"Ganoon din po ako." seryoso kong pahayag. Diretso akong tumingin sa kanila. "Natapos na din po ang imbestigasyon at nalaman ko po ang lahat."

"Ang alin, Rini?" nagtatakang tanong ni Cederic.

"Na buhay pa ang dating emperatris ng Cyan." walang paligoy-ligoy kong sagot.

Tulad ng inasahan ko, nabigla ang mga Eryndor, pero hindi sobrang gulat. Sa ipinakita nila, tila inaasahan nila ang pagkakataon na ito. O ako nalang talaga ang hindi nakakaalam? Subalit, naiitindihan ko din naman sila. Buhat na nakabalik ako dito sa Cyan, marami na rin ang nangyari. At isa pa, masyado kaming abala, ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na makausap sila ng ganito kaseryosong usapin. Hindi ako nagagalit sa kanila, 'yon lang.

"Ang prinsesa ng Azmar, si Prinsesa Unva ang nagsabi sa amin na buhay pa ang ating ina, Rini." malungkot na wika ni Raegan. Humalukipkip siya. "Noong una, hindi kami makapaniwala. Tandang-tanda ko noong bata pa ako kung papaano tuluyang binawian ng buhay si ina ng panahon na 'yon. Kahit ang mahal na emperador, hindi... Sa harap ng mga tao ay sinabi niya ang katotohanan... Lalo na't ginawa niyang alipin ang dating emperatris."

Iyon ang nagtrigger sa akin para umahon ang inis at galit sa aking sistema. Nanlaki ang mga mata ko. "A-ano? G-ginawang alipin si mama?" sambit ko na hindi makapaniwala. Kinuyom ko ang aking mga kamao. Nag-umpisa nang manlisik ang aking mga mata. "Buhay pa ba ang babaeng 'yon?"

Marahang pumikit si Cederic. "Wala na siya, Rini. Nang mga araw na nawawala kayo ng Prinsipe Otis, tagumpay namin siyang nadakip, kasama ang kaniyang kapatid na si Reyna Qratanya. Sa gitna ng paglilitis ay nakitil namin ang buhay niya." pagpapaliwanag niya.

Tss. Sayang.

"Pero iba naman ang gustong mangyari ng dating Reyna ng Azmar." sunod na wika ni Vencel. Now, we're paying more attention. "Nais niyang maging babae siya ng prinsipe na tagapagmana ng Thilawiel." sa tono ng pananalita niya, tila hindi nais na sambitin ang bagay na 'yon, lalo na't mas lumamig ang kaniyang boses.

Muli na naman kaming nawindang ni Otis. Mabilis kaming nagkatinginan. "Gusto niyang babae mo, Otis." kumento ko.

Mabilis siyang umiling na kunot ang noo. "Ayoko." humalukipkip siya. "Sapat na sa akin na ikaw lang ang asawa ko, my rose."

"Kahit na nasa batas ninyo na maaari kang mag-asawa hanggang pito?" taas-kilay na tanong ni Raegan sa kaniya.

"Hindi talaga ako papatol sa kaniyia. Bakit ko naman aasawahin ang reyna ng bansang gumulo sa pamilya ko? Kahit na kabaliktaran pa ang nangyari, hinding hindi mangyayari 'yon." saka umirap siya.

Inilapat ko ang mga labi ko. Nag-uumpisa na siyang magsuplado. Kahit ako ay alam ko na maaaring mag-asawa ang mga Pamilyang Imperyal hanggang pito---tulad nalang nang nalaman ko sa Jian Yu. Pero, ipinagtataka ko lang kung bakit hindi na nag-asawa pa ang mga Emperador, maliban lang kay Emperador Kron ng Oloisean na sa pagkakatanda ko ay may babae ito nang tanungin ko si Vencel tungkol sa presensya nina Luth at Heidi noon. Gayundi ang emperador ng Severassi, si Emperador Nerius. Pero sa narinig kong kasagutan mula kay Otis, ramdam ko na nagdiriwang ang puso ko. Hindi ko akalain na kahit na may nakahain na sa kaniya nang magandang oportunidad ay walang alinlangan niya itong tinanggihan.

Lihim ako napangiti.

"Siya nga pala, Prinsesa Styriniana..." tawag sa akin ni Panginoong Miriel. Tumingin ako sa kaniya. Kita ko ang maliit niyang ngiti. "Siguro ay ito na ang tamang panahon upang sabihin ko din sa 'yo ang isa ko pang sadya..."

Isang nakakabinging katahimikan nag bumalot sa buong silid. Pareho kaming inaabangan ang susunod niyang sasabihin.

"...Ako, si Miriel, ang Panginoon at Pinuno ng mga diyos at diyosa ng mundong ibabaw, babasbasan sa unang pagkakataon ang isang dugong-bughaw at ikaw 'yon, nag-iisang prinsesa ng Cyan, Prinsesa Styriniana at ang asawa nito, ang prinsipe na tagapagmana ng Thilawel, ang Prinsipe Otis."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon