Chapter 25

1.5K 43 0
                                    


⚜⚜⚜

[𝐇𝐔𝐍𝐓𝐄𝐑'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

"ARIANA!" Iwan ko ba kung anong mararamdaman ko, kung maiiyak ba o ano.

Binuhat ko si Ariana at saka nag teleport sa clinic, sumunod naman ang ibang royalties sakin.

"Nurse!" Malakas na sigaw ni Tyrone, dahilan ng pag lapit samin ng dalawang nurse.

Agad naman nilang tiningnan ang kalagayan ni Ariana, sinubukan nila itong i heal, pero walang nangyari. Lahat kami ay nag aalala na sa kanya.

Napatingin ako sa pusa na pumasok mula sa pintuan. Ito yung, sinabi ni Ariana na ang pangalan ay Hizaku.

Biglang bumukas ang pintuan at bumungad sina King Kredaurus and Queen Athena.

"How is she?" Ang tanong ni Queen Athena.

"Mahal na Reyna ang nangyari sa kanya ay kakaiba, dahil ang usok na bumalot sa katawan niya ay siyang dahilan kung bakit nawalan ng hininga si Ms. Ariana, walang lason o ano pa man ang makikita sa katawan niya." Ang mahabang sabi ng nurse.

"Baka pang patulog lang naman yon." Ang sabi ni Nathan, dahilan para batukan ito ni Hushlee.

"Ang gago mo talaga, mawawalan ba ng hininga si Ariana kung pang patulog lang yon." Inis na sabi ni Hushlee.

"Hayaan nyo na munang mag pahinga si Ariana, mas better kung sa dorm niya na lang siya mag pahinga." Ang sabi ni King Kredaurus sa kalmadong boses lamang.

Ganun na nga ang ginawa ko, binuhat ko na lamang si Ariana.

"And wait a minute Hunter, pumunta kayong lahat ng royalties sa head master office." Yun ang sabi ni Queen Athena bago ako nag teleport, may mahalaga atang sasabihin.

Inihiga ko si Ariana sa kama niya, nang dumating kami sa dorm niya, tiningnan ko muna ng ilang minuto ang mukha niya bago ko siya iniwan.

Nag teleport na lamang ako sa head master office gaya ng sinabi ni Queen Athena.

Andun na rin ang ibang royalties. Ako na lamang ang hinihintay, maging ang ibang King and Queen ay naka upo sa sofa.

Malawak naman kasi ang head master office.

"Anong pag uusapan?" Seryosong sabi ko sa kanila. Hindi agad sila sumagot at tahimik lamang.

"Merong plano ang Hari at Reyna tungkol kay Ariana." Ang sabi ni HM Lance.

"And what was that?" Ang tanong ko, sa kanila.

"Dahil na rin sa kagustuhan ni King Kredaurus at Queen Athena na malaman kung anong tunay na pag katao ni Ariana, kailangan nyong kaibiganin siya." Ang sabi ni HM Lance.

"Oo, dahil una ko pa lang pag kakita sa batang yun, iba na ang nararamdaman ko. Parang..." Hindi na natuloy ang sasabihin ni Queen Athena ng mag salita si Tyrone.

"You mean Mom, hinihinala nyo na si Ariana ang nawawalang prensisa?" Ang seryosong sabi ni Tyrone.

"Hindi malayo yun anak, dahil malakas siya, at higit sa lahat iba ang nararamdaman ng isang ina kapag nakita niya ang kanyang anak." Ang sabi ni Queen Athena, bumuntong hininga si Tyrone.

"As you wish Mom." Ang sabi ni Tyrone.

"Actually, yan din ang iniisip ko." Ang sabi ko sa kanila dahilan para mapatingin sakin ang lahat.

"What do you mean Hunter?" Ang sabi ni HM Lance.

"Hindi nyo ba napapansin kay Ariana, ang shape ng mukha niya ay parang si King Kredaurus at kamukhang kamukha din siya ni Queen Athena." Ang sabi ko dahilan para matahimik sila.

The Long Lost PrincessHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin