Chapter 8

29 3 0
                                    

Chapter 8

"Sa tingin mo magbabago pa siya?" tanong ni Sheerness habang pinapanood namin si Kim na inaaway na naman si Jake.

Bumuntong-hininga ako at humalukipkip. Nasa likod kami ng school. May nagsabi kasi kay Kim na nagcutting na naman si Jake para makipaglandian dito kasama ang panibago na naman niyang girlfriend.

"Hindi." sagot ko, sigurado dahil sa nakikita ko ngayon, imposibleng mangyari ang tinatanong ni Sheerness.

"Well hindi na siya madalas lumalabas ngayon. Hindi na rin siya madalas magcutting. Once a week na lang?"

Natawa ako sa dahilan niya. "Hindi porke hindi na niya madalas ginagawa ay magbabago na siya."

"At least there's a progress. Hindi naman agad nagbabago ang isang tao. Pa-unti-unti iyon kaya malay mo, magbago nga siya."

"E 'di mabuti. Para bumalik na siya sa pinanggalingan niya."

Umikot ako nang makitang pabalik na si Kim. Hindi na kami lumapit para makinig sa usapan nila. Paulit-ulit lang naman ang sinasabi ni Kim sa pinsan.

"Tara na ba?" narinig kong tanong ni Sheerness.

Naglalakad na ako palayo. Nakasunod sila sa akin. Hindi ko na inalam kung napabalik ni Kim si Jake sa klase niya. Ni hindi ko na rin siya tinignan kanina o kahit iyong kasama niyang junior kahit na ramdam ko ang pagbaling ng ulo niya sa gawi namin.

"Oo. Babalik na raw siya sa klase. Sabay daw siyang maglunch sa atin mamaya. Mabuti nga madali na siyang kausap ngayon, e."

Napalunok ako sa narinig. Mula noong eksena sa library, napapadalas na ang pagsama niya sa amin ng lunch. Nanlilibre pa siya kapag sumasabay sa amin, na tinatanggihan ko.

Hindi ko alam kung sineryoso niya ba ang sinabi ko noon sa kanya na makipagkaibigan muna kay Sheerness bago sa akin. I didn't put much meaning into that. I only said it so he'd stop bothering me because I couldn't bear his stares anymore.

Kahit hindi ko ipakita, naaapektuhan talaga ako sa paninitig niya sa akin. Parang may iba. Nakakatakot.

At mula noong pangyayaring iyon, napapansin ko na ang bawat galaw niya. I don't assume easily but I know when and how people are interested with me. So I immediately noticed his moves when I'm around.

Just like when I was passing by their classroom to go to the restroom. Wala noon ang teacher nila na nasa kabilang classroom yata kaya maingay silang lahat. Pinakamaingay ang grupo nina Rake at nakita ko pang nakatayo si Jake habang kausap ang isang babaeng kaklase.

He saw me walking outside their room and then hastily went back to his seat. Sa gilid ng mga mata ko, ramdam ko ang panonood niya.

"Oh, Jake! Bakit ka tumahimik?" pagpaparinig ng mga kaibigan niya sabay tawa.

Another one was when I was holding a lot of books that I borrowed from the library for our reporting. I don't need help but when I passed by the canteen, where they were, he immediately left his girlfriend to help me. Tinanggihan ko pero nagpumilit pa rin at hinatid ako sa kabilang building.

Kung noon, hindi ko pinapansin ang mga iyon dahil iniisip na wala lang naman. Ngayon, dahil sa mga nakaraang pag-uusap at mga ginagawa niya, napapansin ko na. Tingin ko, pinapakita niya talaga ang mga ginagawa niya.

Napapansin ko ang mga ginagawa niya at hanggang doon na lang iyon. But there are times that they hang in my mind for a long time. Lalo na tuwing inaasar siya ng mga kaibigan at ginagawa niya ang mga sinasabi ko.

There was one time that a freshman almost accidentally pushed me while running through the hallways. I was outside of the seniors classroom to talk to their teacher dahil nautusan.

Waited (Pampanga series #1)Where stories live. Discover now