Chapter 34

1.5K 47 0
                                    


♥♥♥

[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

AGAD kung minulat ang mata ko mula saking panaginip. Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto at mukhang nasa clinic na naman ako.

Nakita ko rin sa may bintana si Tyrone at mukhang malayo ang iniisip, dahil hindi man lang niya ako napansin na tumatayo na.

Siya rin lang ang kasama ko dito sa clinic pati na rin si Hizaku.

Bigla akong napatingin sa pintuan ng bumukas yun kaya muntik na akong matumba dahil sa gulat buti na lang at naka hawak ako sa kama na hinihigaan ko kanina.

"Ariana, bakit tumayo ka agad." Ang sabi ni Hushlee kaya maging si Tyrone ay napatingin sakin at mabilis akong inalalayan.

"Gusto ko nang bumalik sa dorm." Walang ganang sabi ko at bumuntong hininga.

"Ariana kailangan mo pang manatili dito ng isa pang araw." Ang sabi ni Tyrone.

"Tyrone ayus na ako, ang kailangan ko lang siguro ay mag pahinga na lang." Ang sabi ko at tumingin sa ibang royalties.

And yes they're here, bigla naman silang napayuko nang tingnan ko sila na para bang may ginawa silang hindi maganda.

"S-sorry Ariana." Ang sabay sabay nilang sabi, wala si Hunter kaya hindi ko siya nakita.

"Sorry for what?" Cold kung sabi, dahilan para mapa atras sila, bigla na ring umiyak si Hushlee at Frylah, kaya napabuntong hininga ako bago nag salita.

"Kung iniisip nyo na galit ako sa inyo. Yes, galit ako." Walang emosyon kung saad.

"Pero wala akong karapatan magalit dahil hindi naman tayo mag kakaibigan." Tumingin ako kay Frylah na ngayon ay nakayuko parin.

"I'm sorry Ariana sa mga nagawa at na sabi namin sayo." Ang sabi ni Frylah at tumingin na rin sakin, humingi rin ng sorry ang iba pa at tumingin na rin silang lahat sakin, mukhang hinihintay nila ang sasabihin ko.

"Past is past, wag nyo nang balikan." Agad na rin akong nag lakad palabas ng clinic kaso nagulat na lang ako ng pag bukas ko ay tumambad sakin ang mukha ni Hunter, muntik pa kaming mag ka halikan dahil dun.

"The heck!" Inis kung bulong pero narinig ata ng binata dahil narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"Ariana, I just want to say sorry about what I say and what I did with you." Ang malumanay niyang sabi, yung walang halong cold sa boses, at ramdam ko din sa pag hingi niya ng sorry ang pag sisisi.

Pero dahil hindi ako marupok, ay hindi ko siya sinagot at nilagpasan na lamang hindi tulad ng nag babasa, ang rupok pag dating kay jowa charrr.

"Bakit nakangiti ka Ariana?" Ang sabi ni Hizaku na nakasunod pala sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ako ngumiti okay?" Inis kung sambit pero tumawa lang siya.

"Alam ko na, crush mo na si Hunter no?" Binilisan ko na ang pag lalakad ko kaya tumawa pa ng lalo si Hizaku tsk.

Pag dating ko sa dorm ay agad na akong pumasok sa kwarto at saka dumeretso na rin sa banyo para maligo.

Pag katapos ay nag bihis na rin at saka nag timpla ng kape, hindi na muna ako papasok sa klase. Gusto ko munang mag relax nang aking sarili, at kung pwede lang ay gusto kung makasama sila ama't ina bago ako mawala sa mundo na to.

Walang kasiguruhan kong mabububay pa ako pag katapos ng digmaan kaya ngayon pa lang gusto ko ng sulitin ang araw ko dito.

"Hizaku..." Tumingin naman sakin si Hizaku kaya ngumiti ako ng tipid.

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now