Chapter 4

421 29 0
                                    

Nagulat ako nang may biglang may tumawag sa  pangalan ko pero hindi ko na yon pinansin at agad na bumaling sa kung sino man itong  nasuntok ko.

Eto lang talaga ang unang ginagawa ko kapag may hahawak sakin na hindi ko naman kilala , this is just my way of protecting myself. 

"Ouch! Shit." reklamo nang kung sino man to'

Bakit parang pamilyar to?

Kunot-noo kong sinubukan kilalanin kung sino to' pero hirap ako dahil nakatakip ang kamay niya sa mukha niya. Medyo naguilty pa ako dahil napalakas yata ang pagsuntok ko.

Ang wrong timing naman kase, badtrip pa naman ako ngayon.

Lalapitan ko na sana ito nang makitang sinusubakan niyang tumayo ng biglang may tumulak sakin at agad na dumeretso don sa nasuntok ko. Sisigawan ko na sana nang mahagit nang paningin ko kung sinong nasuntok ko ..

And it's the Vice-President of the SSG!

Gulat akong bumaling dito at mas nagulat ako ng marealize kung sinong umaalalay sakaniya ngayon. Its the President .. Eros Dominick Santiago ..

"Hey, I .. I'm sorry .." kuha ko sa atensiyon nila nang makitang nakatayo na ito

"I didn't mean it .." sunod na sabi ko

Hindi ko alam pero kinakabahan ako ngayon, parang lahat nang inis at bigat na nararamdaman ko kanina bigla nalang nawala.

"Omg! What happened? "

"Nasuntok si Dos .."

"What ?!"

"Sinuntok nong babae .."

"What is she crazy?"!

Pakiramdam ko para akong naestatwa nang mapansin hindi lang kami ang naririto, pinalilibutan kami ngayon ng ibang estudyante at ni isa man lang sakanila don ay wala akong makilala o kilala man lang. Great! Just great Bry!

Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon pero pakiramdam ko wala pa man nangyayare ay parang talong-talo na ako lalo na nang parehas na silang bumaling sakin.

The Last time, I accidentally see them kissing and now ... sa titig palang ni Eros ay pakiramdam ko ay pinag-iisipan na ako nito ng masama.

Kabaliktaran naman sa Vice President na nakangiti  sakin habang iniinda ang nasuntok ko. Hindi ko matagalan ang titig niya kaya naman sa Vice President nalang ako bumaling.

"I'm sorry .. Hindi ko sina-----

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay agad nang pinutol ni Eros yon ..

"Hindi sinasadiya? I saw you how you punch him at walang kabakas-bakas na hindi mo sinadiya yon" malamig na sagot niya

"Dahil nagulat ako .. Hindi naman sana mangya----

Dalawa ...

"So you're blaming him huh?"

"No, Im just say----

Tatlo ... Isang beses pa .. isang beses pa na puputulin mo ang sasabihin ko ... makikita mo na.

Naiinis ako! Sobrang inis! Hindi ko na kasalanan kung nasuntok ko ang boyfriend niya! Bakit kase bigla-bigla itong humawak sa balikat ko kung pwede naman tawagin nalang ang pangalan ko at huwag siyang feeling close!

"Then what? You intentionally punch him!" giit niya at halatang naiinis na ito

Kung kanina pakiramdam ko kinakabahan ako, ngayon hindi na dahil sobrang inis na yong nararamdaman ko! Hindi ako makapaniwalang yon ang nakikita niya.

Peke akong tumawa at napailing nalang.

Tangina, nasan na yong comfort zone Bry na sinasabi mo lang kanina?!

"Why don't you ask him first kung bakit ko yon nagawa? Bago ka mambintang na sinadiya ko yon" inis nang sagot ko

"Hindi ko na siya kailangan tanungin dahil nakita ko ang buong pangyayare"

"Tanga ka kung ganon. " deretsong sagot ko na ikinatigil niya

"What did you said? " agad na sagot niya kasabay nang paglapit niya sakin

"Eros ..." rinig kong tawag ng Vice President sakaniya

Napansin ko ang pagpigil ng boyfriend niya sakaniya pero hindi niya yon pinansin at tuloy-tuloy parin siyang lumapit sakin.

Kung naiinis ka ngayon, mas doble yong inis na nararamdaman ko!

Hindi ako umatras nang makitang lumapit siya sakin, hindi ako natatakot at wala akong pakialam kung siya pa ang President ng SSG.

"What did you said? I'm stupid? " mariin niya sabi nang nasa harapan ko na siya

Agad ko siyang mahinang tinulak at nakangising bumaling sakaniya na ngayon ay halatang-halata na inis na inis pero wala akong pakialam.

"Not so close .." ngising sagot ko at agad rin nagseryoso

"If you're not stupid then what are you? Matalino ang tingin ng marami sayo pero bakit yong napakaliit na intindi sa sitwasyon na yon hindi mo man lang maintindihan" seryosong sabi ko

Ang inaakala ko ay mas maasar ito pero nagulat ako nang bigla nalang itong ngumisi nang nakakaloko at lalong lumapit sakin.

Of course I have my pride! Hindi ako umatras kahit ramdam kong sobrang lapit niya na sakin. Deretso parin ang tingin ko sa kaniya, hindi ko ipinahalatang medyo kinakabahan ako lalo nang bigla niya inilapit ang mukha niya sakin.

What the fck?!

"Hindi kaya katulad ka lang ng iba? Na nagpapansin samin para lang bigyan namin ng kakaunting atensiyon? Like the last time huh?" nakangising sabi niya

Ramdam ko lalo ang inis dahil sa sinabi niya, sinasabi niya bang nagpapansin ako noong nakita ko silang naghahalikan? And what the hell? Sinasabi niya bang may gusto ako sa boyfriend niya o di kaya siya?! Are you fucking kidding me?!

Dahil magaling naman akong magtago ng totoong nararamdaman ko ay agad akong ngumisi, tignan nga natin kung totoo ang mga sinasabi mo ngayon sa harap ko.

Buburahin ko ngayon ang ngisi at tuwa sa mukha mo!

Ngayon naman ay ako ang nakakalokong ngumisi sa kaniya kasabay ng unti-unting pagdantay ng kamay ko sa balikat niya dahilan para unti-unting mawala ang ngisi sa mukha niya na mas lalong nakapagpangisi sakin.

Sisiguraduhin kong nasa akin ang huling halakhak!

Kung kanina siya ang unang lumapit sakin, ngayon ay ako naman.

Agad kong inilapit ang mukha ko sakaniya, effort pa dahil matangkad siya ay kinailangan ko pang tumingkayad para lang magpantay ang tingin naming dalawa.

Nakita ko ang unti-unti pagkawala ng ngisi sa mga labi niya at ngayon ay seryoso na itong nakatingin sakin na mas ikinatuwa ko lalo.

"Don't worry I'm not one of them dahil hindi ako pumapatol sa bading .." matamis na ngiting sambit ko

Hindi ko na hinintay ang reaksyon niya dahil agad ko na silang tinalikuran kasama ang chismosa doon at nakakalokong ngumising umalis.

I told you, saakin ang huling halakhak.

That Pretty Boy (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu