Chapter 28

1.4K 51 0
                                    


💌💌💌

[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

ANDITO ako ngayon sa kwartong tinutuluyan namin ngayon dito sa palasyo, kasama ang iba pang royalties na babae. Ang mga lalaki naman ay nasa kabilang kwarto mag kakasama, at hanggang ngayon ay laman parin ng isip ko ang sinabi ni ama at ni ina, siguro nga gumagawa na ng palihim na hakbang ang kalaban para sa nalalapit na digmaan.

"Ariana, anong iniisip mo, kanina ka pa dyan tulala sa may bintana." Bigla akong napatingin kay Frylah ng mag salita ito mula sa likuran ko, andito kasi ako ngayon sa may bintana naka tanaw sa malawak na garden, actually andito kami para mag pahinga pero mukhang hindi naman ako maka pag pahinga dahil sa nangyari kanina.

"Iniisip ko lang ang sinabi ni King Kredaurus, hindi lang ako maka paniwala na natagpuan na ang nawawalang prinsesa." Ang sabi ko at tumingin sa mga ulap sa kalangitan.

"Oo nga ei sobrang nakaka bigla pati ako excited nang makita ang prinsesa, alam mo naman baka sobrang ganda at sobrang bait non." Ang sabi niya na tila kinikilig pa, bumuntong hininga ako at saka tumingin sa kanya ng seryoso.

"Sana nga tama ang pinaniniwalaan nilang prinsesa." Mahinang sabi ko na ako lang ang makakarinig. Nahiga na din ako sa tabi ni Hushlee at saka tumingin sa itaas.

Mag kakatabi lang kami sa malaking kama sa iisang kwarto, kasya naman kami dahil sobrang laki ng kama. Mukha ngang kasya lahat ng sampong tao.

Ang kwarto naman ay kulay gold lahat ng paligid, ang mga bagay ang babasaging crystal, sobrang laki din ng kwarto na parang isang bahay na kung titignan ang kabuuan.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at saka pinilit na makatulog. Hindi ko na muna siguro iisipin ang tungkol sa prinsesa kuno na susunduin namin sa mortal world.

And yes, sa mortal world namin susunduin ang nawawalang prinsesa, yun ang utos ni King Kredaurus. Ang daming arte, pwede naman pumunta siya dito mag isa tsk.

***

KINAGABIHAN ay lumabas na kami ng kwarto para kumain, kasabay ko ngayon sina Frylah, ang iingay nga nila habang ako seryoso lamang na nag lalakad, hanggang ngayon kasi hindi ko parin nakakalimutan ang tungkol sa prinsesa.

"Maupo na kayo para makapag simula ng kumain." Ang sabi ni Queen Athena. Naupo na rin naman agad kami, katabi ko ngayon si Hunter at sa dulo naman ay si King Kredaurus at Queen Athena.

Agad kaming kumain dahil na rin sa gutom ay hindi ko na pinansin ang nasa paligid ko. Pero natigil bigla iyon ng maramdaman kung nakatingin silang lahat sakin.

"Favorite mo rin ba Ariana ang strawberry?" Ang sabi ni Queen Athena na ikinatango ko at saka linunok ang pagkain na nasa bibig ko.

"Pareho pala kayo ng asawa ko, favorite niya rin ang strawberry." Ang masayang sabi ni Queen Athena, naging masaya rin ako dahil kahit papano may pag ka pareho kami ni ama.

Matapos kumain ay nag lakad lakad muna ako sa garden dahil hindi pa naman masyadong gabi.

"Why are you here?" Bigla akong napatingin sa likuran ko ng mag salita si Hunter.

"Gusto ko lang mag pahangin." Ang seryosong sagot ko sa kanya at naupo sa damuhan, tumabi naman siya sakin.

"Hunter, naniniwala ka bang siya na ang nawawalang prinsesa?" Biglang sabi ko sa kanya na ikinatahimik niya.

"I'm not." Bumuntong hininga siya bago nag patuloy sa pag sasalita.

"Hindi ako natutuwa about sa sinabi ni King Kredaurus." Ang sabi niya na ikinatango ko.

The Long Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon