Chapter 30

1.4K 48 0
                                    

⭐⭐⭐

[𝐇𝐔𝐍𝐓𝐄𝐑'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

NABALITAAN ko ang nangyari kay Finkly kung kaya naman agad akong pumunta sa clinic upang tingnan kung kamusta na ba siya, hindi sa pag aalala pero isa yun sa tungkulin ko bilang royalties, utos din ng hari na huwag pababayaan si Finkly.

Hindi kasi ako nakasama kanina ng pumasok sila sa klase dahil na din ayukong makasama si Finkly, tsk masyado siyang nakakairita.

"Bakit ngayon ka lang kuya?" Inis na bungad sakin ni Frylah, hindi ko naman siya pinansin at tiningnan ang kalagayan ni Finkly.

"Ayus na siya, grabe hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa ng babaeng yun." Ang sabi ni Denver habang tinitingnan si Finkly.

"Why? What happened?" Seryosong sabi ko at tiningnan sila isa isa.

"Yung babaeng yon, binangga ba naman ang balikat ni Crystaliah." Ang sabi ni Samantha.

"Hindi siguro kilala kung sino si Crystaliah." Ang sabi naman ni Steffany.

"Impossible naman yon, sikat si Crystaliah at alam ng lahat na natagpuan na ang nawawalang prinsesa bakit hindi yun makilala ng babae na yon." Ang inis na sabi ni Frylah, tsk.

"And what's her name?" Cold na aniya ko sa kanila.

"We don't know, mag tanong ka na lang kay HM Lance." Ang sabi ni Maxwell kaya tumango na lang ako akmang aalis na nang mag salita si Frylah.

"Aalis kana naman kuya, hindi mo man lang hihintayin magising si Crystaliah." Seryosong sabi niya. Hindi ko siya sinagot at umalis na lamang. Pumunta naman ako sa head master office para itanong kung sino ang babaeng yon.

"What's bring you here Hunter?" Ang takang tanong ni HM Lance.

"Sino yung babaeng naka away ni Crystaliah?" Seryosong saad ko dito pero kinunutan lang niya ako ng noo na tila ba hindi alam ang ibig kung sabihin.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Hunter." Ang sabi niya at saka tinuon ang pansin sa ginagawa niya sa mesa. Bumuntong hininga ako dahil dun at saka lumabas na lamang. Hindi na din ako pumasok dahil gusto kong malaman kung sino yung tinutukoy nila tsk.

[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

MAAGANG natapos ang klase kaya naman lumabas na ako sa classroom at saka pumunta sa cafeteria, doon na lang ako kakain at mag take out na lang ako para kay Hizaku.

"Diba siya yung nerd na naka away ni Princess Crystaliah?"
"Oo siya nga yon."
"Balita ko gusto siyang maka usap ni Hunter."
"Hala baka paalisin na yan sa academy."

Bulungan ng dalawang studyante na nadaanan ko. Pero ano daw? Gusto akong makausap ni Hunter? Tsk.

Hindi niya ako dapat makilala, baka masira ang plano ko. Ayukong palabasin na ako ang nawawalang prinsesa, sino naman ang maniniwala na ako nga ang nawawalang prinsesa. Marami ang mapanghusgang nilalang sa mundo.

Baka pag nalaman ng kalaban na ako nga ang tunay na prinsesa ay gamitin nilang pain ang magulang ko. Isa yun sa mga kahinaan ko, kaya mas mabuti ng ganito lamang ako.

Alam ko din na si peke ang anak ng isang alagad ni Dark King, nakipag kasundo lamang si Dark King sa kanyang alagad para sa plano nila para matalo ako.

"Ms. gusto daw po kayong makausap ni Prince Hunter." Biglang sabi ng isang babae na hindi ko kilala kung sino. Hindi ko siya pinansin at nag patuloy sa pag kain. Ayuko sa lahat yung ma iisturbo akong kumain tsk.

"Paki sabi naman na mag hintay siya dahil kumakain ako at mas importante ang kinakain ko kaysa sa kanya." Inis kung sabi dahilan para mapatango siya at umalis na sa harapan ko tsk.

The Long Lost PrincessUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum