Chapter 40

1.4K 46 0
                                    


🍒🍒🍒

[𝐒𝐎𝐌𝐄𝐎𝐍𝐄'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

"MAHAL na hari, nag hahanda na po sila sa darating nang pag labas ng pulang buwan." Ang sabi ni Wencie. Ang anak kung babae.

"Mas mabuting mag manman ka doon at alamin mo ang bawat hakbang nila." Ang malakas na sabi ko, na dumagundong sa buong paligid.

"Masusunod mahal na hari." Sisiguruhin kung walang matitira sa kanila. Lalo na ang prinsesang yun, alam kung kayang kaya ko siyang talunin.

(Evil laugh.)

Pinatay nila ang anak ng isa sa alagad ko at pati na rin ang ama nito, pero wala na akong pakialam dun, dahil magiging akin parin ang buong magic world.

[𝐓𝐘𝐑𝐎𝐍𝐄'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

PINAGLULUTO ko ngayon si Crystaliah ng pagkain, nag request kasi siya na gusto niyang matikman ang luto ko, marunong naman ako kahit papano.

Hanggang ngayon parang hindi parin ako makapaniwala, na siya ang kapatid ko. Kaya pala ang gaan ng loob ko sa kanya at kakaiba ang nararamdaman ko noon. Feeling ko matagal kona siyang kilala at nakasama.

"Ariana, ito na." Inilapag ko ang niluto ko sa harapan niya, agad niya naman itong tinikman na parang bata.

"Ang sarap pala ng luto mo kuya, grabe!" Ang manghang saad niya kaya napatawa ako at ginulo ang buhok niya.

"Grabe ka kuya ang hirap suklayin ng buhok ko tapos, guguluhin mo pa." Ang nakangusong sabi niya.

Ang ibang royalties ay wala dahil may ipinagawa sa kanila si HM Lance hindi na ako sumama dahil gusto kung sulitin ang araw na wala pang labanan na mag gaganap, habang kasama ang kapatid ko, sayang nga kung alam nila mom and dad ito ay marahil matutuwa rin sila.

Pero sa ngayon ay lihim muna ang lahat, dahil yun ang sabi ni Ariana, kung pwede nga daw wag siyang tatawaging Crystaliah kundi Ariana na lamang.

"Ano na kuya, nakatitig ka lang sakin? Uwu nagagandahan ka sakin noh?" Napatawa naman ako dahil sa inasal niya, parang hindi kasi siya si Ariana noon na nakilala namin.

"Maganda ka naman talaga Ariana, sobrang ganda." Ang sabi ko, bigla kaming napatingin sa pusang, tumalon sa tabi ni Ariana at tila ba nang hihingi ng pagkain.

"Oh ayan, gutom kana rin?" Ang natatawang sabi nito, pinapanood ko lamang siya sa mga galaw niya.

Parang hindi pa ako ready na mawala siya, ayuko pang mawalan ng kapatid na ngayon ko lang ulit nakilala at nayakap. Ayukong mangyari ulit ang nangyari noon.

"Tulala ka na naman kuya? Anong iniisip mo?" Ang takang sambit niya, iwan ko ba pero ang daming pumapasok sa isip ko ngayon.

"Wala, tapusin mona lang ang pagkain mo. Gusto kung lumipad kasama ka. Payag naman si Hizaku diba?" Ang ngiting sambit ko, kaya naman umu-o ito.

***

"WOAAAH!!!" Ang malakas na sigaw ni Ariana sa kalawakan na tila ba walang problema, ang saya saya rin ng mukha niya ngayon.

"Hizaku, balik tayo sa gubat na may sumpa." Ang masayang ani nito, ngunit parang ayaw ni Hizaku mangyari yun.

"Gubat na may sumpa?" Ang takang sambit ko rin na ikinatango ni Ariana.

"Oo, yung may itim na bulaklak." Ang muling sabi nito, sa huli ay walang nagawa si Hizaku kundi ang sundin ang sinabi ni Ariana, pumunta nga kami sa gubat na may sumpa.

Ito yung first time kung makapunta dito. Ang masasabi ko lang sobrang ganda rito, ang sarap tingnan ang tubig na bumabagsak mula sa taas.

"Teka, wala na yung itim na rosas." Ang rinig kung sabi ni Ariana at tila ba may hinahanap sa kung saan.

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now