Chapter 6

1.7K 50 0
                                    

|𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐗|

🖤🖤🖤

[𝐓𝐘𝐑𝐎𝐍𝐄'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

Hi I'm Tyrone Nics Demonnah 17 years old, ako ang kapatid ni Crystaliah Monnahell Demonnah ang nawawalang prinsesa. Andito kami ngayon sa harap ng isang bahay kung saan sinasabi ng HM na dito daw nakatira yung bata na may kakayahang HEALING POWER.

"Sigurado ba kayo na dito talaga yung tumpak na address kung saan nakatira yung batang yon." Ang sabi ni Steffany kaya napatingin ako sa kanya.

"Ito ang sinabi ni HM na exact address." Ang sabi ko naman at saka tumingin sa bahay.

"Oo nga kailangan natin i-try para malaman natin." Ang sabi naman ni Frylah.

Ako na ang pumindot ng door bell dahil hindi naman alam ng mga kasama ko kung ano yun. Actually natuto lang naman ako kay tita Merlie. Biglang lumabas ang isang lalaking naka uniform, mukhang guard siya ng bata.

"Ano po yun mga sir and ma'am." Ang sabi nito at isa isa kaming tiningnan.

"Andyan po ba si Mr. Alvarez kailangan po namin siyang makausap." Ang sabi ko pero nag aalinlangan pa siyang tumango.

"Saglit lamang po." Aalis na sana siya ng biglang gamitan ni Hunter ng pampatulog ang guard gamit ang kapangyarihan niya kaya nagulat kami dun.

"Bakit mo ginawa yun?" Tanong ko rito.

"Hindi nyo ba napapansin na halatang may tinatago sila." Ang sabi niya at saka nauna nang pumasok sa gate dahil nakabukas naman ito, sumunod na lamang kami dahil siya ang leader ng grupo namin.

Hindi nag alinlangang pumasok si Hunter sa loob ng bahay, pag pasok namin ay may isang batang lalaki ang nag lalaro sa mga laruan habang nakabukas ang TV. Lumapit si Frylah sa bata.

"Tyrone kayo ng bahala tumingin sa paligid kami na ang bahala sa bata." Ang sabi ng mga babae kaya napatango naman kaming mga lalaki, mabilis akong umakyat sa second floor at saka tiningnan kung may tao ba dito, pero wala naman, si Hunter ay tumitingin din sa ibang kwarto. Ang ibang lalaking royalties ay nag mamasid sa paligid.

"Parang may mali dito." Ang sabi ni Hunter. Andito na kami sa sala napapalibutan ang batang lalaki.

"Sino ang kasama mo dito bata?" Tanong ni Denver.

"S-sila po..." Ang sabi ng batang lalaki at itinuro ang mga rebulto na ngayon lang namin napansin, naging alesto ang lahat.

Si Frylah at Steffany naman ang nag bantay sa bata.

"I know it, nag papanggap silang isang statue." Ang sabi ni Samantha.

Mabilis akong lumapit sa isang statue at saka ito pinatamaan ng Fire ball, gumalaw ito maging ang ibang statue ay gumalaw na rin at handa na kaming kalabanin.

"Isa silang mga darkians." Bulong ni Frylah kaya naman tumingin ako sa mga mata nito at tama nga dahil lahat pula ang mata nila.

"Sige, kayong mga babae itakas nyo na ang bata kami nang bahala dito." Ang sabi ni Hunter kaya napatango naman ang mga babae at sabay sabay na nag teleport.

"Mga walang hiya kayo wag nga kayong mag panggap na statue tsk ang papangit nyo." Ang sabi ni Nathan at saka hinampas ng espadang gawa sa dahon ang isang statue. Mabilis itong gumalaw at saka nag pakawala ng itim na usok mula sa kamay nito.

Si Hunter naman ay pinapatamaan ng sabay sabay ang nasa harapan niyang kalaban. Ang kulay ng apoy na lumalabas sa kamay niya ay nag halong pula at blue na kulay nakakamangha nga kasi ang ganda.

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now