Chapter 5

1.8K 46 1
                                    

|𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐈𝐕𝐄|

🧡🧡🧡

[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

Andito ako ngayon sa kusina nag luluto ng agahan. It's already 6:00 AM at hindi ko pa alam kong anong schedule at anong oras ang mga subject na papasukan ko.

"Ang bangu naman niyan mukhang masarap." Rinig kong sabi ni Jessica sa likuran ko na hindi ko na lamang pinansin.

"Marunong ka palang mag luto." Ang sabi naman ni Wencie, kagigising lang nila, halata naman sa mga mukha nila dahil may mga muta pa tsk.

"Pwede ba mag hilamos nga muna kayo bago kayo pumunta dito." Inis na sabi ko kaya naman dali dali silang umalis at umakyat sa sarili nilang kwarto. Matapos maluto ay hinain ko na ang pagkain, nang biglang may kumatok. Pumunta ako sa pinto at saka binuksan ito. Nangunot ang noo ko ng makita ang isang lalaki at may dalang isang paper bag.

"Anong kailangan mo?" Cold kong sabi kaya naman napa atras siya.

"A-ano Ms. Ariana uhm pinapabigay po ni HM po ito." Ang sabi niya at inabot sakin ang dala niyang paper bag, kinuha ko yun at saka sinarhan siya ng pinto.

Nilagay ko muna sa sofa ang hawak kong paper bag at saka dumeretso sa kusina para kumain, wala parin yung dalawa kaya hinayaan ko na lang. Bahala sila sa mga buhay nila.

Matapos kumain kinuha ko na ulit ang paper bag at saka pumasok sa kwarto para maligo. Tiningnan ko muna yung laman ng paper bag. Isa iyong uniform ng Academy.

Ang ganda ng kulay niya, kulay blue ang palda niya at ang kulay naman ng logo ay gold. Ang strips ay kulay gold rin.

Naligo na ako saka pinatuyo ang buhok bago sinuot ang uniform, nang masuot ko ito ay halos maduling na ako sa kakairap dahil sa inis. What the fuck is this? Bakit naman ang ikli masyado.

"Ariana, hindi kapa ba papasok sa klase?" Ang tanong ni Jessica mukhang hinihintay nila ako, hindi ko na lamang ito pinansin at saka pinag patuloy ang pag aayus ng sarili.

Lumabas na ako pag tapos kung mag ayos. Pero nagulat ako ng hindi naka galaw ang dalawa pag ka kita sakin.

"What's happening the two of you?" Cold kung sabi at saka kinuha ang schedule ng klase ko.

"Oh my god ang ganda mo Ariana, you look like a goddess." Ang sabi ni Wencie.

"Oo nga Ariana ang ganda mo sobra, huhuhu sana ako rin." Ang sabi rin ni Jessica na hindi ko na lamang pinansin at saka inunahan silang lumabas ng dorm.

"Wait lang naman Ariana sabay sabay na tayo pumasok?" Ang sabi ni Jessica at kinuha sakin ang hawak kung schedule.

Ang ganda rin nila, katulad ko ay kulay blue din ang mga uniform nila.

"Bakit walang papel at bag dito?" Ang sabi ko habang nakatingin sa ibang studyanteng nakakasabay namin, ang iba ay nag bubulungan habang dumadaan kami.

"We don't need paper and bag kasi naman hindi naman tayo mag susulat." Ang sabi ni Wencie kaya napatango na lang ako.

"Wait diba sya yung tumalo kay Grace?"
"Oo nga girl ang ganda pala talaga niya."
"Anong maganda hindi naman ah?"
"Ang angas di naman kagandahan."
"Pangit naman pala e?"
"Balita ko hindi pa daw nagigising si Grace."
"She's not belong here."

Yan lang ang iba ibang bulungan na narinig ko na hindi ko na lamang pinansin.

"Nga pala mag ka-klase tayo Ariana." Ang sabi ni Jessica kaya tumango na lang ako.

"My ghod talaga kaklase natin siya." Excited na sabi ni Wencie at nakipag apir pa kay Jessica.

"Oo nga kakasabi ko lang kaya wag mo nang ulit ulitin." Ang ingay talaga ng dalawang to, nakakainis kasama tch.

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now