Chapter 15

1.6K 49 0
                                    


⋇⋆✦⋆⋇ 

[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

"Ariana, bakit nag eempaki ka?" Ang sabi ni Jessica na nakapasok na pala sa kwarto ko.

"None of your f*cking business." Ang cold kong sabi at saka pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain na pwedeng kainin kahit hindi lutuin.

"Aalis kana ba Ariana? Iiwan muna ba kami?" Ang sabi naman ni Wencie at maluha luhang tumingin sakin, kaya naman napatingin ako sa kanya ng seryoso.

"I have a mission with royalties so shut up." Ang sabi ko at saka kumuha ng delata at saka prutas.

"Talaga, meron kang mission kasama ang royalties?" Ang sabi nilang pareho na tila hindi makapaniwala.

"Bakit anong meron dun?" Ang boreng kong sabi at saka umirap.

"0h em ge, kyahhhh, tulungan ka na namin." Ang tiling sabi ni Jessica at kinuha ang mga hawak ko at naunang pumasok sa kwarto ko, kunot noo ko silang sinundan dahil sa inasta nila.

"Bakit ba?" Ang sabi ko at saka umupo sa kama ko.

"Anong bakit?" Ang sabi naman ni Jessica si Wencie naman ang nag lagay ng pagkain sa bag.

"Lumabas na nga kayo sa kwarto ko tsk." Lumabas naman silang pareho at saka tumalon talon pa, napailing na lamang ako.

Pagkatapos ay nahiga na rin ako sa kama para matulog, maaga ang alis namin at kailangan walang malate tsk.

~𝑲𝑰𝑵𝑨𝑩𝑼𝑲𝑨𝑺𝑨𝑵~

"Good morning!"
"Ariana gising na?"

Tiningnan ko ng masama sina Jessica at Wencie dahil sa ingay nila.

"Anong problema nyo, nakita nyo nang natutulog pa ako." Ang sabi ko at saka binato sila ng maliit na ice ball, kaya naman nag unahan silang lumabas sa kwarto ko, tiningnan ko ang orasan at napamura ako ng makitang late na ako, baka kanina pa inip ang mga yun dahil sa tagal ko.

Mabilis akong naligo at saka nag bihis agad, hindi na ako nag abalang mag suklay, mabilis kong isinukbit ang bag na dadalhin ko.

"Why are you late?" Cold na sabi ni Hunter pag karating ko pa lamang sa gate.

"Hindi naman ako late?" Ang sabi ko at saka inayos ang dala kung bag.

[𝐇𝐔𝐍𝐓𝐄𝐑'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

Ang tagal naman ata ni Ariana, kanina pa namin siya hinihintay hindi parin siya dumarating, kanina pa nag rereklamo si Steffany dahil ang tagal daw ni Ariana.

"Bakit ba kasi ang bagal ng babaeng yun, feeling importante." Inis na sabi ni Steffany.

"Baka naman may ginawa pa, hindi pa naman siya late wala pa nga si HM?" Ang sabi naman ni Frylah, umirap lang si Steffany dahil sa sinabi ni Frylah.

"Bakit ba galit ka kay Ariana?" Ang tanong ni Samantha na tinanguan naman ni Hushlee.

"Ei bakit ba, kumakampe kayo sa babaeng yon, hindi nyo naman yun ka ano ano?" Inis na turan ni Steffany.

Biglang napatingin kaming lahat sa babaeng tumatakbo papalapit samin. Biglang kumabog ang puso ko ng diko alam ang dahilan kaya napaiwas ako ng tingin.

"Why are you late?" Ang cold na sabi ko sa kanya, habang naka iwas ng tingin.

"Hindi naman ako late?" Ang sabi niya at saka inayos ang bag na dala niya, ano ba tong babaeng to? Bakit hindi pa nakapag suklay tapos ang soot hindi pa ayus.

"Ayusin mo nga sarili mo." Ang walang emosyong sabi ko, kaya naman napatingin din siya sakin ng seryoso.

"Tsk." Yun lang ang sinabi niya at saka nag suot ng jacket, naka sando lang kasi siya, dahil siguro sa pag mamadali kaya hindi na nakapag ayos pa.

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now