Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Oh sige, basta mag-iingat ka." malungkot akong nagbuntong-hininga. "Kung pupwede lang na ako mismo ang nag-aasikaso sa 'yo."

Ikinulong ng mga palad niya ang aking mukha. Nagtama ang aming paningin. "Ayos lang, ang makita lang kita sa tabi ko na ligtas, ayos na ayos na ako." muli ako niya ako dinampian ng halik sa aking noo. "Kailangan ko nang umalis, my rose. Magkikita nalang tayo mamaya. Mahal kita."

"Sige, my rose."

Iniwan niya ako ng matamis na ngiti bago niya ako tinalikuran at naglakad na papalayo. Nakasunod sa kaniya ang mga mayordomo niya hanggang sa narinig ko nalang ang pagsara ng pinto ng kuwarto na ito. Muli 'yon tumunog 'yon, tiyak ay ang mga pumasok ay sina Nesta, Faila, Regie pati na din ang iba pang tagapagsilbi. At hindi nga ako nagkamali nang nasa harap ko na sila.

Sabay-sabay silang nagbow sa harap ko. "Binabati po namin ng magandang umaga ang kamahalan, ang prinsesa na tagapagmana, Prinsesa Styriniana." sabay-sabay din nilang bigkas.

"Kamahalan, ihahanda na po namin ang pampaligo at mga damit na susuotin ninyo," masiglang sabi ni Faila.

"Nakahanda na din po ang inyong pagkain." nakangiting sabi naman ni Regie.

Bumaling ako sa kanila na blangko ang ekspresyon sa aking mukha. Nagtataka silang tumingin sa akin. Ilang segundo pa kami nagtitigan.

Ilang saglit pa ay walang sabi na bigla tumulo ang luha. Marahas 'yon umagos sa aking pisngi. Nanlaki at nagulat sila sa kanilang nakita. "M-mahal na prinsesa...!" sabay nilang tawag sa akin, may bahid na pag-aalala.

Bigla ako nilapitan ni Nesta. "A-anong nangyayari, kamahalan?"

Napasapo ako sa aking bibig. Oh no, kahit ako hindi ko alam kung bakit bigla-bigla nalang ako naiyak, lalo pa sa harap nila! Sa halip na sabihin ko sa kanila 'yon ay ibang pangungusap ang lumabas sa aking bibig. "Iniwan niya ako... Iniwan ako ng prinsipe na tagapagmana...!" humihikbi kong sagot.

"H-ha?!"

"U-umalis siya para sa trabaho... Iniwan niya ako...!"

Nagkakagulo na sila. Natataranta na sila. Hindi nila alam kung papaano nila ako papatahan sa pag-iyak ko. Sinubukan man ni Nesta na aluhin ako pero bigo siya. Hindi niya ako magawang patahanin. Mas lumakas pa ang aking iyak.

"Ayokong iwan ako ng kamahalan! Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag iniwan niya ako...! Waaaaahhhh!" hiyaw ko pa.

"P-Pero... Mahal na prinsesa, hindi ka iiwanan ng prinsipe na tagapagmana... Saksi kami kung gaano ka niya kamahal, Prinsesa Styriniana!" bulalas ni Faila.

"At saka, h-hindi po siya mapakali kapag may hindi po kayo n-nakapag-unawan!" segunda pa ni Regie.

"Mahal na prisesa," malumanay na tawag sa akin ni Nesta. "Nasa iisang bubong lamang kayo ng kamahalan, hindi ba't nangako siyang magkikita kayo mamaya? Alam mo naman na tinutupad niya kung ano ang pangako niya sa 'yo, hindi ba?"

Doon ko tumigil sa pag-iyak. Sumisinghot-singhot akong nakatiitg sa kaniya. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi. "Hindi ako iiwan ni Otis. Hindi niya ako ipagpapalit kung kaninuman." pangunngumbisi ko sa aking sarili. "Gustung gusto ko siya. Mahal ako ni Otis. Mahal niya ako tulad ng sabi niya kanina!"

"Tama, kamahaln. Kaya hinding hindi ka niya iiwan." nakangiting wika niya.

Bigla kong niyakap si Nesta. "Nakapahusay mo talaga, Nesta. Maraming salamat!" bulalas ko.

Marahan niyang tinapik ang aking likod. "Kaya huwag ka nang umiyak, ha, mahal na prinsesa?"

Kahit na nanatili akong nakayakap sa kaniya, tumango ako. Nahagip din ng aking paningin ang pagthumbs-up nina Faila at Regie kay Nesta.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon