Chapter 3

468 23 0
                                    

"Brylee Aloisia Fern..."

Badtrip!

Narinig niya ba ang sinabi ko kanina? Ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko dahil sa hiya! Hindi ko tuloy alam kung paano ako haharap sa dereksyon na yon kung nasaan siya.

The SSG's President is here!!

"Eros ... hi? Hehe" rinig kong sambit ni Pixie sa tabi ko na ngayon ay nakatayo na pala

Hindi ko alam kung matatawa ako dahil ang sa boses ni Pixie na akala mo nakakain ng ilang milyong ice cream dahil sa sobrang liit ng boses niya. Ano yan girl?

Napatigil lang ako nang biglang sinipa ako ng loka sa paa kaya naman agad akong napabaling sakaniya at nakitang parang pasimple niya akong tinignan.

"Tayo" she mouthed

Para akong napabalik sa realidad nang marealize na nandito pala siya! Badtrip naman oh! Sana lang talaga at di niya narinig kung anong pinagsasabi ko kanina.

Unti-unti akong tumayo at humarap sa deresyon niya at agad na nagkasalubong ang mata namin na hindi ko inaasahan. Agad kong iniwas ang tingin ko lalo na nang mapansin sobrang lamig ng tingin niya na akala mo pwede ka nang maging malamig na bangkay. Oa naman Bry! Pati kakornihan ko naiisingit ko na, badtrip.

Sa totoo lang kinakabahan ako dahil siguradong-sigurado akong narinig niya ang mga pinagsasabi ko kanina.

Bat ba ako kinakabahan?

"You .. wearing an eyeglasses come with me"

WHAT!?

Gulat akong bumaling sakaniya nang marinig yon. Bakit naman? Anong ginawa ko?

"Bakit? I didn't do anything wrong" agad kong sagot pero hindi niya yon pinansin at agad lang akong binigyan ng ..

"Sumunod kana lang at huwag kang magtanong " look

Magsasalita sana ako ulit nang bigla niya akong tinalikuran at nagsimula nang lumabas sa room namin.

Bastos!

Hindi pa man ako nakakaget-over ay bigla nalang ibinigay sakin ni Pixie ang bag ko at bigla akong tinulak kaya inis naman akong bumaling dito.

"Ano ba! " inis kong sabi

"Gaga! Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Alis na!" sagot niya

Hindi ko siya pinansin at bumalik nalang sa upuan ko at agad na umupo don.

Huh? Anong akala niya susunod ako sakaniya porket sinabi niya yon? Tae siya! Wala na akong pakealam kung narinig niya ang mga sinabi ko kanina, mas grabe naman yong mga sinabi niya sakin nang mga oras na yon!

Hindi ko alam pero parang biglang nawala lahat ng kabang nararamdaman ko ngayon. Mabute nalang at nainis ako ngayon dahil sa masyadong sobrang bossy na boses niya.

"Ano ba Pixie!" reklamo ko nang bigla niya akong binatukan

Ngyon naman ay nasa harap ko na siya habang nakapamewang at taas kilay akong tinitignan. Ano bang problema ng isang to?

"Baliw kaba? Ano pang ginagawa mo dito? Tinawag ka diba?"

"Ano ngayon? Hindi ako susunod sa isang yon" sagot ko

"Ay shet! Baliw talaga! Siguradong ipapahiya ka non Bry sa mga susunod na araw kapag hindi ka pa sumonod don dahil imposibleng hindi niya narinig ang mga sinabi mo sakaniya kanina!" sigaw na sabi niya

"Wala akong pakialam" bored na sagot ko

Edi pahiyain niya ako, wala akong pakialam. Sa tingin niya uurungan ko siya? Pwet niya matambok!

"Ikaw na talaga my friend! Bahala ka nga diyan, tigas ng ulo mo" inis niyang sabi

Bumaling naman ako sakaniya at matamis na ngumiti na agad niyang ikinatigil.

"Bakit may nakita kana bang malambot na ulo? " nakangising sagot ko

"Ulol!" agad niyang sabi

Kung ano man ang plina-plano niya laban sakin, hindi ko uurungan. I just hope na kapag ako ang gumanti kaya niyang panindigan. Dahil ito palang ang una, manigas ka kakahintay sakin Eros Dominick Santiago the Gay! Tss badtrip.

"Ma, papasok na po ako" pagpapaalam ko pagpasok ko sa kusina namin

Agad naman bumaling si Mama sakin at nakangiting lumapit sakin, tipid na lang akong ngumiti sakaniya.

"Sige, mag-iingat ka sweetheart okay? I'll cook your favorite food when you get home" nakangiting sabi niya

"It's fine Ma kase lahat naman ng luto mo masarap!" sagot ko

"Ikaw talaga, binola mo pa ako" natatawang sagot niya sabay kurot sa pisngi ko

Natawa nalang ako at nang sasagot na sana ako ay agad ko rin naitikom ang bibig ko.

"Akala ko ba ay pumasok kana? Anong oras na ah?"

Si Papa ...

"Bernard .." mariing tawag ni Mama

"Siguraduhin lang nang anak mong nag-aaral yan ng mabuti at baka pati siya ay magaya sa kapatid niya.."

Hindi na ako sumagot o nagtangkang sumagot dahil wala din naman magbabago. Lunes na lunes oh! Badtrip.

Sasagot pa sana si Mama ay agad ko nang pinigilan dahil alam kong magkakasagutan na naman sila.

Sanay na rin naman ako, ano pa bang bago?

"Ma, alis na ako, Pa ..." pagpapaalam ko para matigil na sila

Malungkot lang akong binalingan ni Mama at pilit na ngumiti sakin kaya naman binigyan ko nalang siya ng ngiting nagsasabi na ayos lang.

"I'm sorry anak, I'll talk to your father later"

"It's okay Ma, I'm going malalate narin ako " sagot ko

"Alright, take care, I love you.."

"I love you too, see you later." pilit na ngiting sagot ko

Bago ako umalis ay bumaling muna ako sa Tatay ko na akala mo walang tao sa harapan niya, wala man lang kapaki-pakialam.

"Pa, papasok na po ako" pagpapaalam ko sakaniya

Tumango lang ito at hindi man lang bumaling sa banda ko. Hindi ko na binalingan si Mama dahil pakiramdam ko mas madadagdagan lang ang bigat nang nararamdaman ko ngayon.

Sanay na rin naman ako sa palaging ganitong eksena sa pamilya ko pero bakit hindi parin nawawala yong sakit. Lunes na lunes oh! Drama agad ang bumubungad sakin. Wala na yatang bagong nangyayare sa buhay ko. Badtrip

Pagkababa ko ng tricycle ay agad na akong pumasok sa school, atleast I'm already here! One of my comfort zone.

Pagkapasok ko palang sa gate ay nagulat ako nang bigla nalang may humawak sa balikat ko and it's just a blink of an eye ay nasa sahig na ngayon ang kung sino man ang humawak sa balikat ko.

You can approach me but you can't touch me recklessly boy!  

That Pretty Boy (COMPLETED)Where stories live. Discover now