They flinched as I said those words. Nababasa ko sa mukha nila ang pag-aalangan at pagkabahala. Naroon din ang takot na baka gawin ko nga ang bagay na 'yon.

"Huwag." bigla kong narinig ang boses ni Emperador Shan.

Namumungay ang mga mata ko habang tumitingin ako sa kaniya.

"K-Kamahalang Imperyal..." nag-aalalang tawag sa kaniya ng mga pinamumunuan niya.

"Mas mabuting huwag na huwag kayong lumaban dahil wala tayong laban sa kaniya dahil siya lang ang bukod-tanging sumakop ng Prerradith... At siya din ang bumura ng angkan ng mga Munir." seryoso siyang nakatingin sa akin pero alam kong kinakausap niya ay ang mga opisyal, lupon at mga pantas. "Hindi siya nagbibiro sa kaniyang pagbabanta, sapagkat ay bunsong-anak nga siya ng pinakamalakas na emperador... Si Emperador Vencel ng Cyan."

"Pero..."

Marahan siyang pumikit. Nanatili rin akong nakatingin sa kaniya ng malamig. Tumalikwas ang isang kilay ko dahil ramdam ko pa rin ang sinseridad niya. Para bang ipinapahiwatig niya na nais niyang humingi ng tawad dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling sa akin.

Walang sabi na bumitaw ako sa kaniya. "Ayaw din kitang paslangin, Emperador Shan. Dahil unang-una, naging mabait ka naman sa akin." malamig kong turan.

Gulat siyang dumilat. Tumitig siya sa akin. "Prinsesa Styriniana..."

Binawi ko ang aking tingin saka itinuon ko 'yon sa ibang direksyon. Nagpameywang ako. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Nang nawalan ako ng alaala at kapangyarihan, hindi mo ako pinabayaan, Emperador Shan. Pinaaral, binihisan, binigyan mo ako ng tirahan at pagkain upang makatawid ako sa pang-araw-araw habang naririto ako sa 'yong teritoryo. Oo, nagpapasalamat ako pero naiinis lang ako dahil hindi mo ako magawang ibalik kung saan ako dapat at kahit na alam mong kasal na ako, nagagawa mo pa rin akong maging emperatris mo pero..." sunod ko tiningnan ang siyam na diwata na nanatiling nakatayo sa hindi kalayuan. Nakaharap sila sa akin at marahan na nakayuko. "...Nakuha ko na kung bakit ako dinala sa lugar na 'to. At sila ang isa sa mga rason." sabay turo ko sa mga diwata.

"Sila...?" naguguluhan siya sa aking sinasabi.

"Siguro ay sila ang misyon na ibinigay sa akin kaya ako napadpad sa Jian Yu. Bago man ako mawalan ng alaala, sinabi na sa akin na magkakaroon ng malaking digmaan, Emperador Shan." humalukipkip ako. "Nasabi sa akin ni Binibining Nira na kailangan ng mga diyos ng mundong-ilalim ang tulong ko dahil magigising na ang Panginoon ng mundong-ilalim" hinimas ko ang aking baba. Dumapo ang tingin ko sa lupa. "Hindi ko pa rin maitindihan..."

"Prinsesa Styriniana," biglang tawag sa akin ng isa sa mga diwata. Isa siyang lalaki. Kulay lila ang kaniyang buhok. Lumuhod siya sa harap ko. "Mukha nga po kaming mga diwata subalit, halos kapantay po namin ang mga diyos at diyosa ng mundong-ibabaw at mundong ilalim. Kung ang mga diyos na taga-mundong ibabaw ay nagagawang magpalit ng anyo bilang isang tao o hayop, kami naman po ay may kakayahan na magpalit ng anyo."

Gulat akong bumaling sa kanila. "May... Kakayahan din kayong magpalit ng anyo?"

"Opo, kamahalan. Kaya po namin maging mahiwagang sandata."

Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang marinig ko ang kasagutan. Napasinghap naman sina Emperador Shan, Prinsipe Ting Fei at ang iba pa na naririto. Anong sabi niya? May kakayahan silang magpalit ng anyo, hindi bilang ibang tao o hayop na tulad na naririnig ko kay Frostine. Ito naman ay bilang isang bagay, at talagang mahiwagang sandata pa! Ibig sabihin, sila ang dahilan kung bakit ako dinala sa lugar na 'to? Para makuha ko sila kung saang bansa sila itinago? Pero sa anong dahilan at dito sila itinago? Ang mas nabubuhayan ako ng kuryusidad ay ang nilalang na sinabi sa akin ni Liu Ai. Teka, nasaan na pala ang estatwa n'on?

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon