Chapter 6

34 3 0
                                    

Chapter 6

"Hindi na nga ako nagugulat kapag kusa na silang lumalapit, e." narinig kong sinabi ni Rake dahilan ng tawanan ng mga kaibigan niya. "Kahit iyong nanalong Miss PC noon na senior, hindi ko na ikinagulat."

Nagpatuloy sila sa tawanan habang inaasar si Rake. Tiim-bagang akong lumapit sa malaking bintana ng tindahan para iabot ang sukli nila.

"Mas madali pa ring dumiskarte sa mga bagong estudyante. O baka magaling lang ako?" Rake laughed.

Napatingin sa akin si Jake dahilan ng pagtatama ng mga mata namin. I immediately looked away.

Bumili silang magbabarkada dito sa tindahan. Mukhang kakatapos lang nila maglaro base sa pagiging pawisan nila at sa suot na jersey.

Palagi namang dito dumidiretso sina Rake para magpahinga at tumambay pagkatapos nilang maglaro. Sinusubukan kasi akong kausapin ni Owen na madalas ko namang hindi pinapansin.

Ngayon si Jake naman ang sumusubok na kausapin ako. Siya pa ang nagpatagal sa pagbili at pinaghintay pa ako kasi hindi makapili. Malas ko pa nga na ako ang nakarinig sa pagtunog ng bell kaya ako ang nagtinda.

"Here's your change." sabi ko sabay abot ng sukli na kinuha agad ni Owen.

"Salamat, Gwen!"

I smiled a bit. My eyes met Jake's again but he glanced at Owen. Umikot na ako para umalis nang tawagin niya ako. His friends are still talking about Rake's girls.

I rolled my eyes before turning around. Ayan na naman siya na may pahabol na bibilhin. Kanina niya pa ginagawa iyan at naiirita na ako. I need to finish my assignments today.

"May nalimutan pa pala akong bilhin." aniya.

I licked my lips and didn't speak. He licked his as well but I can see his peeking smile. Nang mapansin ang malamig kong tingin ay pinilit niyang tinago iyon.

"E, si Gwen?" I heard Joseph asked Rake.

"Ano pang bibilhin mo?" tanong ko kay Jake pero naagaw na ni Joseph ang atensyon niya.

Tumawa si Rake nang mapansin ang pagbaling ni Jake sa kanila. "Hindi ko sinubukan. 'Di ako uubra. Allergic 'yan sa mga playboy."

Hindi ko pinansin ang pag-uusap nila kahit tungk sa akin iyon. My fingers travelled through my hair as I wait for Jake who's still staring at them.

"Kaya itong si Owen..." Rake laughed. "Hindi rin uubra. 'Di ba, Gwen?"

Tumingin si Jake na parang interesado sa isasagot ko. Kumunot lang ang noo ko kay Rake bago muling binalingan si Jake. Nagtawanan sila maliban kay Jake na seryoso at interesado pa rin.

Nagtaas ako ng kilay bilang paghihintay. "Anong bibilhin mo?"

"E 'tong isa? Uubra kaya?" si Steven.

Jake looked at me first before glancing at his friends. "Shut up."

They laughed again. Naiinip na ako. Bibili ba talaga 'to o pinagtritripan lang ako? Ang dami na niyang snacks at softdrinks na binili!

"What else do you need?" nakatakas sa tono ko ang iritasyon.

"Number mo raw, Gwen." tawa ni Joseph dahilan ng pagtalim ng tingin ni Jake sa kanila.

Binalikan ni Jake ang reaksyon ko. Hindi ko na napigilan ang sarili at napairap na nang tuluyan. I exhaled loudly in irritation then turned around without saying anything.

He's wasting my time!

"Ay, nagwalk out, pare."

"Damn it!" Jake hissed as I walked out of the store.

Waited (Pampanga series #1)Where stories live. Discover now