Chapter 38

40 3 0
                                    

Chapter 38

Pakiramdam ko sasabog ako sa katahimikan sa gitna namin. Hindi nagsalita si Papa. Hindi ko rin makita ang reaksyon niya dahil nasa likod niya ako. I can only see Jake's expression that is hesitant but the determination in his eyes is very visible.

Kanina pa malakas at mabilis ang pagkalabog ng puso ko. I feel warm and consoled after hearing Jake's words. I know I shouldn't be feeling this because I shouldn't be near him again but my heart is relieved after hearing what he said.

Nababaliw na yata ako. Parang nawala ang mga iniisip ko dahil sa sinabi niya. I realized his effect on me never changed. Kung may nagbago man, siguro mas lumala lang ang nararamdaman ko ngayong tinago ko iyon ng ilang taon.

Sa antisipasyon sa sasabihin ni Papa, muntik pa 'kong mapatalon nang gumalaw siya. Hinintay kong magsalita siya pero naglakad lang siya papunta sa driver's seat ng sasakyan at binuksan ang pintuan bago tumingin sa akin.

Jake looked at him too, probably still waiting for my father's response. Pansin ko rin ang antisipasyon niya dahil pulang-pula ang buong leeg niya at mga tenga at halatang nag-aabang.

Isang beses lang siyang sinulyapan ni Papa bago tumingin sa akin. Napatayo pa ako ng tuwid dahil sa kaba.

"Babalik na ako sa opisina. Don't try to get involved in a fight again." ani Papa sabay sulyap kay Jake. "Ako'ng magsusundo sa'yo mamaya. Hintayin mo ako."

Tumango ako. Hindi ako maka-apela kasi may kasalanan ako.

Sumulyap ulit si Papa kay Jake bago pumasok sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan.

Nagtagal ang tingin ko sa papalayong sasakyan. I wasn't able to read Papa's expression so I don't know if he was mad or something.

I saw from my peripheral that Jake looked at me. Desidido pa rin ako na iwasan siya kaya bago pa niya ako makausap, naglakad na ako palayo para bumalik sa klase.

Pagbalik ko sa klase, halata kina Anya ang pag-aabang. Even some of my classmates are waiting for me to speak. I didn't, though. I was quiet during the classes while still thinking about what happened.

I never talked to Elena. She ignored me as soon as we arrived at the disciplinary officer's office. Matalim lang ang tingin niya sa akin at kahit noong nakasalubong ko pa siya habang paakyat ako sa building, hindi niya ako pinansin. She didn't try to apologize for physically hurting me.

Noong nasa library, doon pa lang ako kinausap ng magpipinsan. Aes was the first one to ask me.

"Anong raw mangyayari sa inyo, Gwen? Suspension ba o community service?"

"It's just first offense, Aes. I don't think ganoon agad." singit ni Clark na pinapanood ako mula pa kanina.

Nagdadalawang-isip ako kung magsasabi ba ako sa kanila. They are Elena's cousin. S'yempre mas papaniwalaan nila ang pinsan nila pero hindi ko rin naman iniisip na huhusgahan nila ako base sa pagkakakilala ko sa kanila.

"Pero..." Esther looked at me carefully. "Totoo ba ang sinasabi ni Ate?"

Hindi ko sisisihin kung magalit din si Esther sa akin o silang magpipinsan dahil sa ginawa ko kay Elena. My conscience is clear that I'm not the reason why they broke up.

Maybe I am but not directly. I didn't do anything to destroy their relationship. I was just living my life peacefully until I met Jake again.

"Hindi ko nilandi si Jake." I said to make it clear. "The rumors are not true."

"Okay ka lang ba, Gwen?" si Destine ang nagtanong noon.

Natigilan ako at napatingin sa kanya. Lumunok ako nang maramdaman ang pagbabara sa lalamunan. Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto kong umiyak sa tanong niya.

Waited (Pampanga series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora