Medyo natigilan siya sa balitang hatid sa kaniya ng pinsan. Maski siya ay hindi niya inaasahan na agad siyang pupuntahan ng mga tinutukoy na mga basalyo ng kaniyang ama. Sa totoo lang ay mas napaaga ang pagdating ng mga ito kaysa sa inaasahan niya. Marahan siyang pumikit. Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Kung 'yan ang nais nila ay wala akong magagawa, Masonesa Alva."

Matamis itong ngumiti sa kaniya. "Kung 'yan ang pasya mo, ipapasabi ko nalang sa mga mayordomo na ayusan ka na nila. Kailangan ay presentable ka sa harap nila. " natigilan ito nang may napagtanto ito. "Ay, huwag mo sana masamain, Duke Houstin! Maganda naman ang kasuotan mo ngayon pero sadyang---"

Mahina siyang tumawa. "Walang problema, Masonesa. Naiitindihan ko. Wala kang dapat ikabahala pa."

"S-sigurado ka...?"

Tumango siya. "Oo naman, at isa pa, naituro na sa akin mismo ni Prinsesa Rini at Ginoong Caldwell ang mga kalakaran. Lalo na ang mga tuntunin ng magandang asal. Sisikapin kong hindi kayo madismaya sa ibinigay ninyo sa aking malaking oportunidad." malumanay niyang pagpapaliwanag.

Tila nakahinga ng maluwag si Masonesa Alva sa kaniyang sinabi. "Ikinagagalak kong marinig ang mga bagay na 'yan mula sa 'yo, Duke Houstin. Alam kong maipagmamalaki ka ng dating duke, kahit nabubuhay pa siya."

"Kapag may oras mamaya, maaari nating siyang bisitahin."

**

Seryoso akong nakatitig sa hardin ng Palasyo. Hindi lang ako, kahit si Otis ay seryoso din ang tingin niya sa direksyon kung saan ako nakatingin. Pagkatapos naming magmeryenda ay dumiretso na kami sa susunod na magiging trabaho namin. Mabuti nalang ay hindi pa nagawang galawin ang lugar na ito buhat ng insidente na 'yon. Sa oras na ginalaw na agad nila ito, tiyak mawawala ang mga ebidensya na hinahanap namin. Subalit, hindi pa rin ako makapaniwala, sa laki ng isinira ng hardin, masasabi kong malalakas nga ang babaeng nakakapa at ang lalaking nakasagupa nito. Napukaw din ng aking atensyon ang natumbang puno. Napapaisip ako kung sino ang natalo sa kanilang dalawa? Ang babaeng nagligtas kina Nesta o ang lalaking nagbabalak na kumuha sa magkakambal?

Pero palaisipan pa rin sa akin kung ano ang pakay niya sa mga anak namin ni Otis. Mga sanggol palang ang mga ito at wala pang muang sa mundo at talagang nagbabalak siyang galawin ang mga ito? Ang kapal ng mukha!

Nagbuntong-hininga ako. Kusang naghiwalay ang mga landas namin ni Otis. Sisimula na namin ang pag-iimbestiga. Nagbabakasakali kaming makahanap ng sapat na ebidensya. Kailangan ko rin malaman ang pinagmulan ng babaeng nagligtas sa ladies-in-waiting ko. Natitiyak ko na malakas siya.

Nilapitan ko ang puno, habang si Otis naman ay sa mga nasirang halamanan. Ilang minuto pa ang iginugol namin para mapag-aralan 'yon. Sa huli ay nagsalubong kaming dalawa upang magpalitan kami ng opinyon sa kung ano ang natuklasan namin.

"My rose," tawag ng aking asawa.

"May nahanap ka ba?" pormal kong tanong.

Bago niya ako sagutin ay may ipinakita siya sa aking dahon. Agad 'yon pumukaw ng aking atensyon. Kusang naningkit ang aking mga mata. "Sa tingin ko ay may hawak silang sandata... O isa man sa kanilang dalawa." seryosong pahayag niya.

Tumango ako. Binalingan ko ang puno. Natigilan ako nang may sumagi sa aking isipan. Ibinalik ko kay Otis ang aking tingin. Napalitan ng pagtatakang tingin na iginawad niya sa akin. "May susubukan lang ako, Otis."

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Anong ibig mong sabihin?"

"Mas maliliwanagan tayo kung ano talaga ang nangyari kapag ginamit ko ang kapangyarihan ko." saka humakbang muna ako palayo mula sa kaniya.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon