"Leison.." Gulat na gulat si Keanna. Mabilis niya itong hinarap at sinampal.
"Alam mo ba kung gaano kaexcited si Nero?! Lahat ng ito--" Itinapon niya sa lupa ang isang bungkos ng bulaklak at tinapak-tapakan. Ang lobo na kaninang kanyang hawak ay diring-diring binitawan at pinatangay sa hangin. "Nero would have traded everything for you!"
Nahihiyang napayuko si Keanna. Ramdam niya ang guilt mula kay Keanna habang minamasdan ang mga pinamili ni Nero na itinapon niya sa harapan nito.
Napahilamos siya at pinakalma ang sarili. Huminga siya ng malalim.
"You." Hinarap niya si Keanna. Mas kalmado na siya ngayon. "Papapuntahin ko dito si Nero tapos sasabihin mo sa kanya lahat ng totoo. Magresign ka rin sa trabaho pagtapos ng araw na ito. Naiintindihan mo?"
Tinalikuran niya ito at iniwang nakayuko.
So today is not Nero's day, huh?
Nang may madaanang basurahan ay pinakasya niya doon ang kaninang suot na head bun.
"Hey!"
Nalingunan niya si Nero na malalim ang pagkakakunot ng noo habang nakamasid sa head bun na kanyang tinatapon. Bitbit nito ang human-sized bear na kinuha nito sa sasakyan.
"Anong ginagawa mo?" Tinabig siya nito at kinuha mula sa basurahan ang nalukot na head bun. "Saan na si Keanna at bakit ka nandito? Diba sabi ko sasalubungin natin?"
Humalukipkip siya. "Ang tagal mo. Ako na yung sumorpresa sa kanya at sinabi ko na rin lahat ng plano mo. Puntahan mo nalang siya sa silong at may sasabihin siya sayo."
"What the--" Tumikom sa inis ang labi ni Nero. Alam niyang galit na ito. "Why would you do that?!" Kung wala lang itong hawak na bear ay baka nasakal na siya nito.
"Nagmukha lang akong tanga dito sa pavement! Ni-hindi ko alam kung bakit pumatol ako sa palpak na plano mo! You wasted my fucking time!" Nilagpasan niya ito at dire-diretsong naglakad palayo.
"Hindi na kita kaibigan!" Pahabol na sigaw ni Nero.
"Are we even?!" Pabalyang sagot niya habang tuloy-tuloy sa paglayo.
"Chicken shit!"
"Yeah, you're welcome!" Itinaas niya ang gitnang daliri bilang tugon at sumakay sa jeep na kanyang pinara.
Dala niya ang init ng kanyang ulo hanggang sa makauwi siya.
Ungrateful bitch-- iyon si Nero.
Agad siyang natigilan nang i-on niya ang switch ng ilaw. Natagpuan niya si Marc na naghahain sa lamesa. Nakaapron ito at walang damit pantaas. Napalingon ito sa gawi niya.
"Oh, Lei? Have a seat. Luto na 'to."
Hinubad nito ang apron at lumapit sa kanya. Kinintilan nito ng halik ang kanyang labi.
"Happy Valentine's."
She smiled. Akala niya'y magvavalentine's siya mag-isa. Sinulyapan niya ang mga pagkain sa lamesa.
"Day off mo, no?"
Natawa ito. "Yeah, and I was bored. Naisipan ko pumunta dito."
"Ahh.." Tumango siya at lumapit sa dining table. Sinuri niya ang mga pagkain na niluto ni Marc. "Hindi talaga mawawala sa lamesa ang lechon ha?"
"Ah, yes. Inorder ko yan. Alam mo naman, basic foods lang ang kaya kong lutuin."
"Oo, buti nga sinipag ka magluto eh. You are that bored, huh?" Nilingon niya ito.
"So freaking bored." Anito pagkatapos ay inabot sa kanya ang isang shopping bag. "I got you something. Wear it later."
Sa pagsilay ng pilyong ngiti ni Marc ay nahulaan niya kung ano ang laman ng shopping bag na iyon. Natawa siya sa kanyang sarili. "Sabi ko na eh!"
Niyapos ni Marc ang kanyang bewang at pinudpod siya ng halik sa kanyang pisngi.
"Stoooop!" Tawang-tawa siya habang kinikiliti siya ni Marc. "Hey, Marc! I said stop! I got you something too!"
Doon lamang tumigil si Marc. Minasdan nito ang kanyang mukha na tila nag-aabang.
"May regalo ka rin sa akin?"
"Oo." Mula sa kanyang bag ay hinugot niya ang isang baby onesies na may tatak na 'I'm a mommy's boy.'
"Suotin mo rin yan mamaya. Hindi ko susuotin yung binigay mo pag hindi mo yan sinuot."
Napangiwi ang mapulang labi ni Marc "How I do look when I put this on? Like a newborn infant with a huge cock? This won't probably turn you on. Gusto mo lang ako pagtawanan, you sneaky devil!"
Napatili siya nang habulin siya ni Marc. Nagpaikot-ikot sila sa apat na sulok ng unit. Namayani ang kanilang tawanan na maya-maya ay napalitan ng singhap, ungol, na kalaunan ay nauwi sa sunod-sunod na pagtawag sa pangalan ng bawat isa.
YOU ARE READING
No Strings Attached
General FictionWARNING: MAKALAT ANG MGA CHARACTERS! WAG TUTULARAN! THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS.
Chapter 17
Start from the beginning
