Chapter 24

427 25 0
                                    

"Hoy babae! " Oa na tawag sakin ni Pixie

"Ano?" walang ganang sagot ko

"Baka hindi ako manhid girl na iba mga titigan niyo ni Eros!" bulong na sigaw niya sabi

Pagod akong tumingin sakaniya, wala pa pala siyang alam kung anong nangyayare sa pagitan namin ng bading na yon, dalawang linggo na ang panliligaw niya hindi na ako magtataka kung may napapansin na ang isang to' o baka pa noong simula may napapansin na siya at ngayon hindi na nakatiis mag tanong.

Dalawang linggo na ang nakakalipas matapos noong nangyare sa SSG Office.

Agad ko siyang tinulak nang karecover ako. Anong ginagawa nang lintek na to!

Shit! Ang bilis nang tibok nang puso ko!

"What the fck Eros! Why did you do that!" galit kong sigaw dahil hindi nakakatawa ang ginawa niya!

Hindi siya sumagot agad at nakatitig lang sakin! Mali pala! Nakatitig lang ito sa labi ko at parang walang naririnig! At sa inis ko ay agad ko siyang sinipa sa tuhod dahilan para mawalan siya nang balanse at agad na natumba.

"Ouch Bry! "

At hindi ko alam pero mas lalo pa akong nainis nang marinig ang napakaarteng boses niya.

"Bwst ka! Bakit mo ako hinalikan! "

Napatigil naman ito at agad na bumaling sakin at pagkatapos ay ngumiti kaya mas lalo akong nainis! At hindi ko na napigilan at isang beses ko pa siyang sinapa!

"Kung pinagloloko mo ako, tigilan mo na dahil hindi nakakatuwa!" inis na sagot ko at mabilis na lumabas pero bago pa ako tuluyang makalabas ay narinig ko pa ang huling sinabi niya.

"Kahit basted ako at kahit ilang beses mo pa akong hindian Bry, I will still court hanggang sa magustuhan mo ako .."

Bahala ka sa buhay mo!

"Hoy ano na girl? Tutunganga ka nalang sa harap ko o ano?" sarcastic na sabi ni Pixie

"Fine, He's fcking courting me " walang ganang sagot ko

Ang inaasahan ko ay Oa itong magrereact sa sinabi ko pero napakunot noo ako nang matapos kong sabihin yon sakaniya ay bigla nalang itong humalakhak na parang wala nang bukas.

Bwst, hindi pa yata to naniniwala. Sa bagay ako nga rin naman sa una ay ganon rin pero nang lumipas ang ilang linggo ay may part na rin saakin na naniniwala sa mga pinagsasabi nang bading na yon.

"Gagi ka Bry! Lakas mo maka-ilusyon ha! " natatawang sambit niya

Napabuntong hininga nalang ako at walang kwenta siyang tinignan

"Sa tingin mo kailan ba ako naging illusyonada ha?" seryosong sambit ko

Nakita ko naman na natigilan siya at seryosong bumaling sakin.

"He's gay Bry .."

Sa pag banggit niya pa lang don ay alam ko na ang ibig niyang sabihin pero ano ngayon?

Last day of exam na naming ngayon at hindi ko maiwasan matuwa dahil syempre wala nang stressed e! Pwede na ulit akong mag relax and chill nalang. Makakapagpuyat narin ako sa mga Anime na gusto kong panoorin! Happy na happy self?

Pagpasok ko pa lang sa gate ay nagulat ako nang biglang may tumabi sakin sa paglalakad at nang makita kung sino yon ay hindi ko na naiwasan mapairap.

"Ang suplada ha, umagang-umaga" nakasimangot na sabi niya

"Ikaw ba naman ang unang nakita ko" sarcastic na sagot ko

"Tse! Lumapit lang naman ako para makapag-goodluck sayo sa exam niyo ngayon, ang sweet ko diba?"

Tinignan ko naman siya at kung makangisi ang isang to' akala mo adik lang sa kanto

"Mukha kang adik sa kanto " pang-iinis ko kaya naman agad siyang bumaling sakin at kunot noo na tinignan ako

"At ang pangit mo rin .." pang-iinis rin niyang sagot

Hindi na yata mawawala ang bangayan namin nang isang to' at pangit pala ha ...

