"Tigil-tigilan mo ako, Aiza. Matagal na kaming wala, at casual na lang kami."

"Naku, huwag kayong magharutan dito sa kusina," biglang saway ni Auntie sa kanila saka inabutan si Aiza ng lalagyan. "Ito, i-refill mo muna 'tong lumpiang shanghai ro'n sa buffet."

"Yes po, Auntie. Si Corra po kasi nananakit," parang batang sumbong ni Aiza bago sila umalis.

Naiwan kaming dalawa ni Corra at hindi ko rin maiwasang mapangiti sa kanya na kinasimangot niya.

"Ikaw din mang-aasar?" mataray niyang sabi.

"Ang sungit nito, masama bang ngumiti?" tanong ko.

"Naku, ayaw ko kasi ng mga ganyan-ganyang asar." Biglang nagbago 'yung timpla ng itsura niya at mas lumapit sa'kin. "Nandiyan din 'yung ano mo, ah."

"Anong ano?"

"Asus, patay-malisya pa siya." Bago niya pa ako tuluyang asarin ay bigla niyang narinig ang pagtawag ng anak na si Conor kaya dali-daling umalis.

Nang mahugasan ko na 'yung mga baso, pabalik na sana ko sa living room nang biglang pumasok si Deanna at hinila ako pabalik sa kusina.

"Deanna? What's wrong?" tanong ko dahil nakabusangot ang pagmumukha niya.

In fairness din kay Deanna dahil bigla na lang siyang natauhan sa relasyon nila ng kinakasama niyang si Zul. Napagtanto raw niya na hinding-hindi siya nito pakakasalan. Nagsawa rin si Deanna sa marangyang lifestyle na walang patutunguhan kaya nagpasya siyang makipaghiwalay. Umuwi siya ng Pilipinas para magtayo ng cosmetic business.

"Remi, kung alam ko lang na papupuntahin mo si Azami rito hindi na ako magtatangkang pumunta!" at pagkatapos ay nanggagalaiti siyang nagkwento. Inis na inis siya kay Azami na halata raw na pinagmamayabang ang engagement nito sa long-time foreigner boyfriend na kasama rin nito ngayon.

Nagkaroon kasi kami ulit ng communication ni Azami matapos niya akong i-PM sa Instagram. Kaya heto, updated din siya sa pag-uwi ko sa Pilipinas at dama ko namang sincere siya na gusto ulit makipagkaibigan sa'kin. Kaya 'yung mga immature issue noon wala na sa'min 'yon.

"Kung nandito lang si Q at Olly may resbak sana ako!" daing niya pa.

Si Quentin biglang nagkaroon ng break sa Hollywood, naging cast ito sa isang sikat na TV series kaya mas lalo itong naging busy. Si Olly naman ay settled na talaga sa Italy matapos ikasal sa boyfriend nito.

Tinapik ko si Deanna. Naiintindihan kong medyo hindi pa rin siya nakakamoved on kay Zul kaya hindi niya maiwasang ma-trigger.

"Ano ka ba, Deanna, huwag mong hayaan 'yung sarili mo na ma-down. Be happy for Azami, and I'm sure darating din 'yung time na oras mo naman para maging happy." Nang sabihin ko 'yon ay parang nahimasmasan naman siya.

"Hmp! Makikita niya, kahit single ako basta magiging super duper yaman ko!" Akala ko aalis na siya pero bigla ba naman akong hinila para bulungan ako. "Pero grabe ha, pansin ko lang hindi niya pinapansin si Viggo! Siguro, kaya siya nagyayabang sa'kin kasi ang totoo niyan pinaparinggan niya lang 'yung ex niya!"

Sabay pa kaming pasimpleng sumilip sa sala at nakita ro'n si Azami na nakaangkla sa nobyo nito. Sa kabila naman ay magkadikit din sina Viggo at Honey na hindi rin nagpapadaig sa ka-sweet-an.

"Alam mo, tama ka nga," natatawa kong sabi habang nakatingin sa apat.

Hinanap ng paningin ko si Poknat at nakita siyang masinsinang nakikipag-usap kay Miggy. Hindi ko maiwasang ma-curious kung tungkol saan 'yung pinag-uusapan nila. Maya-maya'y ngumiti ang dalawa.

Hinila na 'ko ni Deanna pabalik sa living room. Kanya-kanyang kainan at kwentuhan ang mga bisita. Nilapitan ako ni Azami kaya lalong naimbyerna si Deanna. Natawa na lang ako nang mapunta ang usapan namin kung sino ba talaga ang best friend ko noong elementary.

Dalaga na si RemisonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora