Chapter 41

1.4K 40 0
                                    

(TRY NYO PATUGTUGIN YUNG SONG NA Wag Ka Nang Umiyak By: Kz Tandingan HABANG BINABASA NYO TO PARA DAMA.)
🖤❣🖤

[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

"BOGGGSHHH"

Isang malakas na pag sabog ang narinig ko. Andito ako ngayon sa kwarto ko, kakagising ko pa lang dahil, napuyat ako kagabi dahil kakaisip sa propesiya, sunod sunod muli na pag sabog ang narinig ko mula sa labas kaya dali dali akong tumingin sa royalties pero wala na sila. Ibig sabihin lang ay nasa labas na sila. Lumabas na rin ako kahit hindi pa ako nag hihilamos, wala na akong pakealam.

Ito na siguro ang simula ng digmaang mag gaganap. Agad akong napatingin sa may gate dahil sa dami ng darkians ang pumasok.

Meron ding higanteng freaking toad at higanteng centipede. Ang ibat ibang umaatake sa mga studyante. Isama pa ang cyclops na, kumakain ng magician, ang lahat ng mata nila ay kulay pula.

"Ariana!" Agad akong napatingin kay Hunter na papalapit sa pwesto ko, nakikipaglaban siya kanina pero ng makita niya ako ay pumunta siya sakin..

"Ariana please, don't leave me huh?" Ang maluha luhang sambit niya sakin, niyakap niya na din ako ng mahigpit.

"Ariana, please I want to hear your promise, please promise to me, after this war you still alive." And this time, kita ko ang pag patak ng isang butil na luha.

Gustuhin ko man, pero hindi ko alam ang mangyayari. Ito ang itinakda para sakin, wala ng mag babago.

"I can't promise Hunter, but no matter what happens, always remember that I love you." Ang lungkot sobra, pinigilan kung umiyak.

"I love you too, Ariana." Pagkatapos ng pag uusap namin ay napadapa kaming pareho dahil sa bumulusok na, usok papunta samin.

Tumayo na siya kaya ganun na rin ang ginawa ko. Agad kung pinaulanan ng apoy ang bawat darkians na makikita ko.

Gumamit na rin ako ng thunder powers dahilan para tamaan ang ibang darkians. Agad akong napatingin sa papalapit na dila ng higanteng freaking toad. Pinutol ko ito sa pamamagitan ng air blade.

Meron pang mga papalapit na itim na dragon na sa tingin ko ay alaga ng kadiliman. Mayroon ding itim na lobo ang pumasok sa gate. Hindi lang isa kundi marami, gumawa na rin ako ng isang malaking lobo para labanan ang malilit na itim na lobo, gawa iyon sa apoy para masunog ang mga ito.

[𝐓𝐇𝐈𝐑𝐃 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

ANG dami nang nasawi sa laban ng darkians at white magician, pero hindi parin sumusuko ang lahat lalo na ang royalties. Ang mga hari at reyna ay paparating na rin sakay ng unicorn.

Ang dami pang paparating na kalaban ngunit parang nahihirapan na ang mga magician sa pakikipaglaban, marami na rin ang nasugatan at namatay.

"Hi my dear best friend Ariana whahaha." Isang malademonyong tawa ang nag mumula sa labi ng isang babae, napatingin doon si Ariana, ganun na lamang ang gulat sa kanyang mukha ng makilala ang babaeng nasa harapan niya.

"Wencie?" Ang tawag nya dito pero tumawa lang ito na parang baliw.

"Ang galing kung makipag plastikan sayo noh, naniwala ka agad at ngayon papatayin na kita para maging akin na si Hunter, inagaw mo siya." Ang galit niyang sabi dahilan para mangunot ang noo niya.

Agad na itong nag palabas ng itim na kapangyarihan, naging isang itim na dragon na rin ito, at marahil isa na rin ito sa naging kalaban ni Hizaku.

"Hindi ko kailan man inagaw sayo si Hunter, dahil unang una hindi siya naging sayo!" Agad nang nag palabas si Ariana ng light power.

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now