Tumigil naman ako sa paglalakad dahilan para mapatingin siya sakin at mapatigil rin at ngumising tinignan siya na nagtatakang nakatingin sakin.

Kinuha ko ang kamay niya pagkatapos ay hinila siya palapit sakin, hindi nakatakas sakin ang gulat sa reaksyon niya pero agad rin yon nawala at nakangisi na itong nakatingin sakin.

"May pahawak kana sa kamay ko ha, kikiligin na ako"

Hindi ko naiwasan matawa nang marinig ang boses niya dahil ang effort ha dahil talagang pinaliit niya pa ang boses niya, akala mo kung sinong dwende na nagsalita.

"Tumingin ka nga sa mga mata ko tapos sabihin mo kung talagang pangit ako" nakangising sabi ko

Pagkasabi ko non ay bigla naman niyang iniwas ang tingin niya sakin at pansin ang biglang pamumula nang leeg niya. Napailing nalang ako at ngisi-ngising binitawan ang kamay niya at pagkatapos ay tinalikuran siya at nauna nang umalis pero bago pa ako tuluyang makalayo ay bigla niya akong hinila at agad na may ibinigay sakin na paper bag at bago pa ako makatingin at makapagsalita ay naramdaman kong hinalikan na niya ako sa noo at mabilis na umalis.

Parating ganon ang nangyayare sa pagitan namin kapag umaga, may ibinibigay siyang coffee sakin at cookies sa umaga at parating may pa-halik pa sa noo ang lintek pero ako yata yong lintek dahil hinahayaan ko siya! Nababaliw na rin yata ako!

Hindi ko rin maiintindihan ang sarili ko kung bakit hinahayaan ko siyang gawin yon, hindi ko rin naman ipagkakaila na sa dalawang linggong panliligaw niya sakin ay hindi ko rin maiwasan matuwa minsan. Kahit bading siya ay ang laki nang effort na ginagawa niya, kung hindi ko nga siya kilala ay baka talagang pagkakamalan ko siyang hindi bakla at lalaking-lalaki talaga.

Siya yong tipo nang bading na hindi mo paniniwalaan dahil gwapong bading nga, isama mo pa na lalaking-lalaki ang pormahan at kung paano siya gumalaw sa harap nang ibang tao.

Siguro malalaman mo lang talaga na talagang bading siya kapag kinausap muna dahil ang arte niya mag salita sa totoo lang.

"Bry, jusko naman! Ano bang iniisip mo at kung makatulala ka naman diyan!"

Napatigil lang ako nang marinig ang boses ni Pixie kaya naman bumaling ako sakaniya.

"Ano?"

"Anong ano? Tinatanong ko nga kung totoo ang pinagsasabi mong nililigawan ka ni Eros dahil girl baka noong last last week lang ay nalaman natin na wala na sila ni Dos!"

"At kilala kita hindi ka basta nagpapaligaw!" sunod na sabi niya pa

Ayon na nga e' hindi ako basta basta nagpapaligaw pero hinahayaan ko si Eros ... Do I have feelings for him now? O nagkakamali lang ako?

"I don't know Pixie ... I can't even figure out myself kung bakit ko siya hinahayaan na ligawan ako .. " nanghihinang sagot ko

"Bry ... mahihirapan ka at alam mo yon, bakit mo siya hinayaan" nag-aalalang sagot niya

Sa lahat nang kakilala ko ay si PIxie lang ang may alam nang lahat tungkol sakin at sa pamilya ko at hindi na ako magtataka kung bakit siya nag-aalala.

Napatingin ako sa nag-aalalang mukha niya kaya naman pilit akong ngumit.

"You know I'll be fine but now I want your support So, don't worry about me .." nakangiting sambit ko

"Do you have feelings for him already?" tanong niya

Yes, I think I like him now Pixie ...

That Pretty Boy (COMPLETED)Where stories live. Discover now