Chapter 24

22 3 0
                                    

Chapter 24

I expected we will have the weekend but even in those days, we are both busy. Siya, nagprapractice para sa pageant habang ako naman, naghahabol ng mga assignments na hindi ko nagagawa tuwing nagrereview para sa quiz bee.

Minsan kasi gabi na kami natatapos kaya hindi ko na nagagawa ang mga assignment. Mabuti na nga lang napagbibigyan ako ng teachers kasi alam nilang kasali ako sa quiz bee.

"Don't you think masyadong maaga para mabugbog kayo ng ganito? Malayo pa naman ang quiz bee, ah?" si Aianne sa kanyang pinsan. "Wala tuloy akong kasama!"

"Why don't you ask that boyfriend of yours to accompany you?" sagot ni Anya.

Nanlaki ang mga mata ni Aianne at napasulyap sa amin. Pinandilatan niya ng mga mata ang pinsan.

"A-Anong boyfriend?! Wala akong boyfriend kaya nga nagpapasama ako sa'yo!" sabay sulyap ulit sa amin.

Yumuko ako at tinuon ang atensyon sa pinapasagutan ni Jan Nickhole sa amin. Lumabas siya sandali kasi may gagawin, at pumasok naman si Aianne sa library para ayain si Anya na umalis.

"Hindi rin naman tayo makakaalis kasi nand'yan ang bodyguard. Just go home."

"Oh come on, Anya. Ngayon ka pa ba matatakot? Ilang beses na tayong tumakas."

"Ssh! Shut up! You're influencing me! Umuwi ka na lang!"

Walang nagawa si Aianne kundi umuwi. Dumating na rin kasi si Jan Nickhole kaya kailangan na ulit naming magfocus.

Gabi na naman noong natapos kami. Sa totoo lang tama si Aianne, masyado ngang dinidibdib ito ni Jan Nickhole. Hindi pa naman ganoon kalapit ang quiz bee para maghanda ng ganito.

From our experience last year, hindi pa kami naghahanda sa ganitong panahon. Pero noong naghanda kasi kami, whole day. Ngayon, hindi kaya isa rin siguro iyon sa dahilan kung bakit naging maaga ang paghahanda.

Maybe he's just pressured because he has a lot in his hands right now. Ilang taon na ang Pampanga Colleges ang nananalo sa inter-school quiz bee at inaamin kong malaki ang naitulong niya roon. Kaya ngayong wala siya at hindi namin kasama, siguro nag-aalala siya.

Though I know he trusts us but maybe he's just worried. Besides, bukod sa duties niya, may mga kailangan pa siyang isipin kaya maaga na niya itong ginagawa.

"Bye, Gwen!" kumaway si Sheerness sa akin pag-uwi.

Kumaway din ako. Sumakay na rin si Anya sa kanilang service at naiwan ako kasama si Jan Nickhole. Sabay-sabay kasi kaming lumabas kasi wala na yatang hihintayin si Jan.

"May magsusundo ba sa'yo?" si Jan sa akin.

"Meron. Nandito ako." narinig ko ang boses ni Jake.

I saw him emerged from the dimmed-lit waiting shed. Madilim at matalim agad ang tingin niya sa kasama ko. Nasa mga bulsa ang dalawang kamay at nakasimangot na naman.

Bumuntong-hininga ako. I already know why he's like that.

"Balak mong ihatid?" tunog naghahamon ang boses niya.

"Stop it..." bulong ko.

Tumawa si Jan Nickhole. Nilingon ko siya at nakitang nakataas ang dalawang kamay.

"Chill, man. Nagtanong lang ako."

"Kapag nagtanong, ibig sabihin interesado."

"Jacob, please." irap ko sabay tingin kay Jan Nickhole. "I'm sorry, Jan..."

"It's alright, Gwen. I know the feeling." ngumisi siya. "Mauuna na ako kung ganoon."

"Good. At least madaling kausap."

Waited (Pampanga series #1)Where stories live. Discover now