Chapter 13

25 3 0
                                    

Chapter 13

Pinanood ko ang pagliko ni Jake papunta sa table nina Rake. He was about to go straight to our table like what he always do every lunch time but now he chose to sit with his friends.

"Nag-away ba kayo ni Jake?" tanong ni Kim sa akin.

Nagkibit balikat ako. Sa pagkakaalala ko, wala naman kaming napag-awayan. Hindi naman din ako nagalit sa kanya. Ang naaalala ko lang na atraso ko sa kanya ay iyong pag-iwas ko noon sa canteen, na huling pag-uusap na rin namin.

Would that be the reason? I don't think so. Mababaw na dahilan iyon para umiwas siya ng ganito.

"Paano 'yan, e 'di ba tinutulungan mo siya?" si Sheerness.

"Not my loss." sagot ko.

"Wala naman din siyang sinasabi sa akin. Bakit kaya biglang umiwas?" si Kim. "Isang linggo na siyang ganyan."

"Maybe he's found a new girlfriend." balewala kong sinabi.

"Wala nga rin tayong nakikitang kasama niya, e. 'Tsaka kahit may girlfriend siya, lumalapit pa rin naman siya."

"Mabilis ba siyang nagagalit? O nagtatampo?" si Sheerness na parang inaakusahan pa ako.

"What? You think it's my fault? Iniwasan ko siya noon kasi pinag-uusapan kami. I was supposed to apologize that time but he avoided me." I reasoned. "Isa pa, hindi ba sobrang babaw naman no'n para magalit siya?"

Natawa si Kim sabay iling. "Hindi agad 'yon nagagalit, maliban na lang kung nasaktan nang sobra. Nababadtrip 'yon pero hindi ganito na iiwasan niya tayo o si Gwen."

"Tingin ko rin naman hindi niya kayang iwasan si Gwen?" tawa ni Sheerness.

Umirap ako at hinawi ang buhok. My midback-length straight black hair flowed freely over my back. Ipinapamaintain ni Mama ang ganitong haba ng buhok ko dahil madaling ayusin kapag sumasali ako sa pageant at maraming style na pwedeng gawin.

Nag-angat ako ng tingin para tignan si Jake. I caught him looking at me but he immediately averted his eyes.

Ngumuso ako at nag-isip. I don't remember doing something that will make him mad. He shouldn't be mad about what I did last time, right? Sobrang babaw noon!

"Gwen, hindi ba talaga ikaw iyong nililigawan ni Jake?" may lumapit na namang kakilala sa akin.

I sighed heavily. Isang linggo nang umiikot ang usapan na 'yan. May mga nagsasabi pa nga na nagbreak daw kami kasi nabuking kami dahil umiiwas na si Jake. I can't understand how their mind works.

"Hindi nga, 'di ba? Tigilan n'yo nga 'yang issue." iritadong sabi ni Kim kaya umalis ang nagtanong.

"Hindi pa nga ba siya nanliligaw?" si Sheerness nang kaming tatlo na lang.

"Bakit? Pinayagan na ba ni Gwen?" sabay tingin ni Kim sa akin.

I rolled my eyes. Nagtawanan sila.

"I just helped him. Now it became an issue." sabi ko.

Hindi ko na masyadong inisip ang pag-iwas ni Jake. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pakikinig sa klase. Though sometimes I wonder how would I be able to help him if he's avoiding me. O baka hindi na niya kailangan ng tulong ko?

Either way is fine for me. Hindi naman din ako gaanong maaapektuhan. I was just helping and if he doesn't need my help anymore, it is not my loss. Iniisip ko lang kung paano siya papasa kung hindi nga siya magpapatulong sa akin. Maybe he has someone to substitute me?

Kumalabog ang dibdib ko sa gulat nang may biglang umupo sa harapan ko. Nasa library ako at kaunti lang ang tao kaya tahimik, kaya nagulat ako nang biglang may umupo. Hindi ko napansin kasi abala ako sa pagsusulat.

Waited (Pampanga series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon