to inform you that all the representative here will be paired with one the SSG Officer here and you all aware naman na diba? Na SSG Officers ang pipili kung sino ang deserving na maging Grade-11 Representative" SSG secretary said

"At ang Team building na mangyayare ngayon ay para makita namin kung sino talaga ang magiging deserving para mapili namin, we would like to see your determination, knowledge and skills" sunod naman na sabi ng isang SSG Officer

"So we hope everyone will do their best ... " nakangiting sabi ni Dos at tumingin pa ito sa banda ko pero hindi ko nalang pinansin

"All the SSG Officers already done choosing the names who will be their partner at ngayon palang nila ito titignan kung sinong pangalan ang nabunot nila also I want to remind to all of the representative na kung sino ang magiging partner niyo ay sila rin ang makakasama niyo sa buong Team Building na ito especially to all the activities and games. So let's start!" mahabang sabi nang secretary

At dahil limang strand lang naman ang kasali ay limang officer ng SSG lang din ang bumunot. Hindi pa man nagsisimulang I-announce ang mga nabunot na pangalan ng mga SSG Officer ay kinakabahan na ako. Hiling ko lang talaga na huwag naman sanang mabunot ni Eros ang pangalan ko dahil sigurado hinding-hindi yata kami magkakasundo at baka puro away lang ang mangyare sa pagitan namin.

Kahit na sinong SSG Officer na basta huwag lang si Eros!

"The SSG President will be the first one to announce his partner"

Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko nang marinig yon, pigil hininga pa ang ginawa ko nang makitang tumayo siya at unti-unting binuksan ang papel na nakatiklop.

At parang naging slow motion ang lahat sakin ng makitang unti-unti itong bumaling sa dereksyon ko at saktong nagkatinginan pa kami.

Please sabihin mong hindi ako! Huwag ang pangalan ko!!

Hindi ko na napigilan ang unti-unting pagbagsak ng balikat ko nang marinig ang buong pangalan ko na sinambit niya.

"Brylee Aloisia Fern from GAS .."

Narinig ko pa ang ilang pag-singhap ng iba pero hindi ko na yon pinansin at ni isang tao dito sa loob ng bus ay wala akong tinignan. Pinagloloko ba ako nang tadhana? Bakit naman sa limang myembro ng SSG bakit naman siya pa ang nakabunot sa pangalan ko?

Kapag iiwas na tsaka naman ito bigla-biglang lumalapit. Wala na bang kaenjoy-enjoy ang mararanasan ko ngayon?! Badtrip.

Wala na akong nagawa kundi ang gumilid at ibigay ang upuang katabi ko nang lumapit na ito at pagkatapos ay umupo narin ito sa tabi ko. Ayoko rin namang magreklamo at baka mamaya kung ano na naman ang masabi ng iba sakin lalo na at ni isa ay wala naman akong kaclose sakanila maliban nalang yata kay Dos na kahit papaano ay maganda naman ang approach sakin.

Hindi na ako nakinig sa ilang nagsasabi ng kani-kanilang mga nabunot na pangalan at itinuon ko nalang ang atensiyon ko sa labas.

Kung nandito sana si Pixie baka kahit partner ko tong' bading na to' baka kahit papaano natutuwa parin ako.

Hindi ko na sinubukan umimik o di kaya ay kausapin ang katabi ko ngayon dahil pakiramdam ko ay parehas namin ayaw sa nagyayare.

Ilang sandali pa ay natapos na ang lahat magsettle down kaya naman ay nagsimula nang umandar ang bus.

Sana nga lang at kahit papaano ay walang mangyayareng hindi maganda sa Team building na to'

That Pretty Boy (COMPLETED)Where stories live. Discover now