Prologue

4.8K 72 3
                                    

𝐏𝐑𝐎𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄

"Anak kakain na lumabas kana nga jan sa kwarto mo, lagi kana lang jan nakamukmok mag hapon?" Ang sabi ni Mommy kaya naman napabusangot ako ng mukha ko.

"Mommy pwede ba mamaya na lang? May gawa pa ako." Ang sabi ko saka bumuntong hininga, ang totoo kasi wala naman talaga akong ginagawa, ayuko lang lumabas sa kwarto, baka kasi makita ako ni Mommy na mayroong pinagbago.

"What?! Ano bang ginagawa mo anak tutulungan na kita..." Ang sabi ni Mom at kinatok pa ang pinto.

"Arrrghh fine lalabas na." Ang sabi ko at saka tumayo na para kumain.

Pero nagulat si Mom ng makita niya ang totoong hitsura ko.

"Ariana, anong nangyari sayo? Bakit nag ka ganyan ka." Ang gulat na sabi ni Mom.

"I don't know why, naging ganito na lang to, pagkatapos kung makipag away kahapon sa school." Ang sabi ko at saka inunahan na si Mom na pumunta sa kusina, pero sumunod naman siya sakin ng puno ng pagtataka at puno ng kaba.

"Siguro ito na yung tamang oras para malaman mo kung sino ka ba talaga." Ang sabi ni Mommy at saka tiningnan ako ng seryoso saking mga mata.

"Ano naman yun, Mom siguraduhin nyo lang na maganda yan."

"Sandali lang may kukunin lang ako sa kwarto, kumain kana muna jan." Ang sabi niya at umalis na.

Pag balik niya ay may dala siyang isang kulay gold na box, hindi ko alam ang laman nun, duhhh syempre ngayon ko lang yun nakita.

"Ano naman yan?" Ang sabi ko at saka sumubo ng pagkain.

"Para sayo to." Ang sabi niya at nilapag sa mesa ang box, maganda ang design niya, napapalibutan iyon ng white crystal, then ang ibabaw ay may drawing ng crown princess at may drawing din ng isang kaharian na sobrang ganda, saan kaya to nakuha ni Mommy?

Matapos kumain ay kinuha ko ang box at pumunta sa kwarto. Ang sabi ni Mommy wag ko daw itong iwawala dahil ito raw ang pinaka importante na dapat lagi kung dala.

"Ariana, you have to go!" Ang sabi ni Mommy at hingal na hingal pa.

"What? Why?" Ang nagtatakang sabi ko kay Mommy, pero tanging iling lamang ang sagot niya sakin.

"You need to go now Ariana wala ng oras para mag paliwanag pa, lumabas kana, jan ka sa bintana ng kwarto mo dumaan, go!!!" Ang sabi niya at tumulo ang luha niya sa mga mata niya, kinuha ko ang bag ko na may laman na box na binigay niya sakin, at kahit naguguluhan ay lumabas ako sa bintana at tumakbo papalayo.

Andito ako ngayon sa likod ng isang malaking puno nakatingin sa bahay namin na sunod sunod na pag sabog ang nangyari.

What the f*ck! Anong nangyari? Paano si Mommy? Arrrghhh napaka sama kung anak para iwan siya dun mag isa?

|𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐏𝐑𝐎𝐋𝐎𝐆𝐔𝐄|

𝚃𝚑𝚒𝚜 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚢 𝚠𝚊𝚜 𝚖𝚊𝚍𝚎 𝚘𝚗𝚕𝚢 𝚏𝚛𝚘𝚖 𝚠𝚒𝚍𝚎 𝚒𝚖𝚊𝚐𝚒𝚗𝚊𝚝𝚒𝚘𝚗, 𝚒𝚝 𝚒𝚜 𝚓𝚞𝚜𝚝 𝚊 𝚏𝚒𝚌𝚝𝚒𝚘𝚗. 𝙿𝚕𝚊𝚌𝚎𝚜, 𝚗𝚊𝚖𝚎𝚜, 𝚎𝚟𝚎𝚗𝚝𝚜 𝚊𝚛𝚎 𝚊𝚌𝚌𝚒𝚍𝚎𝚗𝚝𝚊𝚕.

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now