Epilogue

2.1K 54 3
                                    


🌼🌼🌼

[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

AGAD akong napamulat ng mata ko ng maramdaman ko ang daliring sumusundot saking pisngi.

"My wife gising na." Ang malumanay na sambit ni Hunter kaya tuluyan ko nang iminulat ang mata ko para tingnan siya.

"Bakit ba tsk inisturbo mo naman ang tulog ko." Ang sabi ko at saka sumimangot.

"My wife birthday ng anak natin ngayon dapat masaya siya." Ang sabi niya kaya bumangon ako at saka lumabas ng kwarto.

"Oo na nga, nasaan ba siya?" Ang takang sambit ko hindi niya ako sinagot sa halip ay hinawakan niya ako sa kamay.

"Let's go, hinihintay na tayo ng anak natin." Ang sabi nito at saka ngumiti. Ang ngiti niya na lagi kong hinahanap hanap ng andun ako sa tahanan ng diyos at diyosa.

I need to sacrifice my soul para sa lahat at nag tagumpay naman ako dahil naging maayos naman ang lahat.

Iniwan ko siya kahit na masasaktan ako sa pag kawalay sa kanya, pero ito ako ngayon kasama niya na at sisiguraduhin kung hindi ko na siya iiwan pa.

"Mommy!" Ang sigaw ni Chester Ace ng makita niya kaming papalapit sa kanya. Ang dami ring studyante ang nakatingin saamin habang nag bubulungan.

Ang iba sa kanila ay masasamang salita ang naririnig ko na hindi ko na lamang pinag tuunan ng pansin.

"Mommy I want to meet lola and lolo please?" Ang sabi nito kaya napatingin ako sa tabi ko upang sabihin niyang oo at tumango naman siya.

"HIZAKUUU!!!" Ang malakas na sigaw ko sa kalangitan agad kong nakita ang papalapit na dragon saamin, bali lima silang paparating
sila ang alaga ko sa tahanan ng diyos at diyosa, simula kasi ng isakripisyo ko ang sarili ko para sa lahat at mapunta ako sa langit ay pinag aralan kona ang pag likha ng mga hayop. Ang rami kona rin alagang dragon sa tahanan ng diyos at si Hizaku ang nag babantay sa kanila.

"Gusto naming pumunta sa Crystal Kingdom." Ang kausap ko sa kanya gamit lamang ang aking isip, kasama namin ang ibang royalties at nakasakay naman sila sa ibang dragon.

"I can't believe this, totoo ikaw ang lumikha ng mga dragon na to Ariana?" Ang hindi makapaniwalang sabi ni HushLee, tumango lang ako bilang tugon.

Agad na rin naman kaming sumakay, si Chester Ace ang nasa unahan at sumunod naman si Hunter at nasa hulihan lamang ako.

Excited na rin akong makita ang magulang ko, siguro hindi pa nila alam ang pag dating ko mas maigi yon dahil magiging surprise ang lahat para sa kanila ang pag sulpot ko sa palasyo.

"Ang sayaaa!" Ang sigaw ni Chester Ace habang nakataas pa ang dalawang kamay kaya napangiti ako dahil dun, sobrang saya ko ng dumating siya sa buhay namin.

"My wife are you okay?" Ang sabi ni Hunter sakin, hindi ako sumagot at sa halip ay yumakap lamang sa kanya.

"I'm so excited to see lola and lolo." Ang sabi ni Chester Ace sobrang ingay niya sa unahan kaya natatawa na lamang ako dahil sa ginagawa niya.

Ang saya ko dahil sa kabila ng nangyari sa akin at sa maraming pag subok ay hito ako ngayon kasama ang mag ama ko at masaya habang naglalakbay papunta sa magulang ko.

[𝐓𝐇𝐈𝐑𝐃 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

MAG kasama ang hari at reyna sa kanilang trono habang hindi nag papansinan, palaging ganun ang kanilang ginagawa kapag na aalala nila ang nangyari sa kanilang anak.

"MahaL na hari mayroon po kayong bisita." Ang sabi ng isang kawal at binuksan ang pintuan. Agad pumasok ang hari ng fire kingdom at kasama nito ang asawa nito.

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now