Chapter 27

1.4K 48 0
                                    


🐼🐼🐼

[𝐇𝐔𝐍𝐓𝐄𝐑'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

INIWAN ako ni Ariana kaya napabuntong hininga na lamang ako, hindi ko rin alam kung bakit ko ba yon nasabi sa kanya.

Pati tuloy ang sarili ko ay di ko na maintindihan. Parang hindi ako si Hunter tsk.

Umalis na lamang ako at saka pumunta sa klase. Bigla na ding nag datingan ang iba pang royalties.

"Yow, bro aga mo ah?"

"Oo nga kuya, anong meron?"

"In love ka na bro?"

"Taena ibang Hunter ata kaharap ko ngayon."

Sunod sunod nilang sabi na ikinainis ko. Sinamaan ko sila pare-pareho ng tingin.

"Tsk." Inis na singhal ko at tumingin sa labas ng bintana.

Lumipas pa ang ilang minuto ay dumating na din ang professor namin pero hindi padin pumapasok si Ariana.

Na alala ko tuloy yung nangyari samin kanina. Sinisisi ko ang sarili ko, dahil kung hindi ko yun sinabi baka andito na sya sa klase kanina pa.

Buong klase ay si Ariana parin ang nasa isip ko, hindi rin kasi siya pumasok sa klase.

"Bakit kaya hindi pumasok si Ariana." Andito kami ngayon sa cafeteria kumakain.

"Oo nga, mukhang may problema si Ariana." Ang sagot naman ni Hushlee kay Frylah.

"Bakit di mo kaya puntahan kuya?" Ang sabi ni Frylah, pero hindi ko siya pinansin dahil iniisip ko parin kung paano ko ulit makaka usap si Ariana.

Baka naman kasi iwasan niya ako hayst.

"Ariana!!! hereee!" Malakas na sigaw ni Frylah kaya yung ibang studyante ay napapatingin na rin samin, tsk dati pa ei.

Tumingin naman ako kung saan nakatingin si Frylah. Nakita ko si Ariana na nag aalinlangan na lumapit samin pero, pumunta parin.

"Bakit hindi ka pumasok, may problema ba?" Ang sabi agad ni Steffany dito, tanging iling lang ang ginawa nito.

"May ginawa lang ako." Seryosong aniya na hindi ko maintindihan kung bakit parang malungkot siya. Kumain na lamang kami at hindi na nag salita pa.

Pag tapos naming kumain ay pumunta muna kami ng garden dahil don nilang naisipan na tumambay. Kasama namin ngayon si Ariana na hindi man lang nag sasalita.

Mukhang iniisip niya parin yung sinabi ko kaninang umaga.

Lumapit ako sa kanya kaya agad siyang napatingin sakin.

"Bakit?" Takang tanong niya at saka bumuntong hininga.

"Nothing... I just want to ask you, if you're okay?" Tumango lang ito at binaling ang tingin sa iba naming kasama ganun din ang ginawa ko.

Muli ko na namang narinig ang pag buntong hininga niya. Mukhang malaki ata problema niya.

Hinawakan ko ang kamay niya na ikinagulat niya.

"Kung may problema ka, you can tell me okay? Baka matulungan kita." Ang seryosong sabi ko sa kanya. Tumango lamang siya sakin.

"I'm okay, so don't worry." Alam kung hindi siya okay, ayaw niya lang sabihin.

Matapos ang oras na mag kakasama kami ay sinabi ni Ariana na bukas na lamang siya papasok dahil may kailangan pa siyang tapusin. Hinayaan na lang namin dahil mukha ngang mabigat ang problema niya. Hindi ko na din tuloy maintindihan ang sarili ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.
Para kasing may mangyayaring masama. Pero hindi ko na lamang yun pinansin.

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now