Marahas niyang hinawi ang kaniyang suot na roba. Itinapat niya ang isa niyang kamay sa mga tao na nasa harap. "Ako mismo ang papataw ng kautusan na dakpin ang lahat ng mga naririto! Kabilang man sa dugong-bughaw o hindi, lalo na ang ang utak ng krimen na ito!" malakas niyang utos sa kaniyang kasamahan.

Agad nagsilabasan ang kanyang mga kabalyero. Nagsitakbuhan ang mga bisita na bibili ng mga alipin, nagbabalak na tumakas. Kahit ang mga bumuo ng bahay-subastahan ay nagbabalak din tumakas ngunit hindi 'yon papalagpasin ni Otis. Nagpakawala siya ng kaniyang mahika ng anino sa mismong harap ng mga masasamang loob na nasa entablado. Tila kinagat ng dilim ang mga ito at wala nang paraan upang makawala doon.

Patuloy na nagkakagulo ang mga tao sa paligid. Ang iba pa sa kanilang kasamahan ay tinungo na ang lihim na silid kung nasaan ang iba pang bihag---kung nasaan ang piitan. Kukunin nila ang pagkakataon na ito upang palayain ang mga binihag at alipin na sina Ginoong Hayness at Nira ang gagawa ng paraan doon. Nanatili siya sa silid na ito, kasama si Elvin, na patuloy pa rin ito sa sa paghuli ng mga kriminal pero inutos niya dito na sa oras na manlaban ang mga ito, huwag na huwag sito magdadalawang-isip na paslangin na para mabawasan na ang paghihirapn nito na siya din ang pagsunod nito.

Sunod naman niyang ginawa ay nilapitan niya ang entablado. Pinakawalan niya ang mga alipin na naririto sa pamamagitan ng matalim niyang espada. Hinati niya ang mga kadena na nakakabit sa katawan nito. Kita niya kung papaano nanigas ang mga ito dahil sa takot. Dahil d'yan ay pabagsak na napaupo ang mga kababaihan sa sahig. Pansin din niya ang panginginig ng mga katawan nito dahil sa labis na takot at kaba na gumagapang sa mga sistema ng mga ito.

Nilapitan niya ito. Itinukod niya ang kaniyang tuhod sa harap ng mga ito. "Ligtas at malaya na kayo, mga binibini. Wala na kayong dapat ikabahala pa." malumanay niyang sambit.

Sinikap siyang tingnan ng mga ito. Kahit na tumingin sa kaniya ay nakita niya na nanginginig ang mga bibig. Naiitindihan niya na hindi basta-basta mabubura ang mga negatibo na nararamdaman nila sa isang gabi lang. Kung may magagawa lang siya.

Kumawala siya ng malalim na buntong-hininga. Yumuko pa siya. "Patawad... Kung ngayon lang kami. Kung nahuli kami ng dating." madamdamin niyang sambit.

Rinig niya ang pagsinghap ng mga ito. "H-hindi po... Ang to-totoo po n'yan... Labis po kami nagpapasalamat sa p-pagligtas po ninyo... S-sa amin... G-ginoo..." kahit sa pagsasalita ay sinikap pa rin ng mga ito na kausapin siya.

"Maraming salamat po... Ginoo..." sabi ng isa pa.

Isang maliit na ngiti ang ibinigay niya sa mga ito. Tumango siya saka tumayo. May tinawag siya na isa sa mga hukbo niya. Inutos niya na tulungan ang mga kababaihan na nasa kaniyang harap dalhin sa ligtas na lugar na kanilang kinuha. Na pansamantalang mananatili muna doon ang mga biktima. Malawak ang lugar na 'yon, magkakasya 'yon sa daang libong tao sa lugar na 'yon. Napag-usapan na din nila ni Emperador Audrick tungkol sa bagay na 'yon tutal ay malawak lupain na nasasakupan ng Thilawiel kaya wala silang poproblemahin kung saan nila ilalagay ang mga ito, kahit na magtayo pa ng bayan ang mga biktimang iniligtas nila bilang dagdag populasyon pa ay walang problema.

Lumabas siya sa gusali ay nadatnan niya na abala ang mga tao sa paligid. Lumapit sa kaniya ang iilang myembro ng kaniyang hukbo upang magbigay ulat sa kaniya. Na handa na ang mga ito na ihatid ang mga bilanggo na kanilang nailigtas at dadalhin sa sinasabing lugar. Nilapitan naman niya si Ginoong Hayness.

"Tapos na ang trabaho ko dito, kinakailangan ko nang umalis at babalik na ako sa Palasyo. May susunod pa akong gagawin." seryoso niyang paalam dito.

Tumayo ng tuwid si Ginoong Hayness sa kaniya. Inilapat ang isang palad nito sa dibdib at yumuko. "Labis po ako nagpapasalamat sa naitulong ninyo, Kamahalan." pormal nitong sambit.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon