Prologue

145 5 0
                                    

Prologue

"Love is like the wind, you can't see it but you can feel it."

I took a deep breath habang binabasa ang librong hawak. The book I am reading had a tragic ending. The characters didn't end up together... one of them died.

It's one of my favorite novels as well as its movie adaptation. I may not look like it but I admit that I'm... a hopeless romantic.

I believe in love. But I haven't experienced it. And I'm curious.

Is it really like the wind? Is it something that you cannot see nor touch? Is it something that you can only feel? If it's a feeling... how would you show it to someone?

And if someone tells you he or she loves you, how would you believe it if you cannot see it?

I sometimes question it. But I still believe in it. I still believe in the changes it causes. Like how the lead character in the novel changed the other. Like how that character made things for the person who changed him.

Funny that I believe in it but sometimes doubt it. You know... some people are not genuine. I know people who play others' feelings. That's why I sometimes doubt when someone says they like me because those kind of feelings cannot be seen. You don't know if they are real or not.

Sinarado ko ang libro nang marinig na tumunog ang bell sa tindahan. Marahan ang kilos ko habang tumatayo mula sa kama at naglakad palabas ng kwarto ko.

Bryan looked at me briefly before returning his eyes on the TV. He's playing Xbox, at kapag naglalaro siya, walang pwedeng mang-istorbo sa kanya.

"May bumibili." aniya nang hindi tinatanggal ang tingin sa nilalaro.

"Narinig ko."

"Sungit." he scoffed.

Tinaasan ko siya ng kilay. Anong masungit sa sagot ko?

Sumulyap ako sa bukana ng kusina at natanaw ang mga magulang na nag-uusap. Nagluluto si Mama at tinutulungan naman siya ni Papa.

Muli kong naisip ang mga iniisip kanina. Kaya ba ng pagmamahal na patagalin ang relasyon? Kung ganoon, bakit may mga taong umaalis pa rin at iniiwan ang pamilya?

Umiling ako at natawa sa mga naiisip bago naglakad papunta sa tindahan. Why am I so bothered about it? As if I'm allowed to experience it now.

Nakahiwalay ang tindahan sa mismong bahay namin kaya sandaling nahalikan ng sinag ng araw ang balat ko dahilan ng mabilis nitong pamumula. Hinaplos ko ang braso kong nasinagan ng araw habang pumapasok sa tindahan.

Hindi ako ganoon kaputi at hindi rin naman ako ganoon kapartikular kung iitim ako o hindi. I'm fine with my complexion, si Mama lang ang gustong alagaan ang kutis ko dahil paminsan-minsan akong sumasali sa mga pageant.

"Gwen!" narinig ko ang boses ng kaibigan nang tuluyang makapasok.

Tipid akong ngumiti sa kanya at lumapit sa malaking bintana. Nasa labas siya ng tindahan at ang dalawang kamay ay nakahawak sa mga bakal ng bintana.

Tahimik ang buong lugar. Wala gaanong dumadaang sasakyan at mahinang umiihip ang hangin. Hindi ramdam ang matinding sikat ng araw dahil sa mga puno sa magkabilang gilid ng kalsada.

"Bakit ka nasa labas? Pwede ka namang diretsong pumunta sa bahay." sabi ko.

Umiling si Kim at hinawi ang maikling buhok. We've been friends since we were young as our parents are also friends. Iyon din siguro ang dahilan kaya hanggang ngayon magkaibigan pa rin kami dahil... wala naman akong choice.

Waited (Pampanga series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