Chapter 14

21 3 0
                                    

Chapter 14

"Akala ko ayaw mo raw sumali?" Nathaniel greeted me with a wide grin.

Nilapag ko ang bag sa upuan. Nasa music room kami para magpractice. Siya pa lang ang nadatnan ko at wala pa ang magtuturo sa amin.

"Hindi ako pinayagan." sagot ko.

"Hindi ka talaga papayagan kahit na pwedeng ang first runner up ang sumali. Malaki ang agwat mo sa kanya at mas malaki ang chance na manalo kung ikaw."

Ako ang nanalong Ms. Pampanga Colleges last school year at si Nathaniel naman ang Mr. Pampanga Colleges. The school has a tradition that whoever won in the Mr. and Ms. Pampanga Colleges pageant, they will be the ones to compete for the Mr. and Ms. South Zone next school year.

South Zone is an inter-school tournament. It's large scale and almost all of the high schools around Pampanga participates that's why the preparation is early and should be taken seriously. That's why they also want the candidates to already have an experience in pageants before this. Even in sports, they have strict tryouts.

This is why I'm here to practice. Ayaw ko sana dahil hindi gusto ni Papa na ma-expose ako sa mas malaking crowd at baka ma-istorbo sa pag-aaral pero umapela si Mama. Ayaw rin ng principal namin na hindi ako ang ilalaban dahil mas malaki nga raw ang chance na manalo ako.

Napapayag lang si Papa dahil dagdag daw ito sa extra-curricular points ko, which will help in my standings at the end of the year. Kaya nandito ako ngayon para magpractice ng paglalakad at pati na rin sa talent.

Tuwing hapon lang din naman ang practice kaya nakakapasok pa ako sa pang-umagang klase. Siguro sa huling linggo, doon na kami magprapractice maghapon.

"Ang sabi ni Sir Nico, sasayaw raw tayong dalawa para sa talent natin. Mahigit isang buwan at kalahati lang ang practice."

Tumango ako. "I think we can do it, though."

Last week, nagpractice na ang mga players. Whole day ang practice nila. Sa quadrangle sila kaya halos lahat ng mga estudyante ay tumatambay sa hallway para manood kumpara noon na wala namang practice.

Kasali din si Kim kaya abala rin siya katulad ko. Mas gusto niya rin naman iyon kasi excused siya sa klase.

"You think Sheerness would join the pageant this year? Pinag-uusapan iyon ng mga teachers noong kinausap ako ni Sir."

Umangat ang kilay ko at umiling. Sheerness is not into those kind of things. She's an introvert. Mas gusto no'n ang nag-aaral.

"Hindi? Sayang naman..." aniya at nag-isip. "Maganda si Sheer... at mabait."

Lalong tumaas ang kilay ko. I remember him telling Sheer that he likes her when we were sophomores. Tumanggi nga lang agad si Sheerness. Hindi rin kasi iyon mahilig kumausap sa mga lalaki katulad ko. Even Klevin can't reach her.

Ilang sandali lang ang paghihintay namin dahil dumating din naman ang instructor naming bading. I recommended him to our principal. He's my trainor when I joined the pageant so he already knows how I move. Kaya ang pinagtuonan niya ng pansin ay si Nathaniel.

"Oh! Mabuti na lang bagay kayo kaya perfect ang sayaw para sa inyo." Homer clapped his hands excitedly. "Ayos lang ang kanta, 'no? Rewrite The Stars?"

"It's fine for me." sabi ko. "I'm just worried Nath's girlfriend would be mad once she watches us?"

"Wala naman akong girlfriend... sa ngayon." tumawa siya.

Nathaniel is my batchmate at tulad ng halos lahat ng lalaki sa Pampanga Colleges ay babaero din. Pero sa kanya, nagtatagal naman ang mga girlfriend niya. Hindi tulad ni Jake na araw-araw nag-iiba ang kasamang babae.

Waited (Pampanga series #1)Where stories live. Discover now