Chapter 9

1.6K 42 0
                                    

|𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄|

💖💖💖

[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

"Ayieee ang swerte mo naman Ariana."
"Oo nga Ariana sana ol kilala ng royalties."
Ang sabi nina Jessica at Wencie, kanina pa nila ako kinukulit dahil sa nangyari kanina kasama ang royalties.

"Anong swerte dun?" Ang sabi ko sa kanila at saka kumain ng barbecue, andito kami sa cafeteria kumakain dahil lunch time na rin naman, wala naman nangyari pang kakaiba.

"Bihira lang makipag usap o pumansin ng ibang studyante ang royalties kaya swerte mo na yun." Ang sabi ni Jessica.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga pinagsasasabi nila at kumain na lang ng kumain, pagtapos kumain ay nandito kami sa ilalim ng isang puno naka upo, may roon kasi ditong tambayan.

"Bumalik na ba talaga ang prinsesa?"
"Oo nga iyun ang sabi ng karamihan."
"Sana nga bumalik na ang prinsesa. Sya lang ang tanging pag asa para matalo ang darkians."

Rinig naming bulungan ng ibang studyanteng dumadaan malapit samin, ang iba nga ay excited makita ang prinsesa dahil sigurado na maganda raw ito.

"Kung bumalik na ang prinsesa? Ano ang kanilang pruweba na totoo nga yon." Ang sabi ni Jessica kaya napatingin ako sa kanya maging si Wencie.

"Ang sabi nila bumalik na raw sa dating anyo ang garden na tinitirhan ng mga fairies, ibig sabihin nga bumalik na ang prinsesa." Ang sabi ni Wencie, habang ako ay nakikinig lamang sa kanila.

"Yun lang?" Ang hindi makapaniwalang sabi ni Jessica kaya nakatanggap ito ng batok mula kay Wencie.

"Idiots! Ang garden na yon ang tirahan ng mga fairies na dating kaibigan ni princess Crystaliah... maging ang reyna nun ay kaibigan ni princess Crystaliah." Ang sabi ni Wencie at tumaas pa ang kilay.

"Pano mo nalaman ang lahat ng yan?" Ang tanong naman ni Jessica.

"Palagi kung binabasa ang ibang libro sa library kaya alam ko." Pagkatapos sabihin iyon ni Wencie ay biglang tumunog ang bell.

Tumayo na kami at saka pumunta sa training room.

"My ghod, makakasabay natin sa training ang mga royalties." Tiling sabi ni Jessica kaya naman napaismid ako. Bakit ba, palaging bukang bibig ng babaeng ito ang royalties.

Andito na kami sa training room at tulad ng sinabi ni Jessica ay nandito nga ang royalties kaya naman parang nilagyan ng asin ang mga ood na studyante na to.

"Good afternoon class, andito tayo para mag training ng mga kapangyarihan ninyo or powers..." Ang sabi ni sir Henry kaya madami ang nag hiyawan.

"Tutulungan kayo ng royalties na kontrolin ang powers nyo or tutulungan kayo ng royalties na tuklasin ang kakayahan niyo." Ang daming nag tiliang babae ng sabihin iyon ng teacher, pati ata mga lalaki kinikikig ampota.

"Quiet... Ang royalties ang bahala sa inyo." Ang sabi ni teacher, at saka pumunta sa isang tabi.

"Ang royalties ang pipili kung sino ang kanilang tuturuan." Maraming nag bulungan, marami din ang tuwang tuwa dahil pwede daw silang mapansin ng royalties pag nangyari yun, nagulat ako ng biglang nasa gitna na rin ako ng training room kasama ang ibang studyante, nasa isang tabi kasi ako nanonood ng biglang mapunta ako dito.

"Saakin ka." Ang sabi ng boses lalaki kaya napatingin ako sa kanya, biglang nangunot ang noo ko ng si Hunter ang lalaking yun habang walang emosyong nakatingin sakin.

"Ano yun?" Bored kung tanong.

"I said your mine." Cold at malakas na sabi niya kaya lahat ay napatingin saming dalawa, yung ibang royalties ay pangiti ngiti at hinahampas pa ang katabi.

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now