Tumayo si Rosey at pumamewang. "Kaya hindi mo pinaalam yung nangyari kahapon?! Gosh! Halos himatayin na tayo sa kaba sa akalang buntis ka tapos siya walang kaalam-alam!"

"Eh ayaw ko muna ipaalam."

"Bakit hindi?!"

She was lack of words. Maski siya ay hindi alam ang dahilan. Bakit nga ba hindi?

"E-Eh hindi pa naman sure."

"Wag mong sabihing hindi niyo napaplano or napag-uusapan ang bagay na yun?"

"Eh, hindi naman kami magsyota. Bakit namin pag-uusapan iyon?"

"Gosh! Nagsesex without protection! Anong inaasahan niyo?! Bangka?!" Dinuro-duro siya ni Rosey. Umiral na naman ang pagiging maldita nito. "Paano nalang kung nabuntis ka talaga?! Edi nganga nalang?!"

"Gosh! Pwede bang wag kang sumigaw?" Tinakpan niya ang kanyang tenga.

"Ichat mo ngayon si Marc at tanungin mo kung anong plano if ever mabuntis ka niya!"

"Isn't it weird? Baka nga hindi pa nagkakape yung tao."

"Haaay! Just do it ! Kailangan pagtapos ko umihi may sagot na siya." Anito at nagtungo sa banyo.

She sighed and opened her conversation with Marc. Matagal lamang siyang nakatitig sa huling conversation nila one month ago.

Bakit nga ba siya kinabahan sa isiping buntis siya kay Marc?

"Itatanong ko ba?"

Tiyak maweweirduhan ito. Baka isipin pa nito na nagiging illusyonada na siya at nag-uumpisang mangarap para sa kanila. Well, may naimagine naman na talaga siya kagabi. Pero weird pa rin kung bigla niyang ibubukas ang ganoon kaseryosong usapan lalo pa't graduating sila. Baka mailang lang si Marc at mag-umpisang mahiwagaan sa kanya, knowing last time na nag-eemote siya ay nahiwagaan ito sa unusual side niya at tinawag pa siyang drama queen. Apparently, Marc isn't get used to her other side.

Napatungo siya nang tumunog ang kanyang messenger. Natunugan ata ni Marc na nakatutok siya sa chat box nila. Bigla itong nagtype at nagchat.

Marc: Good morning sunshine 🌤

Mabilis ang kanyang kamay na nagtype.

Leison: Hello there

Leison: How are you?

Leison: How was your morning?

Leison: Soft or rough?

Leison: Have you eaten?

Leison was biting her nails habang hinihintay matapos magtype si Marc.

Marc: Whoa, many questions

Marc: Haha

Halos tuktukan niya ang kanyang sarili dahil ngayon niya lang rin napansin na natadtad niya ito ng message.

Marc: Well, my day was good. Nothing to worry about now : )

Leison: Haha just asking lol

Pagkasend niyon ay inis niyang nilayo ang phone sa sarili.

Nang bumalik mula sa banyo si Rosey ay nakataas ang kilay nito. "What happened?"

"Can we let this pass? Hindi naman ako totoong buntis eh. Mag-iingat nalang kami sa susunod."

"Oh my God, are you guys dating to settle or to have fun lang talaga?"

"Well... we said that we will see where it goes..."

"Oh talaga? If I may remind you, you two have been seeing where things go up until 5 months now."

Leison laughed to cool her friend down. "Huy? Wag kana magalit. It's not as if Marc forced me to be engaged in this no-label relationship. Pareho namin 'tong choice. We wanted to have fun-- we are having fun."

Niyakap ni Leison ang kaibigan.

"We'll be fine. Hindi naman kami nagmamadali. Graduating palang tayo oh? Malay mo... when life gets serious and when we start to learn to set goals... maybe by then... we can finally talk about our plan. Sa ngayon ang mahalaga masaya kami."  She sighed. "Ayaw ko gumawa ng problema. Masaya kami."

Napaisip si Rosey. Maya-maya ay napasang-ayon. "Well, may point ka. Darating at darating din naman kayo diyan, lalo na after school. At saka wag pala ikaw ang mag-open ng topic na yan kasi it's better when that conversation will be initiated by Marc. He was supposed to open that topic first."

Tumango siya at ngumiti. "Yeah, you're right..."

No Strings AttachedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant