Habang patuloy pa rin kami naglalakad ay bumaling ako sa aking asawa. "Otis,"

Sumulyap siya sa akin habang karga pa rin niya sina Ceca at Frostine. "Hmm, bakit, my rose?"

"Napansin ko may iba't ibang banyaga na ang nadayo dito." sabi ko, may ngiti sa aking mga labi. "Mukhang unti-unti na talaga nagbubukas ang Thilawiel para sa mga nais makarating dito. Lalo na sa ganitong okasyon."

Tumango siya bilang sang-ayon. "Ah, oo. Napapansin ko. Mukhang ipinatuupad na nga mismo ng Emperador ang suhesyon mo sa harap din ng mga lupon at Opisyal."

Tahimik ako napangiti. Ang akala ko ay hindi nila magawang sundin kung ano ang mga naisip kong ideya. "Nag-aalala ako na baka wala silang balak na sundin kung ano ang maibibigay kong suhesyon, lalo na't hindi ako Thilian. Ikinabahahala ko na kalaban pa rin ang tingin sa akin."

"Pero nagawa ka nilang sundin, my rose. Susundin nila kung ano ang maiisip mong paraan at solusyon kung ito ang ikakabuti ng bansa. At isa pa, sa ayaw o sa gusto nila, kailangan ka nilang sundin dahil balang araw, kasama mo ako na pamumunuan ang Thilawiel."

"Otis..."

"Maswerte kami at kami ang pinili mo." saka tinaniman niya ako ng halik sa sentido. "Huwag ka na mag-alala."

"Mama! Papa! Ano po 'yon?!" malakas na sumingit sa usapan si Frostine sabay turo sa isang direksyon.

Napukaw niya ang aming atensyon. Sinundan namin 'yon ng tingin. Medyo umawang ang aming bibig nang makita namin ang maliwanag na direksyon na 'yon. Napansin ko ay maraming tao sa paligid pero tahimik ang mga ito. Ang tanging nangingibabaw sa lugar na ito ay mga malalakas na boses at may mga background effects. Umahon ang kuryusidad sa aming sistema kaya sinilip namin kung ano ang meron doon.

"Oh, may pagtatanghal pala." wika ni Otis. "Gusto ninyong panoorin?"

Nangingislap ang mga mata nina Ceca at Frostine sa tanong ni Otis. "Opo, papa! Gustung gusto po namin!" galak na galak at sabay nilang bulalas.

"Frostine, dito ka muna sa akin. Para mapanood ninyo ng maayos ang pagtatanghal." malumanay kong sabi.

"Opo!" saka lumipat siya sa akin para makarga ko siya. Si Ceca naman ay binuhat ni Otis para ipasakay sa kanilang magkabilang balikat ito. Humawak nang mabuti si Ceca sa kaniyang buhok para hindi siya malaglag.

"Maawa po kayo sa amin, minamahal naming emperador. Hindi po namin sinasadya na mabastos ang mahal na prinsesa!"

"Sa tingin ninyo ba kulang pa ang buhay ninyo upang mabigyan kapatawaran ang pambabatikos at pagdududa sa mapapangasawa ng unang prinsipe ng bansang ito?!"

What?

"Simulan ang pagpaparusa sa kanila! Bigyan sila ng dalawang daan na paghampas ng latigo... At pagbigti sa kanilang mga sarili!"

Wait, so ang aktingan pala nila ay ang naganap ng gabing 'yon? Ang mga panahon na paparusahan ng mismong emperador sina Faila at ang apat pa na maid? May ganoon pala?

"Anong ginagawa mo dito, Prinsesa Styriniana?"

"Nagising po ako dahil sa gutom."

WTF! Mayroon talagang gumanap na bilang ako?! Meron din bilang Otis!

"Nais ko pong humiling na pagbigyan ninyo po ng isa pang pagkakataon ang mga isinasakdal, mga kamahalan."

"Pero isang kahihiyan bilang isang Thilian ang ipinapakita nila sa iyo!" wika ng gumanap na Prinsipe Mival.

"Hindi ba mas nakakahiya kung sarili ninyong mamamayanan ang sinasaktan ninyo?"

Rinig namin ang hiyawan ng mga manonood sa binitawang salita ng gumanap na ako. Inilapat ko ang aking mga labi, sa puntong ito, gusto ko nang gumawa ng hukay at ilagay ko ang aking sarili doon. O hindi kaya magpiprisinta na akong lamunin na ng lupa dahil sa pagkahiya na aking nararamdaman.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon