Chapter 20

22 3 0
                                    

Chapter 20

"Sa kakasali mo ng mga pageant, baka makalimutan mo ang pag-aaral mo." si Papa habang kumakain kami.

Nagkatinginan kami ni Mama. Iyon agad ang sinabi ni Papa noong umuwi siya weekend pagkatapos ng Intrams. Nasabi na namin noon na sasali ako at ganyan din ang sinabi niya. Kaya lang, gusto ni Mama na sumali talaga ako sa mga pageant.

"You know it's my dream, Andy." si Mama.

Bumuntong-hininga si Papa. Alam kong kahit ayaw niya, hindi niya mapipigilan ang gusto ni Mama. That's what I like about him. Kahit na strict siya, napagbibigyan niya pa rin si Mama. Hindi niya ito matitiis.

Sana ganoon din siya sa akin.

"Napagsasabay ko naman po, Papa. Hindi naman din po ako madalas sumali."

Tumango si Papa at uminom ng tubig. Kanina ko pa napapansin na nagtatagal ang tingin niya sa akin. Kinakabahan tuloy ako kasi parang nagdududa ang tingin niya.

"Kumusta iyong anak ni Stan?"

Napaubo si Bryan. Muntik na rin akong maubo pero napigilan ko. Malakas at mabilis agad ang tibok ng puso ko. I said I'm sure that my father won't know about me and Jake pero pakiramdam ko nanghuhuli siya kaya pinipilit kong ipinakita na hindi ako apektado.

Tumawa si Mama at siya ang sumagot. "Ang sabi ni Laarni, maayos naman na daw. Hindi na masyadong pasaway."

Umismid si Papa. "Ngayon lang 'yan kasi gusto nang bumalik sa Maynila. Ang sabi ni Steve, baka raw ibalik na siya ngayong maayos na siya. Hindi naman din hahayaan ni Stan na dito siya magcollege dahil siya ang magmamana sa construction."

Tahimik akong kumain. Nagkunwari akong walang pakialam sa naririnig dahil napapansin ko ang pagsulyap ni Papa sa akin.

"Pero mukhang may girlfriend daw siya dito?"

Napaubo ulit si Bryan. Gusto ko siyang sapukin sa pagiging apektado niya. Mahahalata kami nito dahil sa kanya!

"W-Wala naman akong balita, Pa..." sagot ng kapatid ko.

"Bakit? Palagi mo ba siyang nakakasama?" kumunot ang noo ni Papa. "Hindi ba sinabi ko na huwag kayong-"

"Ka-team ko sa varsity kaya minsan nakakasalamuha ko." malamig na tugon ni Bryan. "Bakit ba ayaw n'yo sa kanya?"

"Bad influence iyon, Bryan."

"Andy, hindi naman siguro. Umayos naman siya ngayon..." mahinahong sabi ni Mama.

Siniko ko si Bryan na mukhang gusto pang sumagot. Pinanlakihan ko siya ng mata. Kaya siya laging napapagalitan ni Papa kasi matigas ang ulo at hindi nakikinig.

"Ngayon lang 'yan. Tignan mo iyong mga pinsan niya, ganoon pa rin kahit ang tanda na. Mabuti nga sina Kim dito lumaki at hindi nila masyadong naiimpluwensiyahan."

"Hindi ba nagagalit ang mga magulang nila kapag sinasabi mo 'yan, Pa? Kaibigan ninyo ang mga iyon, 'di ba? Sa kanila ka pa nagtratrabaho!" si Bryan.

"Bry!" suway ko pero iritado lang siyang tumingin.

Tumalim ang mata ni Papa sa kapatid ko. Hinawakan ni Mama ang kamay niya para kumalma.

"We are friends but I don't tolerate their bad influence children. Hindi ang mga anak nila ang kaibigan ko."

"Tama na 'yan. Kumain na lang tayo." si Mama dahilan ng pagtahimik ng hapag.

Paalis na kami sa hapag para bumalik sa kwarto at makapagpahinga nang magsalita ulit si Papa. Sa akin agad ang tingin niya kaya alam kong para sa akin ang sasabihin niya.

Waited (Pampanga series #1)Where stories live. Discover now