Chapter 35

1.5K 42 0
                                    


✨✨✨

[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

HANGGANG ngayon ay hindi parin bumabalik si Hunter sa kwarto niya kaya naisipan ko na munang lumabas sa kwarto.

"Ariana, join kana dito!" Ang sabi ni Nathan, nanonood kasi sila kaya wala na akong nagawa kundi ang pumunta na rin sa harap ng pinapanood nila.

Agad kung hinablot ang pagkain na hawak ni Nathan at saka yun kinain kaya ngumawa na parang bata ang lalaki.

"Ang OA mo naman Nathan, pagkain lang yon." Ang inis na sambit ni Hushlee at saka umirap kaya naman bumusangot ang lalaki na tila ba nag tatampo.

"Ganyan kana sakin baby huh, siguro hindi mona ako mahal." Ang sabi pa nito na nakanguso kaya naman sinapok sya ni Maxwell.

"Ang ingay mo langhiya ka." Inis na sambit nito, tumingin naman ako kay Tyrone na seryoso lang na nakatingin sa pinapanood kaya itinuon ko na rin doon ang aking pansin, pero dahil ang boring ng scenes ay hindi ko mapipigilan ang humikab.

Agad kung isinandig ang ulo ko sa sofa at hindi ko namalayan na unti unti na akong pumipikit.

[𝐇𝐔𝐍𝐓𝐄𝐑'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

ANDITO parin ako sa garden kung saan unang beses kung mayakap si Ariana, medyo humupa na rin ang init na nararamdaman ko, dahil na rin doon kaya naisipan ko nang bumalik sa dorm.

Pero hindi pa man ako nakakarating sa dorm ay parang may mga matang nakamasid sakin.

Hinanda ko na ang sarili ko kung sino man sila, at hindi nga ako nag kamali dahil may nag palabas ng kapangyarihang ang isa sa kanila, they are darkians, hindi pa ba sila nakontento sa laban na nag ganap nung isang gabi tsk.

"Pinatay nyo ang anak ko!" Galit na sigaw ng isa sa kanila, sampo lahat sila pero mukhang siya ang leader.

"Mag babayad kayo sa pag patay nyo kay Finkly." Siya pala ang ama ng walang hiyang babaeng yon tsk.

Hindi ko na siya hinintay pang mag salita dahil wala naman akong pakialam sa mga sasabihin niya pa.

Agad na akong nag palabas ng kapangyarihang apoy, binalot ko sila isa isa sa apoy kung kaya't nag sisigaw sila sa hapdi ng kanilang katawan, hindi pa ako nakontento at agad na rin nag pakawala ng fire blade lahat sila ay pinatamaan ko, kaya naman ay naging abo sila sa ganoon lamang kadali.

Pag pasok ko pa lamang sa sala ay nakita kong nanonood sila ng pelikula, nakita ko rin si Ariana na tulog na, hindi ata nila napansin dahil wala man lang silang pakealam sa lagay ng dalaga.

"Saan ka nang galing kuya?" Ang tanong ni Frylah na hindi ko naman sinagot, kinarga ko na si Ariana papasok sa kwarto ko, kaya kanya kanya silang kantyaw sakin na hindi ko naman pinansin.

Inihiga ko siya ng marahan sa kama at saka kinumutan. Pagkatapos ay pumasok na rin ako sa banyo para maligo. Ang baho ko na, nakakahiya naman na tumabi kay Ariana na ganito ang amoy ko, tsk.

Pag tapos maligo ay tumabi na rin agad ako sa kanya at saka niyakap siya sa may tiyan. Agad ko nang pinikit ang mata ko.

***

"KYAHHHH!! WAHHHH!!" Agad akong napabangon nang wala sa oras dahil sa malakas na sigaw ng babae, at isama mo pa ang malakas nitong sipa sakin dahilan para magising ang diwa ko.

"B-bakit naka hubad ka?" Ang utal utal na sabi ni Ariana kaya napatingin ako sa katawan kung naka hubad nga, pero damit lang naman dahil may short naman akong suot.

"Tsk, ang arte mo naman akala mo naman kung hindi mo niyakap to kagabi." Ang sabi ko at tumayo na para mag bihis, kita ko rin ang pamumula ng pisngi niya.

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now