Chapter 37

1.4K 40 0
                                    


☄☄☄

[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

ANDITO kami sa rooftop, lahat kami ay nandito mag kakasama, dito kasi nila naisipan tumambay dahil daw malakas ang hangin at mapresko.

"Ang saya kung ganito lang tayo palagi." Ang sambit ni Frylah, habang kumakain ng ice cream. Lahat naman kami may hawak ng ice cream, alas dose pa lang kasi kaya mainit.

"Ariana, pwedeng mag tanong kung nasaan ang totoong magulang mo?" Ang sabi ni Tyrone, kaya naman natahimik ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Pero sinagot ko parin ang katanungan niya.

"Andito ang totoong magulang ko." Ang sabi ko at huminga ng malalim, siguro ito na din yung tamang oras para malaman nila ang storya ng buhay ko. Isang linggo na lang ay lalabas na ang pulang buwan, at mag gaganap na ang digmaan. Siguro nga dapat na nilang malaman kung anong totoong takbo ng buhay ko.

Nakita kung na curious sila sa susunod na sasabihin ko kaya naupo ako ng maayos sa upuan dito, katabi ko si Hunter at seryosong nakikinig lamang sakin.

"Ang totoo niyan, dito naninirahan ang magulang ko sa mundo ng fantasy, pero lumaki ako sa mundo ng mga tao, inampon lamang ako ng kinikilala kong magulang, hindi ko rin alam ang totoong nangyari ng makuha niya ako pero isa lang ang sasabihin ko, minahal ko ang mommy ko, noong mag edad anong labing-anim marami na akong nararamdaman saking katawan, at iyon pala ang taglay kung kapangyarihan na gusto ng kumawala sa katawan ko." Ang seryosong sabi ko, huminga muna rin ako ng malalim at pilit na inaalala ang nangyari ng mawala si mommy.

"Pag edad na labing-anim, madalas na rin akong mapa away, hanggang sa dumating sa point na kailangan ko nang iwan si mommy. Isa akong gangster sa mortal world, pero hindi ko man lang nagawang iligtas si mommy ng patayin siya ng darkians." Ang galit kong sabi, dahilan para kumunot ang noo nila.

"Ang ibig mong sabihin, ay alam mo na bang darkians ang pumatay sa mommy mo ng mangyari yun." Ang tanong ni Tyrone sakin, umiling naman ako dahil dun.

"Hindi ko pa alam ang totoo nun, dahil hindi ko pa alam ang totoong ako. Basta namatay si mommy ay nakita ko ang isang lalaking nakamasid sa pangyayaring iyon. Bago mag ganap ang pag kamatay ni mommy. Ay may nag bago sa sarili ko, ang buhok ko ay nag iba ang kulay maging ang mata ko ay ganun na rin, napunta ako sa mundong ito nang umalis ako sa bahay at napadpad sa punong iyon sa gubat, iba ang uri ng puno na yon." Tahimik lamang silang nakikinig sakin, alam kung enteresado sila sa storya ko, dahil matagal na ay hindi ko parin na ikwento sa kanila.

"Andito ako sa mundong ito para makilala ang magulang, at gusto kung itanong kung bakit nila ako iniwan, pero ngayon naiintindihan ko na, dahil naka saad sa libro ang totoong nangyari sakin." Tila nagulat silang lahat sa sinabi ko pero nanatili parin silang tahimik, sari-saring emosyon din ang nakikita ko sa mga mata nila at mukhang naguguluhan sila.

"Andito rin ako sa mundong ito para sa mission ko, mission na pwedeng tumapos sa buhay ko." Ang malungkot kong sabi, iwan ko ba pero parang ayaw kona lang mag ganap ang digmaan, parang ayaw ko na lang na mag ganap ang pag salakay ng darkians sa white magician, pero wala ei. Ito yung naka takda sa prophecy walang pwedeng mag bago.

Mamamatay ako at ang kapalit nun ang ikabubuti ng mundong ito.

"A-anong mission Ariana?" Ang nauutal na sabi ni Hunter, hinawakan niya rin ng mahigpit ang kamay ko, na tila ba ayaw niya na akong pakawalan.

"Ang mamatay sa digmaan. Ang ipaglaban ang white magician laban sa darkians." Lahat sila ay nagulat dahil dun.

"What do you mean?"
"Anong ibig sabihin nun Ariana?"
"Hindi ka mamatay Ariana."

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now