Chapter 39

1.4K 50 0
                                    


-: ✧ :-゜・.
[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

PAGKATAPOS naming mag usap ni Hunter ay namasyal muna kami sa giant leaf, mag ka hawak kamay habang sabay na pinagmamasdan ang mga tanawin sa paligid.

Inamin kona rin ang totoo sa kanya. Ang totoong ako.

🍒 FLASHBACK🍒

"Anong ibig sabihin ng tattoo mo sa likod, at paano mo ipapaliwanag saakin o sa amin ngayon ang tungkol sa kwentas mong suot." Ang seryosong ani ni Hunter sakin, nagulat ako dahil dun, hindi ko alam ang sasabihin ko, pero still tinatagan ko ang loob ko.

"Ang birthmark sa likuran ko ay matagal na, hindi ito tattoo, noong una nag tataka rin ako kung bakit meron ako nito, hindi rin ito nakikita ni mommy nung nasa mortal world pa ako, madalas ang pag sakit ng likuran ko at hindi ko rin yun alam." Ang sabi ko at tumingin sa mga bulaklak sa harden.

"Ang kwentas rin na itong suot ko ay galing kay mommy, marahil ay galing ito sa totoong magulang ko, hindi ko pa alam ang buong detalye, pero sa ngayon hindi na mahalaga yun." Ang dugtong ko sa sinabi ko habang siya ay seryoso lamang na nakikinig sakin.

"Alam mo bang ang kwentas na suot mo ay galing sa isang Queen?" Ang sunod na tanong niya na ikinatango ko.

"Ang kwentas na ito ay galing sa totoong ina ko." Yumuko ako para hindi niya makita ang mukha ko.

"I-ibig sabihin, ikaw ang nawawalang prinsesa?" Ang gulat na saad niya.

"Yes, I am the long lost princess at sa tingin ko hindi ko na dapat yun ilihim sainyo, karapatan nyo rin na malaman ang totoong ako, matagal ko nang alam ang tunay na ako, simula ng mag aral na ako dito, dahil yun sa mga gods and goddesses." Hindi siya agad nakapag salita at nag iwas ng tingin.

🍒E⃫  N⃫  D⃫   O⃫  F⃫   F⃫  L⃫  A⃫  S⃫  H⃫  B⃫  A⃫  C⃫  K⃫ 🍒

"Ariana, hey!" Agad akong nabalik sa realidad ng marinig ko ang boses ni Hunter.

"Bakit?" Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko, muli kaming nag lakad. Pero hinayaan kona lamang siyang dalhin ako sa kung saan.

"Ito yung, pangalawang lugar na paborito kung puntahan." Ang sabi niya, nasa tabi kami ngayon ng dagat, ang ganda nga kasi palubog na rin ang araw.

"Dito ako minsan pumupunta lalo na kung puno nang problema ang isip ko." Ang sabi niya, at saka tinaas ang kamay niya at mula sa pag kakataas ng kamay niya ay biglang nag karoon ng bulaklak sa kamay niya, apoy na bulaklak yun at ang gandang tingnan.

"Wow!" Ang manghang saad ko ng biglang tumubo pa ng ganung bulaklak pero this time ay sobrang laki na.

Para siyang nag mamagic sa harapan ko, biglang naging bola ang apoy at saka iyon pinakawalan ni Hunter sa kalangitan, bigla iyon nawasak at naging kalapating puti.

"Ang ganda." Ang tanging lumabas lamang saking bibig iyon.

"Ariana Demon Enriquez, pangakong ikaw lang ang babaeng mamahalin ko, mula noon, hanggang ngayon at habang buhay kitang mamahalin Ariana." Ang seryosong sabi niya, iwan ko ba pero biglang tumulo ang luha saking mga mata, para kasing ngayon pa lang ay mag hihiwalay na kami. Parang hindi na kami mag kikita pa.

"I-i love you too, Hunter." Ang lumuluhang sambit ko, pinahid niya ang luhang lumandas saking mga mata.

"Please don't cry Ariana, ipangako mo sakin na hindi ka mawawala, please wife promise me." Ang malungkot niya ring sabi dahilan para madurog ang puso ko, nasasaktan akong ganyan siya.

"I promise I will never leave you." Ang sabi ko, niyakap niya naman ako ng mahigpit.

"T-tungkol pala sa panliligaw mo sakin, my answer is yes. I accept you as my boyfriend, alam kung mabilis pero, totoong mahal kita." Ang sabi ko at tumingin sa mata niya ng bumitaw kami sa pag kakayakap.

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now