"Kamahalan..." nahihimigan ko doon ang pag-aalala niya para sa akin.

"Saka nalang namin pag-uusapan ito sa oras na matapos ang laban para sa araw na 'to."

"Mag-uutos nalang din po ako ng isang manggagamot sa lugar na 'to upang ipasuri kung ano talaga ang nangyari't napabilis ang paglaki ng 'yong t'yan. Papapuntahin ko pp siya sa oras na nakabalik na tayo dito mamaya."

Tumango ako. Senyales ng pagsang-ayon. "Mas maganda nga 'yon."

**

Walang pang tatlumpung minuto ay dumating na sina Faila at Regie, dala na nila ang mga bagong damit na binili nila sa kabisera. Nang tingnan ko ang mga 'yon ay puro mga maternity gowns. Mas naging kuntento pa ako dahil magagandang kulay at mga tela ang ginamit sa mga damit na ito. Sinabi nila sa akin na sinisigurado daw nila na bawat isa sa mga ito ay magkakasya daw sa akin kaya wala daw ako dapat problemahin. Masya akong bumaling sa kanila ay labis ang pasasalamat ang ginawa ko.

Nalaman ko din na nauna na sina Ceola, Eglantine at Charisse sa Kolosiem. Ang tanging naiwan nalang talaga ay ako. Pambihira, hindi nila ako hinintay, oh! Ang akala siguro nila ay porque buntis ako ay gusto kong matulog buong magdamag kahit hindi naman talaga 'yon ang intensyon ko!

Ngayon ay mabilis nilang inihanda ang aking pampaligo at ang maternity gown na susuotin ko. Bahala na kung mapapansin nila ang biglaang paglaki ng aking t'yan basta hindi ko maaari palagpasin ang laban ng asawa at ng mga kaibigan namin. Dapat naroon ako kahit anong mangyari!

Pagkatapos kong maligo at kumain na ako. Madalian pa nga at natatakot akong mahuli sa oras. Hanggang sa pagbihis ay medyo natataranta ako pero sinisiguro nilang maalalayan at todo ang pag-iingat nila akong pinagsisilbihan. Mas natatakot sila kaysa akin.

Pasensya na anak, ayoko lang malungkot ang papa mo dahil wala ako doon para suportahan natin.

Ilang saglit pa ay inaalalayan na nila akong bumaba ang hagdan na parte ng nirentahan naming bahay-pahingahan para makalabas na kami. Tumambad sa amin ang karwahe na gagamitin ko papuntang Kolosiem. Nang makita ako ng kutsero ay agad din niyang binuksan ang pinto para makasakay na ako. Dahil medyo nahihirapan na ako ay todo suporta pa rin ng mga ladies-in-waiting ko hanggang sa nakaupo na ako ng komportable sa loob. Isa-isa na din sumakay sina Nesta, Faila at Regie. Nagbigay-senyales mismo si Nesta sa kutsero na maaari na kaming makaalis na mabilis din 'yon sinunod.

Nagsimulang umusad ang karwahe hanggang sa unti-unti na kaming nakakalayo sa pinanggalingan naming bahay-pahingahan. Pinili kong dumungaw sa bintana. Marahan namang dumapo ang mga palad ko sa aking tyan at hinimas-himas ko 'yon. Seryoso akong nakatingin sa labas. Nag-uumpisa na namang umandar ang aking isipan habang nasa byahe kami.

Tulad ng napag-usapan namin kagabi, gagawan din ako ng paraan upang mabawi namin ang isang mata ni Amhest dahil 'yon daw ang source of his magic, daw. Dahil na rin sa curiousity ko, sige tutulong ako. Gusto ko rin makita kung anong klaseng kapangyarihan na meron siya sa oras na makuha ko ang mata niya.

Marahan akong pumikit. Naglabas ako ng kakaunting kapangyarihan. Gagawa ako ng mga doppleganger ko, siyempre noong hindi pa ako buntis. Okay na siguro kahit mga limang ganoon. Uutusan ko sila na mabawi nila ang tinutukoy na isang mata. Ang iba din sa kanila ay magiging ispiya ko muna para malaman ko pa kung ano ang lihim nina Arsalan at ang asawa niya. Kung ano talaga ang balak nila. May kutob kasi ako na hindi lang ang dahilan na ako lang pumaslang sa buong angkan niya kaya naghahanap siya ng paghihiganti. May ibang rason pa.

Hindi bale, malalaman ko din 'yon. Kung 'yon ba talaga o baka maling kutob ko lang ba talaga.

Nang kompleto ko mabuo ang mga doopleganger ko ay mabilis silang nakaalis at pumasok sila sa kakahuyan. Didiretso sila sa direksyon kung nasaan ang Palasyo ng Azmar sa gayon ay maumpisahan na nila ang kanilag trabaho. Malilink din naman sa akin kung ano ang mga nakikita, naaamoy at naririnig nila. Dahil gawa sila sa hamog ay hindi ako masasaktan kung masasaktan ang mga ito.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon