Chapter 2

2.1K 55 1
                                    

|𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐎|

**✿❀    ❤ ❀✿**

[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

Nagising ako ng makaramdam ako ng kakaiba sa sarili ko. Inilibot ko ang paningin ko at tyaka ko na realize na kailangan ko nang matutulugan para mamaya. Nagugutom na din ako.

Nag lakad ako palayo sa garden, para mag tanong tanong. Madami na ang studyante na nag kalat kaya naman lumapit ako sa isang babaeng studyante.

"Hi? Can I ask anong lugar to?" Ang tanong ko dito, tumingin naman ito sakin.

"Bakit di mo alam to? Hindi ka ba studyante dito." Ang sabi niya at tiningnan ang buong katawan ko, parang nag tataka dahil sa sinasabi ko.

"Ito ang Crystaliah Academy kung saan nag aaral ang mga white magician. Ang mga magician ay may kakayahan o powers." Ang sabi niya kaya naman napataas ako ng kilay, anong kabobohan ang sinasabi ng babaeng ito?

"Powers? Anong klaseng powers... alam mo sa TV lang yan nag e-exist." I said and rolled my eyes.

"Kung hindi ka naniniwala hindi kita pipilitin, saan ka ba kasi nang galing?" Ang takang tanong niya, tiningnan ko lang siya.

"If you want to enroll here, pumunta ka sa HM office... deretsuhin mo lang ang daan na yan tapos makikita mo ang isang malaking gold door at kumatok ka doon." Ang sabi niya saka ngumiti ng matamis.

"Tsk!" Iniwan ko na lamang siya doon at nag lakad papunta sa HM office daw.

Malayo ang nilakad ko para marating ang HM office, sobrang laki kasi ng lugar na to. Ang gaganda pa ng mga bulaklak. I want this place. Yung peaceful lang at walang problema.

Nang makarating ako sa pinto ng HM office ay kumatok na ako.

"Come in." Binuksan ko ang pinto saka pumasok na, duhh alangan naman lumabas diba?

"What can I do for you?" Ang sabi ng lalaki at saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Gusto kung mag enroll." Cold na boses na sabi ko sa kanya kaya naman nagulat siya at muntik pang mahulog. Gusto ko sana matawa sa hitsura niya kaso wag na lang.

"A-anong p-pangalan mo..." Ang sabi niya at nauutal pa. Anong klaseng lalaki to?

"I'm Ariana Demon Enriquez 16 years old." I said in a cold voice.

"What!!?" Ang sabi niya at napatayo sa pag kakaupo at gulat na gulat na nakatingin sakin, tinaasan ko lamang siya ng kilay.

"Anong nakakagulat doon tanda?" Ang sabi ko at inaasar siya.

"Nothing... I just want to say na enroll kana, bukas mag sisimula kana sa klase, this is the key of your dorm, andyan din ang mapa ng buong academy upang hindi ka mawala... pati na rin ang schedule ng klase mo." Ang sabi niya kaya tumingin ako sa mga bagay na binigay niya at tumango na lamang.

"By the way I'm the head master of this Academy. You can call me HM Lance." Iniwan ko na lang siya na nag sasalita, tsk dami pa sinasabi.

Tumingin ako sa mapa at dito pa lang ay makikita na sobrang lawak nga talaga ng school na ito.

"Can I ask?" Ang tanong ko sa babaeng naglalakad, gusto ko lang itanong kong saan ang daan papunta sa dorm na ito, parang mahihilo ata ako kakalibot dito pero di ko parin mahanap hanap, tsk walang kwentang mapa.

"What?" Sabi ng babae at tinarayan pa ako.

"Gusto ko lang itanung kong saan ang daan papunta sa dorm na i–" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng mag salita na ito.

The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now