Chapter 20

1.4K 46 0
                                    


◎◎◎

[𝐓𝐘𝐑𝐎𝐍𝐄'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

NAGULAT ako ng biglang tumakbo si Ariana papunta sakin. Ang hindi ko alam ay may palaso palang papalapit sakin.

"Ariana, bakit mo ginawa yun?" Ang sabi ko dito na hindi naman niya pinansin at unti unti nang pumikit.

Bubuhatin ko na sana siya ng biglang sumulpot si Hunter at saka kinuha si Ariana at nag teleport sa clinic, sumunod naman kaming ibang royalties sa kanya.

"Bakit ba kasi ang hilig ni Ariana sumalo ng mga bagay na dapat hindi sa kanya tatama." Ang sabi ni Frylah, halata sa mukha niya ang pag aalala kay Ariana.

"Ei ang bait kasi ni Ariana, kaya ganyan siya at saka may care kasi siya satin." Ang sabi ni Hushlee.

Inihiga na ni Hunter sa higaan sa clinic si Ariana, si Maxwell naman at saka si Denver ay tumawag ng nurse.

Yes, if nag tatanong kayo kung may nurse dito sa mundo namin of course yes. Ang kaso nga lang kakaibang nurse, hindi katulad ng nurse sa mundo ng mga tao.

"Labas muna kayo mga bata." Biglang sulpot ng isang babaeng nurse, dahil sa utos niya at lumabas na kami pwera kay Hunter na gustong mag paiwan sa loob at gustong bantayan si Ariana.

"Prince Hunter kailangan nyo pong lumabas muna." Ang rinig namin na sabi ng nurse.

"F*ck you, just heal her or else I break your bones." Ang inis at cold na sabi ni Hunter.

Andito kami sa labas ng kwarto kung saan naka lagay si Ariana, hinihintay lang din namin ang sasabihin ng nurse tungkol kay Ariana. Si Hunter naman ay andito sa tabi ko nakayuko lamang dahil wala din siyang nagawa kundi ang lumabas parin para gamutin si Ariana.

Biglang lumabas ang nurse na tumingin kay Ariana kaya automatic ay napatayo kaming lahat.

"Ang lala ng nangyari sa kanya, kumakalat na ang lason na nag mumula sa palaso. Ang hindi ko alam kung bakit hindi agad agad mahigop ng kapangyarihan ko ang lason sa katawan niya." Ang sabi niya na ikinasuntok ni Hunter sa pader.

"Pero may ibang dahilan para mawala ang lason sa katawan niya. Ang kailangan lang ay ang halamang 'Eritque arcus flos' pero alam kung mapanganib pumasok sa gubat ng—" Pinutol na ni Hunter ang sasabihin ng nurse at nag salita agad.

"Kung ganun darating agad ang hinihingi mo. Just please heal her." Ang sabi ni Hunter na halata talaga sa mukha ang pag aalala.

"As you wish prince Hunter, mainam din na dumating agad ang halamang iyon upang hindi na lumalim pa ang lason sa katawan niya." Ang sabi ng nurse.

Biglang nawala si Hunter sa paningin namin kung kaya't nag desisyon na lang kaming hintayin muli ang ibabalita ng nurse samin.

"Bili ka muna ng pagkain Maxwell para may pagkain naman tayo." Ang biglang sabi ni Nathan kaya nakatanggap ito ng batok mula kina Hushlee at saka Frylah at Samantha.

"Ikaw na lang bumili, mang uutos ka pa."
"Gago ka ba Nathan tsk?"
"Tch ambobo!"

Iba ibang sabi ng tatlo kay Nathan.

"Grabe naman kayo sakin? Ei sa nagugutom ako anong magagawa ko?" Ang sabi nito at saka ngumuso.

Mag sasalita pa sana si Nathan ng biglang dumating si Hunter at saka dali daling pumasok sa loob ng kwarto kung saan nakahiga si Ariana, alam naming dala ni Hunter ang hinihingi nung nurse.

"Prince Hunter labas ulit po kayo." Ang dinig naming sabi ng nurse, pero isang malakas na kalampag lang sa loob ang narinig namin, alam naming galit na si Hunter dahil sa sinasabi ng nurse.

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now