"So... hihintayin natin ang laboratory result mo para malaman natin kung clear or hindi. Pwede ka naman gumamit ng pregnancy test pero it is not 100% trusted lalo na ng mga expert due to some cases na pumapalpak siya at namamali ng basa."

"P-Pregnancy test?" Bigla ay para siyang tinakasan ng dugo sa mukha.

"Yes, hija. Are you sexually active? Kailan ang huling physical intercourse mo?"

Napaisip siya. Hindi alam kung uunahin ba munang magreminisce sa huling pagkikita nila ni Marc or mangamba dahil sa hinalang buntis siya.

"Hija?"

Kumurap siya. "Last month, doc."

"Okay, so malaki nga ang chance lalo na kung hindi kayo gumamit ng protection or hindi ka maintenance sa pills. I suggest, balikan nalang nitong kaibigan mo ang result bukas, at magpahinga ka muna."

Halong kaba at takot ang dumaan sa mata ni Leison nang magtama ang kanilang mata ni Rosey. She'll be damned.

Bago umalis ay may pinafill-upan munang log book for medical record. She does not know what to write noong information na ng husband ang fifill-upan.

"Who am I gonna write on here?" Mahina niyang bulong kay Rosey.

"Edi si Marc!" Mahina ngunit may diing sagot nito.

"He is not even my boyfriend!"

"Fill-upan mo nalang!"

"Tsk!" Umiling siya. "Ano ba to? Resume? Hindi ko alam ang address niya. I don't even know his character references. Wala akong kilala sa pamilya niya."

Tumikhim ang Doctor nang marinig ang bulungan ng  dalawa.

"You may leave that blank if the hubby is unknown or not sure."

Napayuko nalang si Leison sa hiya.

Pagtapos ng mahabang araw ay hinatid ni Rosey at Allen si Leison upang makapag-pahinga. She was left empty and stunned inside her condo unit. Pinilit niya nalang matulog ng gabing iyon. For the first time in her life, natulog siyang may rosaryo sa kamay.

Kinabukasan ay kumulob sa apat na sulok ng silid ang kanyang tili. Kasabay niyon ay ang sunod-sunod na pagkatok ni Rosey sa labas ng kanyang unit.

Kapwa masaya at maaliwalas ang mukha ni Leison at Rosey nang bumukas ang pintuan. Sabay pa silang napasigaw.

"I'm on my period!"

"May ulcer ka lang!"

"Oh my God!"

Kapwa nanlaki ang mata nila at nagyakap. Tatawa-tawa silang humandusay sa kama.

"Alam mo bang sobrang kinabahan ako kahapon!"

"Ako rin! Gaga ka!"

"What did Marc say?"

"Hindi ko pa sinabi."

"Omg! Chat mo dali! Online ba?"

Agad chineck ni Leison ang kanyang phone.

Marc is online. He has also already seen her my day on facebook about her successful thesis defense, but no message was left from him.

"Busy ata."

"Busy?"

"Kasi diba malapit na ang graduation."

"Patingin!" Inagaw ni Rose ang phone mula sa kanya. "Oh? Online naman pala! Bakit hindi mo ichat?!"

Mabilis niyang inagaw ang phone mula sa kaibigan. "Maweweirduhan yun! Alam niyang hindi ko ugali mag-initiate sa chat."

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now