Chapter 2

38 4 0
                                    

Chapter 2

Pumikit ako at huminga ng malalim. Pinilit ko ang sariling magfocus sa binabasang textbook. It's not helping that I don't like what I'm reading that I couldn't focus. Dumagdag pa ang pilit na pag-aaya ni Kim sa amin para sundan si Jake.

Nakita raw kasi ng katext niya na lumabas si Jake sa klase nito at ilang minuto nang hindi bumabalik. She thinks Jake is cutting classes again which has been happening since he transferred. Hindi ko alam kung nagsusumbong ba siya o gusto niya lang hulihin ito para masabing binabantayan niya nga ito.

It's been a week or so. Sanay na ako sa mga kalokohan ni Jake at ayaw ko na sanang makialam kung hindi lang laging binabanggit ni Kim at dinadamay pa kami. Now I feel like we are also looking out for Jake kahit si Kim lang naman dapat ang gumawa no'n.

"If he's really like that, he won't change anymore." pagod kong sinabi sa kanya.

"Magbabago 'yon, Gwen. Kaya nga dinala dito, e. Ayaw na ayaw niya dito kaya wala siyang choice kundi magtino para ibalik siya sa Manila! Kaya samahan n'yo na ako. Isusumbong ko siya!"

Tinignan ako ni Sheerness para sa sagot ko. Umiling ako at nagpatuloy sa pagbabasa kahit na ang mga sinasabi ni Kim ang pumapasok sa utak ko at hindi ang binabasa.

Nasa library kami. Wala ang teacher namin para sa period na ito at walang gagawin kaya dito kami pumunta. Iyon din ang dahilan kung bakit kanina pa kami pinipilit ni Kim na puntahan si Jake.

"Isusumbong ko siya! Hindi pwedeng hindi kasi sinumbong niya ako kahapon kay Mommy! Akala niya ba tatahimik ako sa ginagawa niya sa likod ng school? Akala niya siguro hindi ko alam ang ginagawa niya doon kasama ang mga babae niya kaya sinumbong ako!"

Huminto ang mga mata ko sa binabasa na kanina ko pa binabalik-balikan. If I could just close my ears...

"Isang linggo pa lang siya dito pero ang lakas ng loob niyang gumawa ng kababalaghan! Kapag siya, nahuli! Nakakahiya! Pag-uusapan kami!"

"Lagi naman kayong pinag-uusapan." Sheer's side comment.

Hindi siya pinansin ni Kim at tuloy-tuloy sa sinasabi. "Pati ako nadadamay sa mga kalokohan niya! Kainis! Bakit ba kasi hindi na lang siya magtino at nang mabalik na siya sa Manila para wala na akong inaalala pa! Ayos lang sana kung maggirlfriend siya ng marami pero nakikipagMOMOL pa sa likod ng school!"

Tumunog ang upuan ko dahil sa pagtayo ko. Sinulyapan ako ni Kim pero nagpatuloy pa rin siya sa mga sinasabi. Tahimik akong pinapanood ni Sheerness habang nakikinig din sa mga pinagsasabi ng aming kaibigan.

"Iba na lang ang babasahin ko." paalam ko at pumunta sa shelf para maghanap.

Binalik ko muna ang librong binasa bago pinasadahan ng tingin ang mga titles sa shelf na kaharap. Nang makapili ay kukunin na sana iyon nang may mauna sa akin.

Binalingan ko ang kaklaseng may hawak na ng librong gusto ko rin. Nagtaas siya ng kilay sa akin kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Oops, sorry. Nauna ako ngayon." Angel smirked to provoke me.

Umismid ako. Akala niya naman sasama ang loob ko kasi naunahan niya ako. Siya lang naman ang ganoon.

Nakita kong hindi niya nagustuhan ang reaksyon ko kaya ngumisi ako at humalukipkip para asarin pa siya.

She thinks she can intimidate me but no. Never.

"Hindi naman achievement ang pangunguna sa pagkuha ng libro. It's being the top one of the class..."

Imbes na ako ang mainis tulad ng balak niya ay siya ang nairita. Magkasingtakad kami at pareho ring kilala sa buong school kaya madalas kaming ipagkumpara sa isa't isa. Kaya rin siguro inis na inis siya sa akin dahil gusto niyang siya lang ang pinag-uusapan.

Waited (Pampanga series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon